Chapter 4

12 0 0
                                    


IV

"Theo, ok naman na ako. Hahanapin ko nalang si Arisse. Thank you nga pala sa saklolo kanina. Pagpasensyahan mo na si Anton. Ganun lang talaga yun sakin since highschool." Marahang paliwanag ko habang nagkukutkot ng mga daliri dahil sa pinagsamang kaba at hiya.

"Anton, huh." ismid niya.

"Huh?" taka kong tanong.

"Nasan na ang kaibigan mo?" tanong niya habang tinitingnan akong maigi. Siguro hinuhuli ako kung totoo bang sinasabi ko na si Arisse talaga ang nagbitbit sa akin dito.

Lecheng babae, nasaan na nga ba kasi yon. Natangay na naman yata ng lalaki.

Susubukan ko sanang tawagan pero napigil ako ng isang text na kanina ko pa pala natanggap kung hindi lang ako abala kay Theodore.

Arisse:

GTG sis! I'm with Phil. Nanjan naman Theo! ;-)

What the fuck? Mura ko sa sarili kong isip dahil paano naman niyang nalaman na narito si Theo. Nakita niya ba yung kanina?

Gusto ko nalang mag facepalm dahi l panigurado iisipin netong lalaking kasama ko na hindi totoo ang sinasabi kong si Arisse ang kasama ko. Di bale ipapasa ko na lang sa kanya ang text ni Arisse. Pero sa huli napagtanto ko din na maling ideya yon dahil sa huling bahagi ng text ng kaibigan ko! At pucha! May pakindat pa talaga ang bruha!

"U-uh, Theo. Iniwanan na ako ng kaibigan ko. Ah-ah I mean.. ni Arisse. Uh ano, sumama kay Phil. Papasundo nalang ako kay Manong. Sorry sa abala kanina. Baka hinahanap ka na ng ka-date mo." alangan kong paliwanag habang sumusulyap sa masungit niyang titig.

Umigting ang kayang panga at lalong nagdilim ang tingin.

"Wala akong ka-date, Adel. Halika na, ihahatid na kita."

Halos matameme ako dahil talagang hindi niya hinayaang isipin kong may ka-date siya at talagang sinagot niya pang wala! At isama mo pa ang ideyang ihahatid niya raw ako! Di bale nang umupo sa malambot at komportableng sasakyan namin, kung si itong gwapong lalaki naman na to ang makakatabi at makakasabay kong umuwi sa pagsakay sa tricycle!

Mukhang blessing in disguise na rin ang pagdukot ni Phil sa kaibigan ko kaya't kapag nagkita kami hindi ko malilimutang humingi ng pasalamat sa kanya! O kahit sa text nalang mamaya bago matulog. At magte-thankyou ako uli pag nagkita. Tama

"Talaga?! Uh-uh ano I mean, ok lang ba? Baka abala lang ako." namumula kong sabi dahil muntik ko nang ibuking ang sarili kong tuwang tuwa ako sa ideyang ihahatid niya ako. Adel, sinasabi ko sayo, tigil tigilan mo pagiging aggressive! Maging mahinhin ka!

Hindi niya ako sinagot. Nagdiretso siya sa paglakad palabas ng bar at tahimik ko naman siyang sinundan. Napapansin ko ang iilang titig at pagsunod ng ibang mata dahil sa nakikita nilang eksena.

Known notorious playgirl with the respectable and honorable man in the town of San Simon, going out of the club, together.

Sinong hindi magugulat hindi ba. Hindi takas sa kaalaman ko na madaming nagkakagusto sa kay Theo, dahil sa pagiging ideal man niya. Pero hindi rin takas sa kaalaman ko na ang tingin ng ibang tao sa akin ay mapaglaro.

I just want to enjoy while I'm young. I know when to be serious and who's worth to be serious with. At noon, hindi ko pa nakita iyon sa mga naging past boyfriends ko.

Tahimik na binabaybay namin ni Theo ang kalsada habang naglalakad. Paminsan minsan ay sinusulyapan ko ang natural na masungit niyang mukha. Saktong may pagka istrikto ang kanyang mukha dahil siguro hatid na rin ng pagiging parte niya ng Student Council. Kapag nahuhuli niya akong tumititig sa kanya ay mabilis pa sa kidlat kong iniiwas ang aking tingin papunta sa ibang bagay tulad ng mga gamit na diaper sa tabi ng mga basurahan.

