Chapter 2

12 0 0
                                    

"Ahm hi?nasan labasan dito?"tanong ko.

"Ano po?hindi ko po maintindihan"

"I mean ah potek naman! Maaari mo bang ituro sa'kin ang labasan?"ako.

"Ngunit 'yun lamang po ang labasan binibini"sabay turo n'ya sa baba.

Second floor pala 'to

"Omggg!salamat"masayang sabi ko at bumaba na.

"Proserpina anak sa'n ka pupunta?"tanong sa'kin ng babaeng may edad na.

"Huh?"ako.

"Anak kakain na tayo,saan kaba patungo?"

Baka nanay 'to ni proserpina?

"Ah magc-cr la--ah este pupunta po ako sa labas ina magpapahangin"ako.

Ashuuu!ang lalim ko magtagalog.

"Ganun ba?sige ipapatawag nalang kita kay susan pag kakain na tayo"sabay alis.

Nakahinga ako ng maluwag akala ko mabubuking na'ko!

Tatakbo na sana ako pero ang bigat ng suot ko parang ano lang na ewan.

Pagkarating ko sa labas ay sumalubong sa'kin ang fresh air nakanaks.

Nasa kalagitnaan ako ng paglilibot para makatakas kasi ang daming guard!

"Maganda umaga binibini"

"Ay tipaklong ni juan!"sigaw ko dahil sa pagkagulat.

"Pasensya na binibini"napatingin ako sa lalakeng nasa harap ko ngayon.

"Sino ka?"tanong ko.

"Ginoong anastacio juanito rosario"s'ya.

Tinanguan ko lang s'ya sabay abala ulit sa pagmamanman para makatakas.

"Ano ang 'yung tinitingnan d'yan?"tanong n'ya kaya napadikit s'ya sakin.

Napatingin ako sa balat namin na nagkadikit.

"Pasensya na binibini"s'ya sabay umabante ng unti.

Di ko nalang pinansin 'yun.

"Juan"pagtawag ko sa lalake.

"Ano ang 'yung sinabi?"tanong n'ya.

"Pangalan mo juan diba?"

"Juanito binibini hindi juan"s'ya sabay tawa.

"Nakakatuwa 'yun?baduy ng pangalan mo"ako.

"Ikaw si binibining proserpina diba?"

"Ewan ko"tanong ko.

"Ano--"

"Tatanong ka tas di mo alam"ako sabay alis na ngunit natalisod ako dahil sa kahoy.

"Binibini!"sigaw ni juanito sabay salo sa'kin .

Wuhoo!buti nalang.

"Ayos kalang?"nagaalala n'yang tanong.

"A-ayos lang ako juanito"

"Mag-iingat ka sa susunod"

"Oo--"

"Proserpina!Juanito!ano 'tong ginagawa n'yo"napatayo ako ng mabilis ngunit napaupo rin dahil sa sakit ng paa ko.

"Mali mo ang 'yong iniisip ginang josefinna"

Nanay ko pala ah este nanay ni proserpina ang dumating.

"Ngunit alam n'yo naman na bawal ang inyong ginawa"

"Pasensya na po"

"Proserpina kailangan ito malaman ng 'yong ama"sagot ni jose ay ewan.

"Bakit?"tanong ko sabay sinubukang tumayo.

"Sumunod kayo sa loob"si jose sabay alis.

Jusq po carolinne ano nanaman pinasok mong gulo?

"Pasensya na binibini"juanito.

"Ayos lang,tulungan mo nalang ako tumayo"ako.

"Nguni--"

"Alangan gumapang ako?"sabi ko.

Tinulungan n'ya na ako hanggang sa makarating kami sa loob ng bahay.

"Anong nangyare sayo kapatid?"tanong ng isang babae na di ko kilala.

Bagong tauhan nanaman?

"Proserpina,juanito,isabella tawag na tayo ni ina sa kusina"

"Oh proserpina?anong nangyari sa paa mo?"tanong nung babae.

"Natapilok s'ya sa labas binibining carmelita"sagot ni juanito.

"Ako na ang aalalay sa kan'ya"pagpresinta nung isabella ata.

"Pumunta na tayo sa kusina kumpleto na sila dun"si carmelita.

Nung makarating kami sa kusina ay ang dami nila dun.

Ah puting uwak ni juan

"Proserpina,juanito,carmelita,isabella magsi-upo na kayo"

"Proserpina dito ka umupo"napatingin ako sa tumawag sa'kin.

S'ya ata si martha?

Ngunit di ko ito pinansin at naupo nalang sa tabi ni inang rita s'ya lang nakakakilala sakin rito!

"Magandang umaga ama"pagbati ni carmelita at isabela sa lalakeng matanda.

Tumango lang ang lalake.

"Proserpina,juanito"pagtawag sa'kin nung ama daw.

"Di ko na papatagalin pa,kayo ba ay may relasyon?"tanong nito.

Di ko alam isasagot ko nakita lang naman nila kami sa ganung posisyon relasyon agad?

"Mali po ang iniisip n'yo natapilok po ang binibini,pasensya na po"

"Proserpina totoo ba 'yun?"

"Ha?"tangang tanong ko.

"Tinatanong kita kung totoo ba ang isinalaysay ni ginoong juanito anak"pag ulit n'ya ng tanong.

"Ah opo a-ama"ang awkward.

"Napagkasunduan namin ng Rosario ang pag iisang dibdib n'yo juanito at proserpina"dagdag pa nito.

PanaginipWhere stories live. Discover now