MAGNOLIA'S POVScroll dito, Scroll doon, Scroll ng Scroll hanggang ngayon wala paring Jowa. Relate much 'teh? Kailan ka kaya magkajowa?
#NOBOYFRIENDSINCEFETUSBahagya akong napangiwi sa status ni Maggie–bestfriend ko. Lokong babaeng 'to, sinabi niya dapat muna sa akin yung status niya bago niya ito pinost. Di kasi ako nakapaghanda ng shield. Natamaan ako nyeta lalong lalo na yung taenang hashtag. Kailan kaya ako magkakajowa?
"Magnolia! May gwapong lalaking nag-aantay sayo dito! Mukhang Artista! Manliligaw mo raw!" excited na tawag ni mamshie sa akin.
"Po? Sino po?" naguguluhang tanong ko kay mamshie. Sinong lalaki ang sinasabi ni mamshie? Manliligaw ko?
"Ate bilisan mo! May mga kuyang pogi ang naghahanap sayo!" sigaw ni Dakota at pumunta pa sa kwarto ko. Napakunot-noo ako sa sinabi ni Dakota. Anong mga? Taena. Madami ba?
"Dakota? Anong mga kuyang pogi ang sinasabi mo? Hindi ka ba nagbibiro?" tanong ko sa bunsong kapatid ko.
"Hindi po at hindi lang po nag-iisa yung bisita mo, madami po. Mga manliligaw mo daw sila?" malumanay niyang sagot at ngumiti ng malapad. Anong sinasabi ni Dakota? Madami daw akong manliligaw? My ghad Cassie, mahaba na ang hair ko. Maingiit kayo!
Dahil kating-kati na talaga yung hips ko na magkajowa. Hindi na ako nagpatumpit-tumpit pa. Isinuot ko na yung wedding gown ni mamshie para kasalan agad. Naloloka na ako. Inayos ko na ang mala Kathryn Bernardo kong mukha at nag liptint para pak na pak! Bungganess! Bungganesseyo!
"Bilisan mo Magnolia! Baka mainip 'tung mga bisita mo." pagtawag ulit ni mamshie.
"Opo! Ma, saglit lang po" naeexcite kong wika. Sino kaya yung mga gwapong mga lalaking bumisita sa akin? Naloloka na yung kulot kong bangs. Mga hot ba sila? Yummy? Oh my Ghad baka si Fafa Oppa!
Napabuntong-hininga ako. Takte. Bakit kinakabahan ako? Bakit ang bilis ng tibok ang puso ko? Malamang Magnolia buhay ka pa kaya tumitibok ang puso mo ng mabilis. Shunga ka gurl?
Pero teka ito ba yung feeling na may manligaw sayo? Ang haba ng haba ng haba ng curly hair ko. Anong shampoo kaya ang gamit ko kanina? Ay teka hindi pala ako naligo kanina.
Hindi ko alam kung sino yung dapat piliin ko sa mga manliligaw ko. Kinakabahan talaga ako. Sana lang magfunction ang prefrontal cortex at yung inferior frontal gyrus sa kautak-utakan ko para malaman ko naman kong sino ang mas deserving. Mahirap pala maging maganda 'noh?
Helloo Facebook! May manliligaw na po ako! Hindi lang isa, hindi rin dalawa, madami po. Sasagutin ko ba lahat? Maiingit kayo! Finally hindi na ako #NoBoyfriendSinceFetus!
Status ko nga 'toh mamaya.Hindi ko namalayan na nakatitig lang ako sa salamin. Kanina lang pala lumabas sa kwarto si Dakota. Hindi man lang ako inantay. Ilang minuto na kaya ako nakatitig sa mala-anghel kong mukha? Tiyak naiinip na yung mga nakakalerky kong manliligaw.
Kinindatan ko muna ang sarili kong repleksyon sa salamin bago ko ito nilisan. This is it, magkakajowa ka na Magnolia! Push mo na yan 'teh! Boom! Boom! Boomerang!
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Dumadagundong ang puso ko sa kaba. Anong feeling kaya magkaroon ng jowa? Masarap ba ang first kiss? Kasingsarap ba ng Milo? Sakto na ba yung pagkalandi ko? Hindi ba nasobrahan?
BINABASA MO ANG
My Online Boyfie
HumorNaranasan mo na ba ma-inlove sa Online World? Crush ka ba niya? Edi Wow, Sana oil.