Totoo nga ang sabi nila
ang relasyon daw ay kagaya ng tubig,
kapag lumamig, lumalabo.
At sanay na ako sa malabo.
Malinaw na ang usapan
pero napupunta pa rin sa malabong ugnayan
at pati na rin sa malabong magkatuluyan.
Dahil madami kasi ang humahadlang at humaharang.
Marami ang may ayaw
lalo na ikaw.
Tinanong kita noon kung masaya ka ba kapag kausap mo ko,
at ang sagot mo, bat ganon ang mga tanong ko.
Tinanong lang naman kita para aware naman ako
lalo na kung alam ko sa sarili kong niloloko mo lang ako.
Malakas akong makaramdam kung tinatarantado ako.
Kaya nga lumayo na ako.
Kasi nasaktan na naman ako nang husto nang taong mahal ko,
pero iba naman ang palaging nasa isip at puso.
Malabo naman talagang maging tayo.
Kasi alam kong sa una pa lang talo na ako.
Anong bang panlaban ko?
Wala akong maipanlalaban kasi sino ba naman ako.
Isang hamak na babae na ang turing mo eh tropa mo lang ako.
Malabong maging kayo.
Kasi nga tropa lang ang turing nya sayo.
Halos isang buwan na nawalang ugnayan.
At sa loob ng isang buwan marami na rin siyang natutunan.
Mga bagay na iniisip niya kung tama ba ang kahihinatnan.
Buti na lang at tumigil na siya sa iba pa niyang katarantaduhan at kagaguhan.
Piringan man ng panyo ang mga mata ko
at hanapin ka dahil ikaw lang ang kilala ko.
Huwag na dahil naisip ko kung ano-ano ang mga ginawa mo.
Napabuntong hininga na lang ako
habang nag-iisip ako.
Ito yung sumira sa mga plano ko.
Ito yung taong pinagkatiwalaan ko
ng buong buhay ko.
Ito yung taong kinikwentuhan ko
kung anong nangyari sa araw ko.
Ito rin yung taong nagpasaya sakin sa loob ng isang buwan nung Enero.
At ito rin pala yung taong mang-iiwan at lalayo sakin dahil nakahanap na siya ng bago.