Chapter 7

3.4K 67 7
                                    

"Oh Little Miss Popular! Nasa front page ka!" tiningnan ni Crystel ang newspaper na hinagis ni Dave sa kanyang harapan. Naroon ang mukha niya dancing with Sean, smiling on something na sinasabi nito. The shot looks so romantic. She read the title, "Is she Sean Yan's new apple of the eyes?" Nanlaki ang mata ng dalaga sa nabasa.

"Hala! Ano 'to? Bakit ganito?" takang tanong niya kay Dave. Nakita niyang umiinom ito ng tubig. He isn't smiling! May topak na naman ba 'to?

"Ano yan? You tell me!" bakit parang galit si Dave? ano na naman bang nagawa niya?

"Di ko alam, Kuya! Sinayaw lang naman ako ni Kuya Sean nung p-par--"

"Yun nga eh! Kung kani-kanino ka nakikipag-sayaw. Di mo ba alam na kargo kita sa parents mo? Ano na lang sasabihin nila sa amin? Na pabaya kami?" he raised his voice to cut whatever she is about to say. Di na nga magandang ang gising niya dahil sa dami ng nainom, eto pa ang sasalubong sa kanya. A juicy gossip linking Crystel to Sean.

"Eh, si Kuya Sean naman yun. Di ba nga he saved me? Sorry na, Kuya! Di ko naman alam na----"

"Sorry? Ayan na! Andiyan ka na sa front page! Alam mo ba ibig sabihin niyan?" muling bulyaw niya sa dalaga. naiinis siya sa isiping she will drag to this issue. Alam niya how showbiz world can be so ruthless!

"Oh, bat kayo nagsisigawa? Anong nagyari?" takang tanong ni Lizzy na nagising sa komosyon na nangyayari sa ibaba. She went straight to the fridge to drink water.

"Ayan! Ayang kaibigan mo. Nasa headline ng showbiz news. Tingnan mo!" mariin pa ding sabi ni Dave sa kapatid. Lizzy walk towards Crystel and grab the newspaper in front of her friend.

"Ay! ang ganda mo dito, Crys! Ang gwapo ni Kuya Sean." nangingiting sabi ni Lizzy.

"What? Seriously? Yan lang sasabihin mo? Alam mo kung ano ibig sabihin nyan. Maya maya lang, baka may reporter na dito. We will bombered by calls from press na gusto makilala si Crystel." Dave yelled to his sister after niyang makita ang reaction nito. He just couldn't believe na chill pa din ang kapatid!

"Eh Kuya, chill ka lang! Alam naman natin ang totoo, so why be scared?" saway ng dalaga sa kapatid. Di niya maintindihan bakit ganito ang reaction ng kapatid. Parang di naman ito sanay sa mga tsismis and everything.

"Chill lang? Alam mo ba kung ano ang iisipin ng parents niya sa atin? So, don't ask me to chill!" pero wala yatang balak huminahon si Dave.

"S-s-orry na, K-kuya D-dave! D-di ko naman alam na may mga reporters dun." now Crystel almost crying. Natatakot na siya dahil nakikita niyang galit talaga si Dave.

"Kung di ka kasi nakikipagsayaw kung kani-kanino. Para kang uto-uto eh. Una si Mark, tapos si Sean. Ganyan ka ba talaga?" muling bulyaw ni Dave. Tuluyan nang umiyak si Crystel. Ang sakit nun ha! 

"Eh teka lang po, Kuya Dave! Sobra naman yata yan. Di naman ako malandi e. Si Mark, classmate at kaibigan namin at partner ko nung gabi na yun. Si Kuya Sean, he saved me before. Grabe ka naman! Sobra naman yang sinasabi mo. Kung ang iniisip mo ay yung sasabihin ng parents ko, aalis na lang ako dito para di mo na ako kargo." at tumakbo na siya paakyat sa kwarto ni Lizzy kung saan siya natutulog.

Parang natauhan naman si Dave when he saw her cries. Susundan sana niya ang dalaga ngunit pinigilan siya ni Lizzy.

"Ako na, Kuya! Ang OA mo kasi eh! Bakit ka ba ganyan kagalit?" kompronta sa kanya ng kapatid. Saglit niya itong tinitigan bago magsalita.

"Concern lang naman ako sa kanya! Alam mo naman kung gaano kagulo ang showbiz." paliwanag niya sa kapatid. Agad siyang inirapan nito.

"Alam ko, pero bakit kailangan mo magalit ng ganyan? Kung ikaw ang nakitang kasayaw ni Crystel, hindi ba't ma-e-eskandalo din naman siya? Nagagalit ka ba talaga dahil na-dragged siya sa issue na yun? O dahil si Kuya Sean ang nakitang kasayaw ni Crystel? Kuya, wag kang plastic! Kelan ka pa naging plastic?" prangkang sabi sa kanya ng kapatid bago sinundan si Crystel sa itaas.

My Sweet Melody (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon