Chapter 1
YANNA'S POV
Nag-iisa na naman ako. Parati nalang akong ganito. Nakakawalang gana. Tss. Lahat sila'y may kanya-kanyang kaibigan o grupo.
Habang ako naman ay naka upo lang dito sa sulok. Nagmamasid sa mga ginagawa nila. Bakit kaya ayaw nila sakin? Dahil ba sa mata kong kulay itim? O sa ugali kong bipolar. Hays.
*krrrrriiiiiiiiiiiiiiiing*
Nagmamadali na sila. Nagsisi unahan na makapasok sa mga silid-aralan. Di ko pa alam kung saan ang silid-aralan ako tutungo. Pumunta nalang ako sa Principal at inihatid ako sa silid-aralan ko.
"Magandang umaga mga studyante ito si Yanna Lafuente, ang bago niyong kaklase" sabi ng Principal. Matapos ng ilang paalala ng Principal ay umalis na ito at dumiretso na ako sa bakanteng upuan na naka-puwesto sa dulong kaliwa. May apat na upuang bakante, umupo ako sa dulo.
Wala akong paki-alam sa mga kaklasi kong maingay, nakikinig nalang ako sa boring naming leksyon.
*booooooooooogsh*
Sino sila? Ba't ngayong lang sila? Nakakatawa silang tatlo, parang mga basang sisiw! Hahaha! Pero kahit ganun, ang ganda pa rin nila. Magkamukha silang 3. Magkakapatid kaya sila? Hahaha! May dalawang kulot na babae at yung isa, wavy ang buhok niya.
"KATNISS! MADISON! TAMIA! Huli na naman kayo sa klase ko! Dali, umupo na kayo sa upuan niyo." Sabi ni ma'am. Di ko alam ang pangalan niya. Tehee
"Sorry po Ma'am, hindi kasi tumunog ang alarm clock namin eh," sabi ni Kulot 1. Yung kasingtangkad ko ata. Umupo silang tatlo sa bakanteng upuan na nasa kanan ko.
"O, may bago pala tayong kaklase." Sabi ni Kulot 2. Mas matangkad siya kay Kulot 1.
"Anong pangalan mo?" tanong ng pinakamatangkad sa kanilang grupo. Hindi na ako nagtangkang pansinin sila. Nagpanggap nalang akong nakikinig sa aming guro. Choss
Salamat at natapos narin ang klase. Tumayo ako agad ngunit may humawak sa kamay ko.
"Sandali lang, gusto naming makipagkaibigan sa'yo. Anong pangalan mo?" Sabi ni Kulot 1.
"Yanna, Yanna Lafuente," sabi ko sa kanila
"Ako naman si Katniss," yung pinakamatangkad, "siya si Madison," yung kulot 1, "at siya naman si Tamia." yung kulot 2.
BINABASA MO ANG
KA-MA-TA-YAN
Mystery / ThrillerPROLOGUE May naririnig akong kaluskos. Tumingin ako sa likuran ng makita ko ang tatlong babae. "Ba't kayo nandito?!" Sigaw ko ng mangiyak-ngiyak. "Anong kailangan niyo?!" "Nag-balik kami para kunin ka, Yanna. Hindi kami mabubuo kung wala ka." Auth...