Chapter 1

18 1 0
                                    

I

Ang mabahong usok ng tricycle ay humahampas sa mukha ko habang nag aabang ng masasakyan papuntang bayan. Plano ko nang tumambay sa isa sa mga coffee shop kasama ang aking kaibigan na si Arisse para makipagkwentuhan. Walang klase ngayon dahil araw ng Sabado. Ang plano kong pag eenjoy ngayong Weekends ay susulitin ko na dahil paniguradong pagbalik namin sa Lunes para sa eskwela ay tadtadaran na naman ng gawain.

Arisse:

Nasan kana bruha!

Alas tres ang usapan namin ni Arisse pero dahil sa katangahan ng mga tricycle dito ay mag aalas kwatro na pero wala parin akong nasasakyan! Pambihira talaga dito sa barangay namin. Madaming nagrereklamo na lumalago na daw masyado ang bilang ng mga pampasadang sasakyan pero kung titingnan mo ang kalye kung saan nakatirik ang bahay namin ay mapapatanong ka kung saang lupalop ng syudad napunta ang bilang na sinasabi ng karamihan.

"Miss sakay?", ani ng driver ng tricycle na huminto sa aking harapan.

Kung hindi ka ba naman minamalas jusko. Ang nasa loob lang naman ng tricycle ay ang long time crush kong si Theo. Holy shit! Bigla akong na-conscious sa pagmumukha ko.

Hindi naman ako sobrang panget pero hindi rin naman ako sobrang ganda. Saktong pang laban lang sa mga pageant sa University namin. Long dark brown flowy hair, pale white skin, tamang tangos ng ilong, braced teeth, bilugang mata, bushy brows at mahabang pilik mata. With a 5"5 height, I'm still drowned in Theo's height when he got out of the ride and made me sit inside instead of sitting beside the entrance.

"Pasok kana. Mauuna akong bumaba sayo" ani Theo habang tinuturo ang loob ng tricycle.

Walang sabi sabi ay pumasok na ako sa loob dahil sa pinaghalong kaba at taranta. Nakakahiya talaga! Hindi man lang ako nakapag ayos para presentable ako sa mukha niya! Fuck this shit

"Saan ka pupunta?", he asked me while looking at our reflection on the mirror hanged inside the tricycle.

Tuloy ay napatingin ako mismo sa kanya at biglang nagsisi dahil sa sobrang lapit ng pagmumukha namin sa isa't isa. Fuck you, Adel! Siguro ay sobrang pula ko na sa ngayon dahil sa kaba at hiya. Pano kung mabaho pala ang hininga ko? Pano kung may muta ako? Holy shit! Nakakahiya talaga!

"Dyan lang sa may coffee shop sa bayan, magkikita kami ni Arisse." paliwanag ko sa malambing na boses.

Tang ina, Adel! Anong boses yang gamit mo! Ikaw ba yan!

Tumango siya at hindi na sumagot pa. Ganun din ako, wala na rin akong sinabi at nagpanggap nalang na mahinhin dahil sa hiya.

"Dito na ko Mang Oscar!", tawag ni Theo sa trike driver. Dito pala siya pupunta sa court ng Subdivision! Sana pala di nalang ako nakipagkita kay Arisse at nanunod nalang ako sakanya na maglaro! Kainis

Pero baka pwedeng imbatahan ko nalang si Arisse na siyang pumunta dito.

Adel tumigil ka ang landi mo! Matuturn off sayo si Theo.

"Mauna na ako Adelaide. Ingat ka" he said softly.

Para akong gulaman sa sobrang lambot ng tuhod ko dahil sa pagpapaalam ni Theo. Hay, kung si Theo ang makakasabay ko sa pagpasok parati, ay siguradong hindi na ako tatamarin kahit alas sais pa ng umaga ang unang klase!

"Ingat Theo! Thank you!" kaway ko sakanya bago umalis ang sinasakyan, sabay pakita ng napakagandang ngiti.

Ngunit napawi rin nang napagtantong may tinga ako dala ng kinain kong Chocolate Cake kanina.

Napahampas nalang ako sa noo at napamura. "Tang ina, Viktoria Adelaide Santos! Nakakahiya ka talaga!"

Ako:

Holy shit Arisse! Kasabay ko Theo sa trike! Napakabango ang sarap yakapin

Arrise:

Punyeta kang bruha ka napakatagal mo naglandi ka lang pala

Ako:

Sorry! Malapit na ko!

Natapos ang oras namin ni Arisse sa pagkekwentuhan tungkol sa kay Theo at sakanyang boyfriend. Sa susunod naming pagkikita sisiguraduhin kong boyfriend ko na si Theo!

Sumakay ako uli ng trike pauwi at nang malapit na sa court ng subdivision namin ay sinabihan ko ang driver na sandali muna at may sisilipin lang.

"Saglit lang manong ha" ani ko sa driver na siyang tumango naman na senyales na maghihintay siya.

"Kuya!" sigaw ko kay Kuya Vaughn na siyang nagddribble naman ng bola habang nakikipag usap sa nakatalikod na lalaking hindi ko kilala.

"Anong ginagawa mo dito Adel?" baling ni kuya saken habang nag ddribble padin.

"Wala lang kuya, napadaan lang. Nandito ba si Theo?" walang hiya kong pagtatanong.

"Wala, umalis na. Kasama si Gwynn." walang alinlangan niyang sinabi na para bang wala siyang pakialam kung mairita man ako na may kasamang ibang babae si Theo! Kung sabagay hindi niya nga pala alam na crush ko ang bestfriend niya! Grr! Ano namang ginawa ng dalawang yun at bakit kailangan nilang umalis dito!

"Saan sila pumunta?" baling ni kuya saken habang naiirita na. Nagkamot ng ulo at binitawan ang bola bago sumagot.

"Aba ewan ko Adel! Umuwi kana nga. Susumbong kita kay Mama, pumupunta ka dito. E puro lalaki dito. Sige na, uwi na." tulak niya saken palabas ng court.

"Sungit mo! Bye!" sigaw ko sakanya habang sumasakay ng trike.

"Manong tara na po!"

Pagkarating ko ng bahay ay, diretso ako sa banyo para magshower.

Linggo bukas! Magsisimba ako dahil alam kong magsisimba rin si Theo bukas. Kasama niya ang buong pamilya niya tuwing Linggo kapag nagsisimba. Magandang pagkakataon para magpakilala sa aking in-laws.

Natawa ako sa sarili kong naiisip. Baliw kana Adel!

SempiternalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon