III
"Adel, sama ka mamaya sa Bob's?" nandito kami ngayon ni Arisse sa cafeteria ng university at hindi pa uwian ay inaaya na ako gumimik ng bruha. I'm tempted. Saglit akong napaisip kung matuturn ba si Theo kung sakaling sumama ako.
Kung sabagay, matagal na rin naman akong ganito, bakit ngayon lang ako naging conscious sa kung anong iisipin niya saken. Ganito ba talaga kapag nagmamature? Shocks, Adelaide mature your face!
"Pagiisipan ko muna, Arisse." sagot ko habang umiinom ng lemonade.
"What? Anong pagiisipan? Dati naman, lagi kang g agad. May boyfriend ka na?!" usisa niya dahil kilalang kilala na ako ng babaeng to. Na madalas akong tumatanggi sa mga lakad dahil ayaw akong pinapasama ng mga naging boyfriend ko.
"Wala pa akong balak na makipag relasyon ulit." tanging sinagot ko nalang dahil ayoko namang isipin niyang nababaliw ako sa magiging opinyon sakin ni Theo.
Sumingkit naman ang mata ni Arisse na tila ba tinatantya kung nagsisinungaling ba ako o kung ano.
Nginisihan ko na lamang siya at nagpaalam nang papasok sa susunod na klase.
Bago makarating ng aming room ay madadaanan pa muna ang gymnasium, saktong nag ppractice ang mga varsity. Nakarinig ako ng naguusap at di ko mapigilang huminto para makinig dahil sa pangalan na nabanggit.
"Jean! Ano ba nangyayari sayo?!" sigaw ng babae na sa tingin ko nanggaling sa locker room ng players.
"Tama na, Elizabeth." di ako pwede magkamali si Theo ito. What the fuck? Break up scene ba to?
"Anong tama na, Jean!? Anong sinasabi mong tama na! Okay naman tayo. Bigla nalang naging ganito. Tell me! May iba ba?!" naghihisteryang sigaw naman ng babaeng tinawag na Elizabeth ni Theo.
"Fuck, Liz. Just stop." ani Theo na tantya kong nagpipigil ng inis dahil sa pagsigaw ng babae.
"We've already talked about this, Liz. Alam mo naman diba?" Theo said softly.
"You're telling me, siya pa rin? For almost 2 years, Jean, I did my best to please you and make you love me like I love you. Pero wala pa din pala? Ang ending, yung babae pa ring hindi ka naman nakikita, ang nakikita mo. At hindi ako." dinig ko sa boses ng babae ang pagkabasag at biglaang tunog ng mahinang hikbi.
I guess that was my cue to leave. Who the hell is she talking about?
Bago ako umalis ay narinig ko pang sumagot si Theo sakanya na halos makapag palambot ng tuhod ko sa sobrang pagkamangha.
"Siya noon, siya pa rin hanggang ngayon."
Theo was, no is still, so madly in love with some girl who I know nothing about. Bakit naman ngayon ko pa nalaman ito, gayong mas sumisiklab na ang pagkagusto ko sa kanya. Susubukan ko magtanong sa kay Kuya Vaughn kung may alam siya dito.
Hindi kaya si Gwynn? Yung babaeng nabanggit ni kuya na kasamang umalis ni Theo nung isang beses na huminto ako sa court.
Fuck masisira ang ulo ko kakaisip kung sinong babae ang kinahuhumalingan ng lalaking kinahuhumalingan ko.
Buong araw akong nag sspace out dahil iniisip ko pa din kung sino ang babaeng iyon.
Uwian at nagising ako sa malalim na pagiisip nang tumunog ang aking cellphone.
"Bruha, ano sasama ka ba?!" malakas na sigaw ni Arisse. Maririnig ang kumakalabog na tugtog sa background. Mukhang nasa Bob's na to.
"Sige, papahatid nalang ako kay manong." agaran kong sagot. Mukhang kailangan ko to. I need to wash away this feelings bago pa man ako magaya sa babaeng si Elizabeth.
BINABASA MO ANG
Sempiternal
Fiction généralesem·pi·ter·nal /ˌsempəˈtərnl/ adjective eternal and unchanging; everlasting.