M A L I - G A - YA
Stands for:
MALI - Maling
GA - Gawain
YA - Yan
Maling Gawain Yan.
Ang magpanggap.
Maling Gawain Yan.
Masaya na ako.
Yan ang mga katagang palaging sinasabi ko.
Sa harap ng publiko
at sa mga taong kakilala ko.
Pero ano nga ba ang totoo?
Ano ba talaga yung totoo?
Parati nating sinasabi na masaya tayo,
pero yun ba talaga ang nararamdaman mo?
Masaya na ako.
Tatlong salita na madaling sabihin pero mahirap paniwalaan.
Tinatanong nga ako ng mga kaibigan ko kung ayos lang ba ako.
Ang tanging sagot ko naman ay "Masaya na ako."
Isang tanong na "Oo" at "Hindi" lang ang sagot
pero bakit parang sobrang layo ng sagot.
Masaya na ako.
Maling-mali na magpanggap na maayos ka.
Sa harap ng taong di ka naman MahalAga.
Mahal at Mahalaga.
Hindi ka din naman importante.
Hindi ka pinapahalagahan.
Hindi ka naman sinusuyo.
At higit sa lahat,
hindi ka naman mahal.
In short, itsapwera.
Huwag na tayong magpanggap sa totoong nararamdaman natin.
Mahirap magpanggap sa harap ng may mas alam sa nararamdaman natin.
Maging totoo naman tayo sa sarili natin kahit minsan lang.
Sino ba ang niloloko natin,
diba sarili lang din naman natin.
Masaya na ako.
Yun lang muna ang masasabi ko.
Lalo na kapag tinatanong ulit ako.
Mahirap magpanggap pero siguro hanggang dun na lang muna.
Maligaya na ako kahit hindi.
Mabigat man pero sana kayanin.
Wala na rin naman tutulong sa atin kundi ang sarili natin.
M A L I - G A Y A