Chapter 5

3.8K 73 16
                                        

Nakita ni Crystel na lumapit si Dave sa inakala niyang "anghel." While they are talking to each other, sinamantala yun ng dalaga upang mataman pagmasdan ang "anghel." She knew she already saw him somewhere. Hmmm. Muntik na mapatili ang dalaga ng maalala niya kung saan at sini ang "anghel." 

"Shoocckkss! Si Sean Yan!!!" tili niya sa isip niya. Naalala niyang crush ng ate niya ang lalaki na isang modelo at sikat na TV Personality. So, it means si Sean ay hindi anghel, kundi superhero niya? Natatawa ang dalaga sa naiisip niya. Eto na nga ang nangyari sa kanya, napapansin pa niya kung gaano ang kagwapo ang saviour niya. Nakita niyang papalapit na kanya muli ang dalawa. Mas matangkad si Dave kay Sean, at mas malaki ang pangangatawan.

"Crystel!!" Dave cupped her face, made her meet his gaze. She stares in those eyes. Nabasa niya ang pag-aalala at longing? Hmm, baka imagination niya lang! His gaze made her cry again. Naalala na naman niya ang naramdamang takot kanina, and that helpless feeling.

"Sssshhh! Don't cry, princess." Dave wiped her tears. Pero mas lalo niyang parang gustong maiyak sa gesture na yun.

"Lizzy's on the way here na! Don't worry. You're safe here na!" alo ng binata.

"Hmmm, excuse me!" narinig niyang nagsalita ang anghel, este si Sean. Napilitan lingunin ni Dave ang binata, but still holding her other hand.

"Oh, by the way, Crys, this is Sean. Siya yung nakakita sa'yo at nagdala dito sa hospital." pakilala ni Dave sa binata. Gustong sabihin ni Crystel na kilala na niya ngayon ang binata. Sino ba ang hindi nakakakilala sa kanilang dalawa? 2 of the country's most eligible bachelor.

"T-t-hank you po! P-p-asensya na din po." nahihiya niyang sabi sa binata. Ngumalngal agad siya sa harap nito at ni Dave na hindi man lang pa nagpapasalamat sa binata.

"Silly, you don't have to say sorry!" Sean smiles. Yung klase ng smile na pati ikaw mapapangiti. And Crystel think ngumiti din siya. The guy has this light aura. Parang ang gaan kasama ng binata.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

DAVE:

He saw that smile na kumawala sa labi ng dalaga while staring at Sean. Parang nakaramdam siya na may kumurot ng kaunti sa dibdib niya. Ano ba 'to? Lumiliit na ba self-confidence niya? Hindi siya ganito, he is never insecure. Pero parang gusto niya, ang ngiti ni Crystel ay dahil sa kanya lamang.

"Anyways, I have to go na din, Dave! Sinigurado ko lang na okay na si Crystel. I have early commitment pa tomorrow." tinig ni Sean ang pumutol sa iniisip ng binata. He immediately stood up and shook his hand.

"Thank you, Bro! Glad you were around that area."

"Don't mention it, dude! I'm sure gagawin yun ng kahit sino." nakangiti nitong sabi at pagkatapos ay bumaling sa dalaga.

"Pagaling ka ha! See you around when you're already well na." he said then gave her a pat on her shoulder bago lumabas sa hospital room na iyon.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Gees! Ano nangyari sa'yo, Crys?" humahangos pa ang kaibigang si Lizzy. Napangiti si Crystel ng makita ang kaibigan. Napaka-ganda talaga ng kaibigan. Her cheeks turns red every time magba-blush ito, or nag-aalala tulad ngayon. Katunayan di miminsang hiniling niya na sana ay nagkaron din siya ng maputing balat katulad ng sa kaibigan. Morena kasi siya, tipikal na kulay ng isang Pinay.

My Sweet Melody (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon