VI

362 4 0
                                    


Gab

On the way na kami papunta sa mga magiging ka bussiness partner ko na pag bibigyan ko ng invitation at medyo kinakabahan ako,nakailang ulit na akong naghahanda ng sasabihin ko dahil dapat formal,well oo napag handaan kona ito since college pero nakakakaba talaga.Dahil sa mas ahead sila sakin kesa sa nauna, baka mapuna nya agad ang mga pagkakamali ko.

Nandito na ako sa waiting area ng mansion ni Miss Velazco and pansin mo talaga na ang mga gamit nya sa bahay ay antique and native.Feeling ko bagay talaga magiging maganda ang pag m merge ng aming company at dahil sa nakikita kong design ng bahay nya parang nagugustuhan kona ang Native and Antique feels.

Nababa na sya ngayon sa hagdan at mahahalata mo sa pag lalakad at kilos nya na may pinagaralan talaga sya at may class muka naman syang mabait dahil nakangiti sya,pati mga maids nya nginingitian nya.

Tumayo ako at sinalubong sya nakipag beso ako at naupo kami.

"Good morning po Ms.Velazco Im Nico Gabriela Buena Vista from Hacienda Buena Vista and Im here to invite you to celebrate with us with our up comming 51st Anniversary."

taas noong sabi ko sa kanya para hindi nya mahalatang kinakabahan ako.
Nagulat ako nang tumawa sya at hinawakan nya ako sa balikat.

"Ija,Im glad to meet you but,youre too formal,simula ngayon kapag ako ang kausap mo treat me like your tita nalang and don't call me 'Ms.Velazco" nakakatanda just Tita Elycka."

ngumiti ako sa kanya at nagtawan kami.

"So tita Elycka,will you come?"tanong ko sa kanya at inabot ang invitation.

"Yes ofcourse,natutuwa ako na ang unica ija nila Eric at Ellaine na ngayon ang nag papatakbo ng negosyo nila dito sa batangas Im sure ma e-enjoy mo dito."

"Thankyou po,natutuwa din po ako dahil magka vibes na tayo and fresh,maganda at nakakatuwa po dito."

"Welcome Gabriella,so ija kumain muna tayo,nagpahanda ako ng pagkain sa maid."

kumain muna kami at nag paalam nadin ako para puntahan ang iba pa.Siguro nga hindi ko matatapos lahat ngayong araw na ito at baka bukas ko pa matatapos ang pag bibigay ng invitation.







Napuntahan kona sila Mr.Rejustado,Mr.Meza,Mrs.Faira at Mrs.Espinosa kasama na sila Martin.

And si Mr.Meza daw ay hindi makakapunta but he'll send his secretary and hopefully makakapunta daw ang iba.

Nagpahatid na ako sa bahay dahil sobrang pagod na ako.
Pagkadating namin dymiretcho agad ako sa room ko at nag pahinga muna ng 30 minutes.Binuksan ko ang phone ko at 5pm na pala.





Naligo na ako pagkatapos kong magpahinga at bumaba ako sa dinning para mag dinner.Nakaalis na sila daddy,mama at kuya kaya ang tahimik lang sa bahay.

"Oh ate Gab,nakakapagod ba ang pag punta sa mga bussiness parters mo?"

hinainan ako ni Gwen ng soup at bread at naupo sa tabi ko,tapos na kasi sya sa mga gawain nya.

"Hahaha Gwen,magiging partners palang,at sobrang nakakapagod nga eh.Madami pa din akong hindi napupuntahan."

sunimulan ko nang kumain habang pinapakinggan sya.

"Kaya mo yan ate Gab ikaw pa!" uminom sya ng tubig at napatigil ako sa pag kain nang may maalala ako.

"Gwen,kayo naba ni kuya?"
tanong ko sa kanya at dahil dun bigla syang nasamid.

"Ate Gab naman eh ginugulat mo ako."namula ang pisngi nya at halatang nag pipigil sya ng ngiti.

"sooooo ano ngang meron sa inyong dalawa?are you two dating or what?ex lovers?"

"Ahm kasi po,pano ko ba sisimulan?"

"sabihin mo sakin kung pano kayo nagkakilala."nakangiting kanyaw ko sa kanya.

"kasi po last 2 years nagpunta dito si Sir Eric at ang kuya mo,nung time pong iyon kakatigil ko lang sa kolehiyo dahil nga po nagkasakit si mama kinakailangan ko syang alagaan at binisita po kami nila sir Eric.Don ko po unang nakilala si Nathan,dinadalahan ko po kasi lagi ng pagkain sila kuya at papa dahil natatakot kami ni mama na baka pati sila magkasakit at malipasan ng gutom.Lagi ko pong nakikita doon ang kuya mo na tumutulong sa kanila sa mga gawain.Namangha nga ako no'n sa kanya kasi kahit sya ang boss tinutulungan nya ang mga manggagawa nya,napansin ko din ang ka kisigan nya.Aaminin ko nagka crush ako sa kanya noon pero sikreto ko lang.Pinatikman sa kanya ni papa ang luto ko at nagustuhan 'yon ng kuya mo kaya araw-araw ko narin syang dinadalhan ng pagkain hanggang sa sabi ni sir Eric kung pwede daw ay maging cook nyo nalang ako.Sumunod na mga araw dumating si Señorita Ellaine at sabi nya pag aaralin nya daw ulit ako pero tumanggi na ako dahil nakakahiya at kuntento na ako sa kung anong meron ako ngayon.Pumasok ako bilang kasambahay at di nagtagal nag papakita na ng mga motibo ang kuya mo at ang pakilala nya pa saking pangalan ay Nathaniel kaya Sir Nathan ang tawag ko sa kanya at minsan inaasar ko syang tantan.Dahil sa mga pinapakita nya lalo akong nahuhulog para sa kanya kaya naisipan kong lumayo dahil hindi tama ang nararamdaman ko.Isang bwan ako nag leave at nag part time job sa cafe malayo layo yun dito para siguradong makakalayo ako sa kanya,at si mama ayos na ang pakiramdam nya.Nagkita kami sa pinag t-trabahuan ko at sinama ako dito.Habang nasa byahe nagtapat sya ng nararamdaman nya para sakin at ganon din ako.Simula nung araw na yun kami na agad.Hindi na namin papakawalan ang isa't-isa."

Nalungkot ako sa kwento ni Gwen dahil ang lungkot ng muka nya habang nag k-kwento.Masaya din ako para sa kanila ni kuya Gorry kasi sila na pala pero ang problema patago.

"Gwen hindi nyo naman kailangang mag tago eh,sure ko naman na walang i aarange kay kuya." napatigil ako sa pag inom ng may maalala ako.

"Ehem Gwen,wala ba si kuyang nababanggit sayo?tungkol sa mga bagay bagay?"

"Wala po syang ibang sinabi maliban sa nangako syang babalikan nya ako."

sa sinabi nyang 'yon alam kona na dapat manahimik lang ako.

Nag usap pa kami ng konting oras at natulog narin ako dahil mahaba din ang magiging journey ko bukas.




hahahah yan muna ngayon,Love lotss💗

Thy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon