Chapter 4

7 0 0
                                    

"Ha?hindi?ang ibig sabihin ko ay nagagalak ako sa pamamasyal mamaya hehe"ako

"Ganun ba?nawa ay magustuhan mo mamaya"si juanito.

Ngumiti lang ako ng pilit.

Kumain lang kami nung matapos kami ay nagyaya na si juanito.

"Don.Eduardo aalis na po kami ni binibining proserpina"pagpapaalam nito.

"Mag-ingat kayo ihatid mo s'ya dito bago magtakip silim"si ama

"Masusunod po,maraming salamat"si juanito.

Ayoko sana sumama kaso gusto ko ring makita ang pilipinas nung unang panahon.

"Saan ba tayo pupunta?"tanong ko.

Nginitian n'ya lang ako.

Aba?akala n'ya madadaan n'ya ako sa mga ngiti-ngiti n'ya.

"Wala tayong kalesang masasakyan ngayon binibini"

"So?"pagtataray ko.

Napakunot ang noo n'ya.

"Kailangan natin maglakad ngunit tirik ang araw ayos lang ba sa'yo?"tanong n'ya.

"Ofcourse not,pero sige ayos na din yun"ako sabay lakad na.

Bahala s'ya intindihin pinagsasabi ko.

Nauna na akong maglakad.

Habang naglalakad ay di ko mapigilan tingnan ang ganda ng pilipinas dati.

Napaka simpleng pamumuhay lang.

"Gan'to ba talaga dito juanito?"tanong ko sa kasama ko.

"Ang alin binibini?"tanong n'ya.

"Ang pamumuhay rito?"tanong ko.

"Ayos na sa ganyang pamumuhay ang mga pilipino basta malaya sila at mapayapa"sagot n'ya.

Nasakop nga pala sila ng español.

"Nandito na pala tayo binibini".

Pumasok kami sa isang bahay na ewan.

"Buen mediodia juanito,sino ang 'yung kasama?"tanong ng isang madre.

"Si binibining proserpina inang anita"si juanito.

"Ganun ba?sino ang 'yung pinuntahan rito?"tanong nito.

"Si inang rita"si juanito.

Omg!si inang rita!

"S'ya ngayon ay nasa kusina"sagot nito.

"Maraming salamat po inang anita"sagot ni juanito.

Pumunta na kami sa kusina at naabutan namin dun si inang rita na nagbabasa ng libro.

"Inang ritaaa!"sigaw ko sabay yakap sa kan'ya.

"Binibini!"sigaw ni juanito.

"Ayos lang juanito"si inang rita.

"Pasensya na po kayo sa inasal ng binibini inang rita".

Nginitian lang s'ya ni inang rita.

Umayos naman na ako ng upo.

"Bat kayo naparito?"tanong ni inang rita.

"May itatanong lang po sana ako kung maaaring isama ko si proserpina sa banda"tanong ni juanito.

Ha?banda?

"Ngunit baka hindi magustuhan ng binibini,ginoo"si inang rita.

"Anong banda?"tanong ko.

"Grupo ng mga musikero sa bayan na 'to binibini narinig ko kasi sa usapan nina carmelita ang 'yung kapatid na mahilig ka tumugtog"si juanito.

Oo mahilig ako tumugtog pero sa unang panahon?tas yung mga kantahan nila?iww.

"Nguni--"di ko na natapos ang sasabihin ko.

"Maaari mo nang isama ang binibini juanito"si inang rita.

Sinamaan ko s'ya ng tingin.

"Pe--"

"Mabuti naman po kung ganun,Muchas gracias, vamos a seguir adelante"si juanito.

Ano daw?

Ngumiti lang si inang rita.

Hinatak ako ni juanito palabas.

"Ano ba?!"sigaw ko.

"Pupunta na tayo sa--"

"Ayoko!"sigaw ko.

"Ganun ba?marahil ayaw mo nga,pero maaari mo ba akong samahan?"tanong niya.

Sayang naman effort nya diba?at syaka gusto ko ring makita yung mga instruments dati.

"Sige"ako.

Nagsimula na kaming maglakad.

"Nandito na tayo"

"Juanito!"sigaw ng isang lalake.

"Nikolas,magandang tanghali nasan ang banda?"tanong ni juanito.

"Nandun sa silid nag eensayo,mukhang may bitbit ka na binibini"sabi nung nikolas kumalas.

"S'ya si binibining proserpina"

"Magandang tanghali binibini"

Tinanguan ko lang s'ya.

"Pumasok na tayo sa silid"

Sinundan ko lang sila.

"Atin cu pong singsing

Metung yang timapukan

Amma ke iti

King, indung, ibatan

sangkan keng nininup

King me tung a kaban

Mewala ya iti ekukamalayan--"

"Tama na muna ang ensayo nandito ang ginoong juanito"

Napatigil ang lahat sa pagkanta.

"Buen mediodia juanito"sabay-sabay nilang sabi.

"Sino ang 'yung kasama juanito?"tanong ng isang babae.

Natawa si juanito"s'ya na ang huli binibining anastacia"si juanito.

PanaginipWhere stories live. Discover now