"Nais mo bang sumali sa banda?"tanong ng isang lalake.
"Ayaw ng binibini jose,kinumbinsi ko na din s'ya nung una"si juanito.
"Ngunit binibini sayang ang boses mo"si jose."Hindi naman sa ayaw ko ngunit di ako sanay gumamit ng instrumento n'yo"
"Boses mo ang gagamitin mo binibini"
"Tama si marselya"si juanito.
Aaaah sasali ba ako?
"Sige sasali na'ko"ako.
Ngumiti sila.
"Ngunit anong lenggwahe ang kinakanta mo kanina binibini?"tanong ni marselya.
Ah paktay ka.
"Isang lenggwahe sa ibang bansa"ako.
Bahala na.
"Kung ganun kinahihiligan mo pala ang pag-aaral ng ibat-ibang lenggwahe?"si niko.
Kabisado ko na names nila!
"Oo"ako.
"Maayos 'yan,maaari mo ba kaming turuan?"tanong ni juanito.
Natawa ako"maaari"ako.
Nagsimula na kaming mag jamming tinuro ko sa kanila ang kanta sa kasalukuyang panahon natatawa nga ako sa mga naging reaction ng mga mukha nila.
"Ang saya matuto ng bagong lenggwahe binibini ngunit nakakadugo ng utak"si abenita.
Natawa ako.
"Mag tatakip silim na,mauuna na kami ni binibining proserpina"si juanito.
"Ganun ba?mag iingat kayo sana ay makabalik kayo"sila.
Nakakatuwa silang kasamaa!
"Masaya kaba binibini?"si juanito.
Napatingin ako sa kan'ya.
"Sobra juanito,maraming salamat"ako
Naglakad na kami ni juanito papuntang bahay.
Nakakapagod din kaya.
"Kamusta ang i'yong lakad?"salubong na tanong ni ina nung makarating kami sa bahay.
"Maayos naman 'ho"sagot ko.
"Mauuna na po ako,nawa ay napasaya kita ngayong araw binibining proserpina"si juanito.
Ngumiti lang ako sa kan'ya.
"Mukhang gumagaan na ang pakiramdam mo kay ginoong juanito anak"si ina
Tumingin ako sa kan'ya.
Whut the?
"Ina,hindi po"ako.
"Ganyan rin ang sinasabi ko sa lola mo nung umiibig ako"
Anuedaw?
"Ina hindi nga po"ako.
Natawa s'ya"Magpahinga kana at mukhang pagod ka"si ina.
Sa totoo lang pagoood na pagoood ina.
"Salamat ina,magandang gabi"ako sabay akyat na sa kwarto ko.
--
"Kapatid!"pag gising sa'kin ni isabella.
"Hm?"ako.
"Gumising kana!"sigaw pa nito.
"Maaga pa"tinatamad kong sabi.
"Kakain na tayo"si isabella.
"Aish inaantok pako"ako.
"Ngunit may naghihintay sa'yo na ginoo!"si isabellaHa?sino?
"Si juanito?"tanong ko.
"Basta!"
Wala ding dulot 'tong kapatid ni proserpina e'.
Tumayo na'ko at nag ayos.
"Magandang umaga binibini"pagbaba ko ay may isang lalake na di ko kilala.
"Hi--ah este magandang umaga"
"Alam kong nagagalak kang makita ako binibining proserpina"s'ya
Ha?nagagalak?yak!
Natawa ako"Me?no"ako sabay lakad na ulit.
"Ano ang 'yung sinabi?"s'ya.
"Nothing"ako sabay punta na sa kusina.
Nandun sina ina basta lahat ng pamilya ko.
"Kapatid,nagkita na ba kayo ni ginoong leonardo?"tanong sa'kin ni isabella.
Leonardo?yuck.
"Oo"ako sabay upo na.
"Iniwan ako ng binibini"si leonardo engkanto.
Sumunod pala s'ya?woah.
"Pagpasensyahan mo na ang binibini hindi lang siguro maganda ang kan'yang gising"
"Paano gaganda ang gising may impaktong dumating"bulong ko.
"Ano ang 'yung sinabi binibini"leonardo.
"Kumain na tayo"ako sabay kain.
"Buti at napadalaw ka iho"si ama.
"Si binibining proserpina po ang sadya ko rito"si leonardo.
Yuckkk!
"Hindi mo ba alam?"si isabella.
"Ang alin binibining isabella?"
"Na ikakasal na si juanito at proserpina?"
"Nguni---"
"Tama ang 'yong narinig"
Napatigil ako sa pagkain dahil sa nagsalita.
Si juanitoooooo!
Biglang bumilis ang heartbeat ko owemji?anong nangyare sa'kin.
"Mawalang galang na don.eduardo at doña josefinna"si juanito.
"Kami ay ikakasal na ni binibining proserpina kaya wala ng dapat pang umakyat ng ligaw sa kan'ya"si juanito sabay upo sa upuan na katabi ko.