"Anong ginagawa mo sa ganoong lugar, Mr. Vice President?" subok kong pagbasag sa namumuong katahimikan.

"I'm with my friends. Sila Archer. Brithday ng kaibigan." paliwanag niya. Ah, si Archer. Kasamahan niya sa varsity. Siguro ay birthday ng isa sa mga players.

"Teka, bakit wala si kuya?" taka kong tanong dahil sa pagkakaalam ko, player din si kuya!

"Mabuti nga at wala dahil baka umusok lang ang ilong noon kanina." batid niya siguro ay yung kay Anton. Hindi naman lingid sa kaalaman ni kuya na maraming pumoporma sa akin. Tulad ni Anton. Dahil mula highschool pa lang ay sinusubukan na ni Anton ang karupukan ko. Pero, pasensya na at hindi niya ako matitibag.

Gusto kong matawa pero ayaw ko namang isipin niyang natuwa ako sa nangyari kaninang hindi maganda. Kahit naman sanay na ako kay Anton ay hindi ko parin madedeny na naaalibadbaran ako sa mga ganoong paraan ng porma.

"Baka hinahanap ka na ni Elizabeth." kahit mahina ay alam kong dinig niya yon. Tangina, hindi ko na naman napigilan ang bibig ko. Sana lang ay lagi nalang kaming sobrang dikit para naman natatameme nalang ako at hindi ko na naipapahamak ang sarili ko! Huli na ang lahat para bawiin ko pa ang sinabi ko kaya't pinanindigan ko na.

"Ah a-a-no.. pasensya ka na kung narinig ko. Hindi ko sinasadya. Napadaan lang naman ako noon." pikit mata kong paliwanag dahil hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya dahil hiyang hiya ako sa pagiging chismosa ko.

Ramdam ko ang tensyon dahil sa biglaan pagtigil niya sa paglakad.

"Narinig mo?" marahan niyang tanong. Hindi ko alam kung paano niya pang nagagawa maging kalmado habang may nalaman ako sa pagkatao niyang hindi ko naman dapat malaman.

"Ah-ah ano hindi naman lahat, Theo. Umalis naman din ako kaagad. Sorry talaga." paliwanag ko sakanya habang nakaharap sa kanyang nakatagilid na mukha.

"Pasensya ka na, hindi ko naman sinasadya talaga. Na malaman na may matagal ka na palang gusto." tang ina----! Hindi ko na naman napigilan... Jusko! Lord, ipalunok mo na ako sa lupa. Please

Hinarap niya ako na may madilim na mata ngunit malungkot.

May dumaan na tricycle at pinara niya iyon.

"Kuya, Evergreen Subdivision. Dalawa." sabay abot niya ng bayad sa driver.

Hindi na ako nagaksaya pang maglabas ng pera dahil ayoko nang dagdagan pa ang atraso ko sa kanya ngayong araw.

"Galit ka ba?" tanong ko sakanya habang nakatitig sa repleksyon niya sa salamin sa loob ng sinasakyan.

Nginitian niya ako at umiling siya ng marahan. Humarap siya sa akin kaya't napaharap na rin ako sa kanya.

Eto na nga, matatameme na ako. Thank you. Sana ganito nalang lagi tayo kalapit para wala na akong nasasabing pwede kong pagsisihan.

"Hindi ako hinahanap ni Elizabeth dahil wala na kami. Narinig mo naman noon, hindi ba? Kaya uuwi na tayong pareho diretso sa bahay."

Napatango na lamang ako ng marahan habang nakatitig sa kanyang magagandang mata. Tila nahipnotismo na naman ako na maging isang mahinhin at dalagang pilipinang babae.

Hindi nakaligtas sa akin ang multo sa kanyang ngiti habang nakatingin siya sa labas ng kalsada.

Napakunot naman ang noo ko habang iniisip para saan ang ngiting yon.

"Dito nalang po, Manong." pinara ni Theo ang tricycle dahil nandito na kami sa tapat ng bahay namin.

"Salamat sa paghatid! Sa uulitin!" ha, adel. Sa uulitin?

Tinanguan niya naman ako at bahagyang tumaas ang sulok ng kanyang labi para sa nagbabadyang ngiti.

Pinamulahan ako ng pisngi dahil sa napagtantong pumapayag siyang sa uulitin!

Nagtatakbo na lamang ako papasok at nagkulong sa kwarto. Gumulong gulong at paulit ulit na nireplay sa utak ang ngiting binigay ni Vice President!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SempiternalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon