KA-MA-TA-YAN chapter 8

52 1 0
                                    

Chapter 8

*flashback*

TAMIA'S FATHER POV

Ang ganda niya talaga. Para siyang isang dyosa. Nakakabaliw *o*

Highschool pa lang, mahal ko na siya. Siya ang una at huli kong mamahalin.

"Babe, ano ka ba? Hahahahaha tulala ka na naman." Nakakatuwa talaga siyang tingnan.

"Sorry babe. Hahaha nakakatulala kasi ang kagandahan mo." Ani ko

"Nako babe ha. Binobola mo na naman ako. Ikaw talaga. Kainin mo na nga yan baka malamig na yang pagkain mo."

"Hahaha oo na."

"Siya nga pala babe! Yeeeee" ano naman nakain nito. Hahahah

"Ano yun?"

"Yeeeee. May trabaho na ako! :D" whoaaaa sa wakas. Nagkatrabaho na rin tong babaeng to. Hahaha muntikan natong ma depress

"Talaga babe? Wow. Masaya ako para sayo. Kaya pala ni libre mo ako ngayon."

"Thank you babe. Hehehe wala lang. Gusto ko lang magcelebrate. At alam mo ba, magsisimula na agad ako bukas."

"Grabe ka na talaga babe. Basta ha, walang magbabago sa'tin?"

"OA nito. Nagkatrabaho lang, magbabago agad? Syempre di no."

"Hahahaha joke lang yun. Mahal kita."

"Mahal rin kita babe."

-----

Masaya na sana eh. Ba't nagbago?

Di ba niya alam kung anong araw ngayon? Wala mang text or chat galing sa kanya. Ba't hindi na siya masyadong nagpaparamdam? Ba't nagbago? May nagawa ba akong masama? Wala naman ah. Ba't hindi na gaya ng dati?

Namimiss ko na siya. Kahit andiyan siya ay parang ang layo niya. Ang lamig na ng turing niya sa akin. Madalang na lang siyang makipag-usap sa akin. Kesyo busy raw siya. Ayaw niya nang masyadong makipagbonding sa akin. May mali ba sa akin?

Kapag tinatanong ko siya'y wala parati ang sagot niya. Pilit kong inaayos ang lahat dahil ayaw ko siyang mawala sa buhay ko. Nangako ako sa kanya na siya lang habang buhay. Marami ng away ang aming napagdaanan, ni isa ay di ako sumuko.

Nahihirapan na rin ako. Pero gagawin ko ang lahat di lang siya mawala.

Eto ako ngayon, naghihintay sa paborito naming kainan. Kinakabahan ako. Kasya kaya sa kanya tong sing-sing? Ha-ha. Oo, magpo-propose ako. Nagbabakasakali na magiging okay ang lahat kapag nagpropose ako. Gusto ko na rin siyang pakasalan. 7th anniversary rin namin ngayon. Ang tagal na noh? Hahaha haaaay nasasaktan lang ako dahil hindi man siya naggreet sa'kin. Baka busy lang siya. Okay lang.

Paglipas ng ilang minuto, may magandang dilag na dumating. Hahaha alam niyo kung sino. Teka, ba't parang hindi siya masaya? Nako baka stress lang.

Tumayo ako at sinalubong ang mahal ko.

"Hi babe. I miss you." Hinalikan ko siya sa pisngi. Wala mang response?

"Umupo ka dito babe."

"Ah babe, happy 7th anniversary. Hehe" Ang laki ng ngiti ko habang binibigay ko sa kanya ang bulaklak.

Hindi ma ipinta ang kanyang mukha. Wala mang sagot?

"Stephen, listen to me." Ba't di niya ako tinawag na babe? Kinakabahan ako.

"Ano yun mahal?" Nanginginig ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hawak-hawak ko ang sing-sing sa bulsa ko. Think positive lang Stephen.

"This is not right anymore. Hindi ko na kaya." Ani niya

"Ha? Anong hindi na tama? May nagawa ba ako mahal? Mahal? Di ba sabi mo sabay nating kakayanin ang lahat? Anong nangyayari sa'yo mahal?" Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko dahil ayaw kong makita niya akong mahina.

"Ayaw ko nang magtanggap, Stephen. Naaawa na ako sa'yo. Hay. May ipagtatapat ako sa'yo." Ano bang nangyayari? Hindi ako makahinga ng maayos.

"Mahal? Habang buhay tayo diba? Naaala mo ba yung nangako tayo sa isa't-isa habang nagsta-star gazing tayo? Mahal, marami na tayong napagdaanan. Ngayon ka lang ba susuko?" Hindi ko na kaya. Mangiyak-ngiyak na ako habang binibigkas ang mgamsalitang iyon.

"Stephen, may mga taong dumadating sa buhay mo ngunit hindi lahat ang nananatili sa'yo habang buhay. At isa ako don Stephen."

"Anong pinagsasabi mo mahal?" Sobrang sakit na talaga

"I'm breaking up with you." Bigla siyang tumayo at umalis.

"Wait Monica! Monicaaaa!! Mahaaaal!!! Mahal, ayosin natin ang lahat." Pilit ko siyang hinahabol. Ngunit di ko siya nadatnan.

Wasak na wasak ang puso ko sa mga sinabi niya. Wala man siyang explanation kung bakit siya nagkaganoon.

Di ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. Ayaw nitong pumigil sa pagtulo. Tinitingnan na ako ng mga tao.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Sobrang sakit. Parang dinudurog ng pino ang puso ko.

"Monicaaaaa!!! Mahaaaaal! Wag mo akong iwan! Monicaaaaaa!" Pinagtitinginan na nila ako. Wala akong paki alam. Ang gusto ko ay si Monica.

KA-MA-TA-YANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon