This story is dedicated to all of you💕Enjoy reading guys!
-----------
Nico Gabriela Buena Vista
Makulit, maingay, matalino, mataray, moody, maganda, mayaman at spoiled palibhasa dalawa lang silang mag kapatid at ang naka tatanda nyang kapatid ay tumutulong nadin sa negosyo ng kanilang pamilya.
Matulungin naman sya at alam nya kung hanggang saan ang limitasyon ng kanyang mga ginagawa kaya gustong gusto sya sa kanilang pamilya pati narin ang ibang kamag-anak kahit daw mag bar sya alam parin daw nya ang kanyang dapat lugaran kaya pwede sya sa lahat ng mga gimik.
Gab
Bakasyon ngayon kasalukuyan akong nag babasa dito ng libro sa kwarto ko,nang may biglang kumatok, kaya pumunta agad ako sa pintuan para makita kung sino yun.
"Gab" tawag sakin ni mama.
"Bakit po ma? May kailangan kayo?" tanong ko sa kanya at nilawakan ko ang bukas ng pintuan para makapasok sya sa loob.
Nilibot ni mama ang tingin nya sa buong kwarto ko at nag pa tango-tango, bahagya naman akong nag taka sa kinikilos nya...para kasing ang weird nya ngayon.
"Gab pwede bang ikaw muna ang mag manage ng farm natin sa batangas."
Sabi ni mama sakin at ang tono ng pag kakasabi nya ay parang nag uutos at hindi nag tatanong at teka ano?Manage?! Farm? Batangas?!!
Naguguluhang tumingin ako sa kanya "Bakit? Bakit ako ang mag m-manage eh may mga secretary at ibang katiwa naman kayo na nag m-manage ng farm doon,si kuya?"
"Anak,Graduate ka narin naman kaya naisipan naming mag start ka na, saka Agriculture naman ang kinuha mong course diba?"
Nakangiti na sakin ngayon si mama habang hawak-hawak ang kamay ko.
"Ma, paano po kapag hindi ko napatakbo ng ayos ang negosyo natin doon?"nag aalalang sabi ko sa kanya.sobrang nakakalito talaga kung ano ang mararamdaman ko kasi sabihin mang OA pero-duhh,negosyo ng pamilya namin ang pinag uusapan dito hindi ko pwedeng sirain lang ang pinag hirapan nila lolo at lola pati narin sila papa at mama.
"Ano kaba naman Gab,alam naming kaya mo yan ganyan din naman si Gorry nung umpisa pa nya eh diba, at ang mga trabahador natin doon ay tapat,matagal nadin sila sa pag t-trabho saatin at yung iba naman ay mga anak at apo na.At kung may mangyaring mali nandyan lang kami nila papa at kuya mo, pero alam kong hindi ka papalya baby."
"Mama thankyou po, kasi ang laki ng tiwala nyo saakin.Diba mag t-training muna ako ng ilang araw bago nyo ako iwan doon?"
"Oo anak, kami kasi ng papa mo ay pupunta ng Singapore dahil may a-attendan kaming meeting at events at gusto din namin ng papa mo na maging hands on at hindi puro asa sa mga empleyado habang ang kuya mo ay sa Ilocos."
Kung tutuusin talaga pwedeng mag chill-chill nalang kami dahil kahit ang mga empleyado nalang ang mag manage ng negosyo namin madami parin kaming kita pero ang mga magulang ko ay gusto talaga na hands on sila.
"Aalis kana pala anak bukas kaya mag ayos kana ng mga gamit mo."tumayo na sya at umalis ng kwarto ko habang ito ako hindi ko alam kung matutuwa ba ako, ma s stress, kinakabahan o sadyang natatae lang?!
Lumapit agad ako sa closet ko at kinuha ko na ang maleta ko.Kailangan ko nang mag ayos ng
mga dadalhin ko.Makalipas ang tatlong oras natapos nadin ako.
syempre ang dami kong damit at ibang gamit na dadalhin kaya hindi ko namamalayan na ang bilis pala tumakbo ng oras.Sana di sya napapagod.
BINABASA MO ANG
Thy Love
Teen FictionIkaw at ako..magkaiba tayo, pero wala akong nakikitang dahilan para hindi tayo magka tuluyan...Pwede naman tayong maging masaya pero ang tadhana masyado tayong pinahihirapan...Nag kaka sakitan tayo ng hindi sinasadya at puro pag hingi nalang ng kapa...