II

769 25 1
                                    

GAB

Pinakilala ako ni Papa sa mga maids at ilan sa mga trabahador at nakapag libot-libot na naman kami at ang ganda at ang lawak talaga ng farm namin.nalaman ko din pala na may ilang mga hayop din kami may babuyan, poultry, kambing at baka.

Kasalukuyan akong nag lalakad dito sa garden at nag mumuni-muni lang ng may mag salita mula sa likod ko.

"Magandang hapon po Ma'am Gabriela" napalingon ako kay mang kiko.isa sya sa nag aalaga ng mga manok sa farm.

"Oh mang kiko magandang hapon din po, wag nyo na po akong tawaging 'ma'am',Gab nalang po"

"Sige po"napangiti naman ako sa kanya dahil sa pagtawag nyang 'po'

"Mang kiko naman eh! Wag na po kayong mag 'Po' sakin"

Napakamot sya ng batok saakin at ngumiti

"O sya sige na nga,Gab." Nagtawanan kaming dalawa

Maya-maya pa dumating si Gwen kasambahay namin sya at siguro nasa mid 19-21 na sya,Maganda sya maputi, matangos ang ilong, mapula ang labi, tapos yung buhok nya ay hanggang balikat at kung tutuusin hindi sya mukang kasambahay dahil ang ganda nya.

"Ate Gab, Mag merienda na daw po kayo, gumawa po si Manang Rosita ng goto."

"Ano yung goto?"takang tanong ko sa kanya, first time ko lang yan narinig eh.

"Basta po masarap yuon,sabaw sya at may kasamang laman loob ng kambing may laman din naman po.Masarap po iyon at mabenta dito"

"Gab, ang aking asawa ay may gotohan riyan sa may kanto madami din ang nabili doon kaya dapat matikman mo ang luto nya."singit ni mang kiko na nakangiti samin ngayon.Agad namang nag mano sa kanya si Gwen.

Nahahalata ko din na may batangeño accent ang pananalita nila.

syempre taga batangas eh!

"Sige tara na po doon, mang kiko sumama na po kayo samin mag merienda,asawa nyo pa naman po ang nag luto"kantyaw ko sa kanya.

"Ay kayo nalaang,madami padin akong gagawin.Sige na pumasok na kayo sa loob."

Katulad ng sinabi ni mang kiko nag lakad na kami papasok sa loob.

"Gwen ilang taon kana?"tanong ko sa kanya habang nag lalakad

"Ako po'y 20 na, kayo po ilang taon na?"

"Hmm,23 na ako.Bakit pala ang aga mong namasukan?"

"Kasi po pinag aaral ako ng mga magulang nyo at bilang pambawi ko namasukan ho ako bilang katulong.Noong una ayaw pumayag nila Señorita Ellaine pero nagpumilit ako, pumayag naman sila pero ng tumatagal hindi kona tinapos ang kolehiyo dahil sa hirap ng buhay nagka sakit ang aking ina kaya kinakailangan ko syang alagaan.ang aking ama naman ay nag t-trabaho din dito bilang taga tanim ng mga gulay habang ang kuya Jeriko naman ay nag aalaga ng baka kaya napilitan din akong huminto sa pag aaral.Ayos na saakin ang nakaabot ng kolehiyo at hindi naman din po ako nag sisisi na maging katulong nyo dahil napaka bait ng inyong pamilya."

Napa tulala ako sa mga sinabi nya, Hindi ko maiwasang hindi maawa sa kanya dahil sayang naman kaunting taon nalang makaka graduate na sya tsaka yung paraan ng pag sasalita nya parang ang lalim kahit moderno na ngayon.So iba talaga dito sa batangas?

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya kaya ngumiti nalang ako at ngumiti din sya saakin.

Dumiretcho ako sa dining table dahil nandoon na sila papa.Bago umupo humarap muna ako sa kanya,"Gwen, sumabay kana samin kumain."

Mukang nahiya naman sya at napatingin kila mama,papa at kuya nung nagtama yung mata nila ni kuya agad syang nag iwas ng tingin at nakita ko na medyo nailang din si kuya, bakit kaya?

"Ahm...ano wag na..kasi ah maglilinis pa ako sa bakuran, tama yun nga!"halatang naiilang na sya kaya tumango nalang ako sa kanya.

"Sige, pagkatapos mo nalang"

"No Gwen, join us, mamaya kana mag linis sa bakuran"nakangiti si mama sa kanya at iminuwesta ang tabi ko.

"Señorita nakakahiya naman po sa inyo."

Yumuko sya at medyo ano.. nakita ko yung ano...yung strap...ng ano.. bra nya medyo ano lang naman,medyo lumawit hehe... medyo medyo lang naman talaga.
Huy hindi ako namboboso ah!

"E-ehem" nag titimping tumingi si kuya sa kanya kaya agad kaming napatingin sa kanya at si Gwen naman ay napa tayo ng diretcho--nagulat ata, si kuya kasi eh abnormal.

Tumingin si kuya sa mata ni Gwen sunod naman sa medyo litaw na strap ng bra nya kaya sinundan naman yun ng tingin ni Gwen at nagulat sya ng makitang nakalabas na nga yun, siguro dahil nadin sa pag yuko nya.

Agad nya iyong inayos at humarap kila papa, namumula ang muka nya at para syang nakakain ng siling labuyo sa sobrang pula nya haha pero ang cute nya lalooo!

"Pasyensya na po talaga, aalis na po ako, magandang hapon po"nag madali syang umalis at nag simula na kaming kumain.

Hinigop ko yung sabaw ng goto at ang sarap pala nya nung nabanggit kasi kanina yung laman loob ng kambing medyo nag alinlanagan ako kasi baka mamaya hehe diba, pero masarap nga sya.Naka dalawang bowl ako at isang cup ng rice, grabe mananaba ata ako dito dahil ang sarap ng mga luto.

Lumipas ang gabi at hindi na ako kumain dahil busog pa naman ako.Nag half bath na ako at nahiga na ako pero syempre bago matulog nag my day muna ako ng mga pictures kanina sa farm.

Natulog akong yakap yakap si Grashy

------

Don't forget to vote and leave your comments about this chapter, Love lots♥:*

Thy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon