Chapter 2

13 1 0
                                    


II

Maaga akong gumising para maghanda para sa misa mamaya. Tiyak na naroon ang pamilya ng mga Velasquez. Kailangan ko magmukhang tao para naman maisip nilang bagay na bagay ako sa anak nilang consistent valedictorian noong highschool at mukhang gagraduate pang Cum Laude ngayong college.

Kahit naman ganito ako ay hindi naman ako kinulang sa intelektwal na abilidad. Sa katunayan nga ay nasa dean's list ako. Pero hindi ako masyadong aktibo sa mga gawaing pang eskwelahan, nagkakataon lang na matataas lagi ang mga nakukuha kong marka tuwing may pagsusulit. Hindi rin ako pala review na estudyante, palagi kaming naglalakwasta ni Arrise, ang aking bestfriend, pagkatapos ng aming mga klase.

Hindi kami classmates ni Arisse ngayong college dahil ang kurso kong tinatapos ay Liberal Arts samantalang siya naman ay Business Administration. Kabutihang palad ay pareho ang schedule ng mga breaks namin kaya't nagkakaron kami ng mga pagkakataon na magchismisan lalo na kung tungkol kay Theo!

Jean Theodore Velasquez. Kailan kaba mapapasakin? Kumpara sa ibang mga kaeskwelang lalaki na pumoporma sakin, walang wala silang laban kay Theo. 3rd year AB Philosophy student. Consistently on the dean's list. Basketball varsity and MVP. 2017 Rookie of the year. Photojournalist of the university's publication. Vice president ng student council. 19 years old, 5"9', clean cut ang buhok, may matangos na ilong at chinitong mata, maangas na kurba ng kilay, mapulang labi, at sa perpektong hubog ng panga ay baka mahiwa ka.

Sinilip ko ang sarili ko sa salamin upang tingnan kung bagay na ba sa man of my dreams since my fetus years.

Mabuti na lamang at may kuya akong si Vaughn at ang laking advantage sa kadahilanang bestfriend niya si Theo at nagkakaroon ako paminsan minsan ng palusot para makasilay.

Pero ngayon, mukhang magugulat sila Mama pag nagpaalam akong magsimba at napaka pormal pa ng ayos ko.

"Wag ka maingay mamaya Adel! Maging mahinhin ka sinasabi ko sayo. Wag mo ipahiya ang sarili natin sa harap ng future family mo.", sabi ko sa salamin habang pinapagalitan ko ang aking sarili.

Kinkabahan ako. Ngayon lang ako nag effort ng ganito para lang mapansin ng lalaki.

"Ma, magsisimba lang po ako. Good morning po!", paalam ko kay mama sabay halik sa kanyang pisngi.

"Hala Nico kapain mo nga ang noo ng kapatid mo mukhang nilalagnat.", pang aasar ni mama saken.

"Ma!", sita ko sakanya.

"Ang pormal mo ngayon, Adel ah. Mukhang may plano ka sa simbahan?", pang aakusa ni Kuya.

"Tigilan niyo nga ako ni Mama, Kuya. Magsisimba lang po ako. Narealize ko lang po na kailangan kong magpasalamat sa mga blessings na natatanggap natin ngayon. At humingi ng guidance sa mga magiging desisyon ko sa buhay.", sagot ko sa kanila.

"What--!?", gulantang na reaksyon ni Kuya.

"Bahala kayo jan. Ma, papahatid nalang po ako sa driver! Bye po!", paalam ko sa kanila habang si kuya ay di parin makapaniwala sa sinabi kong litanya. "Kuya magsimba ka rin kasi!"

"Manong, itetext ko nalang po kayo ulit kapag magpapasundo na ako. Thank you po.", paalam ko sa aming driver pagkahatid niya sa akin sa gate ng simbahan dito sa aming subdivision.

"Sige po Ma'am Viktoria. Ingat po kayo."

Pinagbuksan naman ako ni Kuya Reek ng pintuan, na siyang bodyguard ko. "Kuya, ok na po ako dito. Papasundo nalang po ako sa inyo ni Manong mamaya."

"Sure po ba kayo Ma'am?", alinlangang tanong ng aking bodyguard habang nagpapaiwan ako.

"Yes po, safe naman po dito sa simbahan. Pasok na po ako."

Pagkapasok na pagkapasok ko ng simbahan ay agad hinanap ng mata ko ang pamilya Velasquez.

Mukhang napaaga ako sapagkat iilan ilan pa lamang ang tao sa loob ng simbahan.

Umupo ako sa pwesto kung saan madaling makita ang mga taong uupo pa lamang. Sakto pag upo ko ay pagdating naman nila Theo.

Doble doble ang kaba ko nang napili nilang upuan ay sa hilera kung saan ako nakaupo. Lord, ang bilis naman po ng blessing niyo! Amen!

Napatingin sakin si Theo at napakunot ang noo. Umiwas siya ng tingin at hindi man lamang ako tinanguan. Hindi ba niya ako babatiin?

"Hi, Theo. Good morning! Nagsisimba rin pala kayo ng ganitong oras.", bati ko sakanya. "Good morning po Tito, Tita, Jianna.", pagbati ko sa pamilya niya habang may kauting pagyuko.

"Oo. Sinong kasama mo?", tanong sakin ni Theo.

"Oh, hija! Nasan ang mama mo at bakit ikaw lang?", napalinga linga pa ang mama ni Theo habang hinahanap ang mga kasama ko.

"Nako, Tita. Ako lang po.", medyo nahihiya kong sambit sapagkat hindi ko man aminin ay hindi naman palasimba ang aking pamilya.

Naupo na sila at kung sineswerte nga naman ay sa mismong tabi ko pa umupo ang crush ko! Hoy ikaw Jean Theodore pinapaasa mo ako!

"Ikaw lang? Paano ka uuwi?", tanong niya habang nakatingin sa altar.

Napatingin ako sa kanya at naiimagine kong ganito ang magiging ichura niya habang kinakasal kami. Nakikinig siya sa sinasabi ng pari sa harap ng altar at mapapatingin ako sakanya na may luhang umaambang bumagsak galing saking mga mata.

"Ako lang. Magpapasundo ako kay Manong pagkatapos ng misa.", mahinhin sagot ko sakanya habang nakangiti.

Tumango na lamang siya at hindi na muling nagsalita.

Nagsimula ang misa at hindi ko alam kung sinong sasambahin ko. Kung ang Diyos ba o itong mala-Diyos na lalaki sa tabi ko. I'm sorry po Lord, mapatawad niyo po ako sa kalandian ko dito sa loob ng pamamahay niyo.

Kumanta ng Ama Namin at abot abot langit ang saya at kaba ko sa kadahilanang magkakaron ako ng pagkakataon na makaholding hands ang future boyfriend ko.

Tang ina, Adel! Nagsisimba ka kung ano anong kalandian naiisip mo!

Nagdadalawang isip kong itinaas ang aking dalawang kamay at halos magkanda iyak ako sa kilig dahil si Theo na mismo ang kumuha ng kamay ko bago pa magsimula ang kanta.

Paniguradong singpula nako ng kamatis dahil sa kilig. Kataka taka nga na hindi pa ako naiihi dahil sa pagpipigil kong tumili.

Ang kanyang malambot at makinig na kamay ay humahaplos sa maliit kong palad. First holding hands namin to. Nanamnamin ko na.

Natapos ang misa at kailangan ko nang magpaalam sa aking future boyfriend.

"Uuwi na kayo?", paunang tanong ko bago pa man kami makalabas ng simbahan.

Tumango siya, "Ikaw?", tanong niya.

"Hmm, baka umuwi na rin siguro..", sagot ko habang naglalaro ang mga daliri sa likod.

"Siguro?", pagtatanong niya.

"Uuwi na rin.", sagot ko.

"Very good.", sagot niya habang nakangisi. Tumango na siya at dumalo na sa kanyang pamilya. Nagpaalam na rin sakin ang kanyang mama, papa at si Jianna. Ngiti na lamang ang aking sinukla dahil sa pagkalutang sa nangyari.

Hindi ko alam para saan ang ngisi na iyon pero sobra na tong kilig na nararamdaman ko!

Kailangan ko nang umuwi at kung hindi baka maihi na ako.

SempiternalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon