Chapter 11

3K 65 14
                                        

*7 YEARS AGO*

"Where have you been?" muntik mapatalon si Crystel ng marinig ang tinig ni Dave. Nakasandal ito tagong parte sa harapan ng kanilang bahay kaya di niya ito agad napansin. May dalawang linggo na din mula ng makabalik siya sa kanila inuupahang bahay. Nakabalik na din ang kanyang ate from Davao.

"K-kuya Dave! Nagulat naman ako sa'yo! Anong ginagawa mo diyan sa dilim?" pilit niyang inaaninag ang mukha ng binata. May isang linggo na din niya itong di nakikita. Kung makita man niya ay tango lang ang nagiging batian nila. She missed him!

"I came here to see you, Bata! Pero di mo pa sinasagot ang tanong ko, san ka galing? Sino kasama mo?" muling tanong nito sa kanya. Kung paiiralin niya ang pagiging hopia niya, malamang isipin ni Crystel na nagseselos ang lalaki. Pero di yun pwede mangyari. Di ba ngat minsan nagtangka niya ito kausapin ng minsan silang magkasabay sa isang guesting ay katakot takot na lait ang nakuha niya? May isa pa ngang artista na inirapan siya, at sinabihan siyang "FEELING!" May ilan naman na sinasabihan siyang "ambisyosa" o kaya naman ay "mukhang katulong" ni Dave. Lahat nang yun ay sumugat sa bata niyang puso. She decided na iwasan na lamang ang binata. Inisip niya na baka yun din naman ang gustong mangyari ng lalaki.

"Nagpunta kami sa club after ng guesting namin. Nagka-ayaan e. Si Kuya Sean yung naghatid sa akin." paliwanag niya dito kahit pa tingin naman niya ay wala siya dapat ipaliwanag. Kinuha niya ang duplicate key ng kanilang bahay mula sa bag niya at binuksan ang front door. Nag-text ang ate niya na bukas na uuwi dahil may get together itong dadaluhan kasama ang mga kaibigan. Ang kasama naman nila sa bahay ay maaring tulog na.

"Si Sean? Parang napapadalas yata ang paglabas nyo ha!" kasunod na nito ang binata. Parang gustong matawa na mainis ni Crystel sa reaction ni Dave. Pero inisip na lamang niya na maaring nag-aalala lamang ito sa kanya, just like the way he worries for Lizzy. Ganun lang yun, nakakabatang kapatid!

"Magkasama kasi kami ni Kuya Sean sa Sunday show. Saka I like his company. He is very fun to be with." mahinahon niyang paliwanag sa lalaki.

"Eh paano kung ma-tsismis na naman kayo? Di ka pa ba nadala? Ganyan ka ba talaga? Kung kani-kanino sumasama na lalaki kahit di mo boyfriend?" mariing tanong ni Dave. Parang bigla naman nag-init ang ulo ng dalaga sa narinig.

"Ano ba problema mo, Kuya Dave? Bakit ka ba nagagalit sa akin? Stop acting like a jealous boyfriend!!"

"dahil nagseselos talaga ako! Nagseselos ako! Damn it! Di nagseselos ako sa kahit na sinong dumidikit sa'yo. Nagseselos ako pag may nginingitian kang iba. Nagseselos ako pag may ibang nagpapatawa sa'yo. Nagseselos ako when you spend time with other people instead of me!" lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. His face so close! Naamoy nang dalaga ang alcohol sa hininga nito.

"K-kuya Dave! Lasing ka?" takot at pagkabigla ang nararamdaman ng dalaga. Lasing si Kuya Dave, at nagseselos ito? Wait! Hindi pa nagsi-sink sa utak niya.

"Di ako lasing! Nakainom lang ako. Pero alam ko ang sinasabi ko. Nasasaktan ako na iniiwasan mo ako. Nasasaktan ako na di mo ako kinakausap. Nasasaktan ako na lagi mong kasama at kausap si Sean."

"B-bakit? Di ko maintindihan!" naguguluhang tanong ng dalaga.

"Bakit? Kasi gusto kita! No, kasi mahal kita! God knows pilit kong nilalabanan dahil bata ka pa, pero every time makikita kita na kasama ng iba, the though of someone making you happy, di ko kaya. I rather take the risk of telling you how I feel than lose you, Crystel. Mahal kita!" buong sinsiredad na pahayag ni Dave.

Shocked si Crystel sa pag-amin na yun ng binata. Mahal siya ni Dave? Mahal siya ng first love niya?

"Look, I don't expect you to love me in return. Alam kong bata ka pa, alam kong madami ka pang pangarap. But please just let me love----"

My Sweet Melody (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon