KA-MA-TA-YAN chapter 4

67 1 0
                                    

Chapter 4

YANNA'S POV

Napaaga yata talaga ng dating sa paaralan. Eh ayaw ko kase munang sumakay sa school bus baka kase nandoon si Katniss, Madison, Tamia at lalong lalo na si Benj. At mukha pa yatang malapit na magkaibigan pa silang apat.

"Hayyyyy, na dagdagan na namn problema ko. Ano ba namn di na ako tinatan-tanan ng kamalasan sa buhay."

"Hi Yanna!" Sabay bigay ni benj ng isang rosas na kulay puti. "Sorry pala kahapon. Di ko naman sinasadya eh. Ang sungit mo pala ano? Wag ka nang magsungit. Sayang yung ganda mo. Sge una na ako. 😊"

Tung lalaking to parang kabuti, sulpot lang ng sulpot kahit saan. Kala ko pa naman maiiwasan ko siya ngayong araw.

"Salamat." :">

Teka! Teka! ba't ba nasabi ko yon? Naku! Naku Yanna! Ano ba nangyayari sayo. Nung isang araw pa ako nagkakaganito. Ang init ng cheeks ko. Tsk! pabulong na sabi ni Yanna sa sarili.

"Balibhasa kase ang gwapo niya" bulong ng puso ni Yanna na parang nakikipagtalo pa ata.

"Erase! Eraseeeeeeeeeeeeee! Waaaaaaaaaah!"

"Ohhh Yanna, anong nangyari sayo? Halika na pasok na tayo" sabi ni Tamia

Hindi ko na pala namalayan nandyan na ako sa tapat ng silid-aralan ko. "Hahahah. Wala okay lang ako. Sge-sge" Yannaaaaaa naman kase. Nag mukha ka tuloy tanga. Tsk!

"Good morning class! Ngayong umaga ay may gagawin kayong eksperimento sa laboratoryo. Mag hanap kayo ng ka group niyo. Sa isang groupo dapat may limang meyembro"

"Grupo tayo!"

"Sali niyo ko"

Andiyan na naman yang grupo-grupo! Nakakainis! "Uhmm, miss, puede po ba ako nalang mag-isa. Wala kase akong ka group"

"Ayyy hindi yan puede Yanna. Sino bang kulang ng miyembro dyan?"

"Kami maam!" sigaw ni Madison.

Hay nako. Ano ba namang buhay to. Sila na naman. Ughhhhh

*Sa Science Laboratory*

"Kumuha na kayo ng mga kagamitan niyo. Sa inyong mesa may tig-iisang palaka kayong pag eeksperementohan" sabi ng mataray naming guro.

"Sge ako nalang ang kukuha" sabi ni Tamia

"Okaaay, simulan niyo na"

"Nakoooo! Ayoko ng palaka nakakatakot." wika ni Katniss

"Oo nga kadiri. Yuckkkks. Eh benj ikaw nalang kaya!" sabi ni Madison

"Ha! Ako?" Ani ni Benj

"Ano ba naman kayo e may phobia si benj sa mga hayop. Lalo na sa palaka. Puede naman ako eh pero ayokong humawak ng kutsilyo" sabi ni Tamia

"Nasaan ba kutsilyo ako nalang ang hihiwaya. Ang OA naman. Ang dali naman nyan eh." sabi ko nang hindi naka tingin sa kanila.

At biglang sumirit yung dugo sa aking mukha. "Yuckkkkk! Kadiri" sabay na sabi ng tatlo.

Ang sarap. Ang bango nito, nagpapagaan ng aking loob. Hmmmmmmmmmmmmmhhh

Lumapit si Benj at pinunasan ang aking mukha. "Mag ingat ka naman Yanna"

"Ano baaaaaa! Wag mo nga akong punasan. Kaya ko naman ang sarili ko! Nakakinis!"

Lumabas ako ng laboratoryo at pumunta ng playground.

*BENJAMIN'S POV*

Saan na naman kaya siya pupunta. Tong batang to! Nagaalala na naman ako. 😞

"Pagpasensyahan mo na siya Benj. Ganun lang talaga yun. Masungit." Sabi ni Katniss

"Okay lang. Puede bang makahingi ng number niya?" sabi ko.

"Ohhh ito" sabi ni Madison.

*TAMIA'S POV*

Parang nakakahalata na ako. Bakit ba siya ganyan? Parang ayaw niya tumanggap ng tulong. Gusto niya parati siya lang mag isa.

May problema ba siya sa mga magulang niya?

Nasaan ba yung mga magulang niya? Saan ba siya nakatira.

Ang hirap naman niyang basahin.

Gusto ko siyang makilala.

Kringgggggg!! Kringgggggg!

"Tara uwi na tayo!" Wika ni Madison

"Okay ka lang Tamia?" Ani ni Benj

"Ha? Okay lang ako. Tara!"

KA-MA-TA-YANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon