Tinignan nya ang damit na nakatupi sa tabi nya bago ito kinuha. Napabuntong hininga na lamang sya'ng pumasok sa bathroom at itinali ang buhok. She saw an unused towel sa sink at doon nilapag ang damit na binigay sa kanya ng amo.
There's also an unused undergarment na nakatago sa damit at may na note na nakaipit.
'Hi, Yna. I know you wanna take a bath, maybe to relax your mind about what happened yesterday night so here's a new dress and my unused bra and underwear. Don't worry about your clothes, you can give them to Manang Sally, I'll tell her na hintayin ka sa labas ng kwarto ni Kuya so that she can wash your clothes for you.' - Xandria :*
Napangiti sya sa ginawa ng kapatid ng kanyang amo. Napakabait nito at talagang pinahiram pa sya ng damit. Napakabait ng magkapatid para gawin ito sa kanya.
Inilibot nya ang tingin sa bathroom at naamoy nya naman ang panlalaking amoy na nagkalat. Umiling sya at saka naligo na lamang.
Pagkatapos nyang maligo ay nadatnan niya ang isang matanda na nagliligpit sa kwarto ng amo niya.
"Tapos ka na ba maligo, hija?" tanong nito sa kanya.
Kagat-labi naman syang tumango sa matanda.
"Ako nga pala si Sally. Nasaan ang mga damit mo?" tanong nito sa kanya kaya bumalik sya sa loob ng banyo at kinuha ang mga hinubad na damit saka inabot sa matanda.
"Salamat po pala sa pagkain." aniya.
"Naku, hindi naman ako ang nagluto kaya wag ka sa akin magpasalamat. Yung magkapatid ang nagluto nun." nakangiting sabi sa kanya ng matanda. "Ano ka nga pala ng alaga ko? Ngayon lang kasi may dinalang babae iyon dito."
"Empleyado niya lang ho ako. Nagtatrabaho ho ako sa Rial. Iniligtas ho niya ako kagabi sa lalaking nagtangkang kuhanin ako." sagot niya.
"Jusko, iba na talaga ang panahon ngayon, ano? Dati ay nakakalabas ka pa ng bahay ng gabi at hindi ka naman mapapahamak." umiiling na sabi nito. "O sya, lumabas ka na pagkatapos mong mag ayos. Kanina ka pa hinihintay ng magkapatid sa labas." sabi nito at naunang lumabas.
Naupo sya sa kama at muling nilaro ang alagang pusa ng kanyang amo. Nasa kalagitnaan sya nang pakikipaglaro nang bumukas ang pintuan at pumasok ang kanyang amo.
"I was wondering what took you so long kaya pinuntahan na kita. Come on, doon tayo sa living room. Nagluto si Manang ng meryenda." nakangiting sabi ng kanyang amo. Napatingin naman sya sa pusa na sinisiksik ang sarili sa kanya. "You can take her." makahulugang sabi ng kanyang amo.
"Pwede ho?" tanong nya.
Amusement was all over Xander's face. She looks like a child na pinayagang maglaro sa putikan.
Binuhat nya ang pusa at sumunod sa amo palabas. Namangha naman sya nang makita ang kabuuan ng bahay ng mga Imperial. Napakaganda at halatang mamahalin ang mga gamit.
"There she is!" bulalas ni Xandria nang makita syang pababa ng hagdan. "The dress looks so good on you!" sabi pa nito at sinalubong sya sa ibaba.
"Salamat po pala sa pagpapahiram ng damit." nahihiyang sabi niya.
Kinuha sa kanya ng amo ang pusa at saka inilapag ito. Then she noticed an old woman approaching them. Nakaka intimidate ang presensya nito habang papalapit sa kaniya.
"Is she the one you're talking about, sweetheart?" tanong ng ginang kay Xandria.
Tumango naman si Xandria sa babae. "Yes, Ma."
"Hi, Hija. Natutuwa akong makilala ka." nakangiting sabi ng ginang. "I'm Sarah Imperial, by the way. Alexander and Alexandria's mother."
Naiilang syang ngumiti sa ginang bago tinignan ang amo niyang nakangiti lang sa kanya.
Napatanong sya sa sarili. Bakit kailangan nyang makilala ang ina ng kanyang amo? If it's for formality because he is her boss then that's fine but at this meeting, she feels a bit different.
"Well, who do we have here?" baritonong boses ang lumukob sa kanyang tenga at isang matandang bersyon ng kanyang amo ang pumasok sa kabahayan.
"Dad!" bulalas ni Xandria. "She's Yna. She's working at Rial as a chef." pakilala sa kanya ni Xandria at nahihiya naman syang tumungo.
"Wow. Aren't you the youngest chef that they're talking about?" tanong ng ama ng kanyang boss.
Umiling sya. "Uhm, hindi po. The youngest chef of Rial is a 21-year-old guy. 24 na po ako." nahihiyang sagot nya.
"Oh, ilang taon ka na sa Rial?"
"Mag tatlong taon na po." sagot nya.
Tumango tango ang matanda bago ito yumuko at kinuha ang pusa'ng kanina pa paikot ikot sa paa nito. "Anyway, son, I need to tell you something." sabi ng ama ng amo at saka lumabas ito sa hardin. Sumunod naman ang amo niya.
"Let's go eat?" masayang tanong naman sa kanya ni Xandria at hinila sya papunta sa dining area ng kabahayan.
PAGKATAPOS niyang kumain ay nagpahatid sya sa kwarto'ng tinulugan niya kanina, gustuhin niya mang umalis na, ayaw naman syang paalisin ng amo. Sabi pa nito ay darating ulit ang doctor para i-check ulit sya kaya wag daw muna siyang umalis.
"Mga ilang araw pa po ba bago gumaling ang sugat ko, doc?" tanong niya sa doctor habang nililinis nito ang sugat sa ulo niya.
"One week or so, hija." sagot ng doctor sa kanya.
Natahimik na lang sya. So, isang linggo pa syang mananatili sa bahay na ito? Paano ang trabaho niya? Yung apartment nya. Si Colt! Yung pusa nya pa na dalawang araw na nyang hindi nakikita.
"Yna." tawag sa kanya ng amo na nakatayo sa hamba ng pinto.
Nilingon nya ito at nanlaki ang mata nya sa karga-karga nito.
"Colt!" sigaw nya nang makita ang alagang pusa. "Bakit ho nandito si Colt?"
"Well, I thought you miss him kaya pinakuha ko sa tauhan ko." kibit-balikat na sagot ng amo.
Tumakbo palapit sa kanya ang alagang pusa nang bitawan ito ng kanyang amo. Mukhang hinahanap sya ng alaga noong wala sya.
Bigla namang lumapit ang alagang pusa ng kanyang amo at inamoy ang alaga nyang pusa. Nagulat sya ng singhalan ni Mimi ang alaga nya.
Mabilis itong kinuha ng amo at inilayo sa kanya. "Pasensya na. Hindi sanay si Mimi na may ibang hayop dito sa bahay."
"Ayos lang ho." nahihiyang aniya.
"Well, hija. Sariwang-sariwa pa ang sugat mo so, di mo pa pwedeng basain ang ulo mo kapag maliligo ka." bilin sa kanya ng doctor. "I'll visit you again after two days."
Umalis na ang doctor at naiwan sila ng amo nya sa kwarto na iyon.
"Sir, pupwede na po ba akong umuwi?" tanong niya sa amo at humalukipkip itong tumingin sa kanya.
"You heard the doctor, Yna." marahan itong napabuga sa hangin. "And it's Xander, not Sir."
"E kasi naman po. Nakakahiya naman po sa inyo. Iniligtas niyo ho ako tapos kayo pa ho nagpagamot sa akin. Then, pinapatuloy niyo pa ho ako dito sa bahay niyo. Sobra-sobra na hong tulong ito, Sir Xander."
"You're my employee, Yna. It's natural for me to help you." sagot ng kanyang amo at nag iwas ng tingin.
"Pinapatira din ho ninyo ang iba niyong empleyado dito?" takang tanong nya.
Halatang nagulat si Xander sa itinanong nya at agad ding kumunot ang noo.
"Forget it, Yna. Hindi ka aalis dito hangga't di ka pa magaling." may pinalidad sa boses nito.
Napakamot na lang sya sa ulo dahil sa katigasan ng ulo ng kanyang amo. Ang gusto lang naman niya ay ang makauwi. Bakit ayaw pa sya nitong paalisin?
---
I apologized for not updating for so long. I may not be doing that for a long time kasi tinatapos ko pang i-edit yung mga old stories ko. I don't know when but I hope soon matapos ko na. Busy lang ako at hindi makapagfocus sa stories ko.
But putting that aside, thank you for reading this story :D
-iammisskenny
BINABASA MO ANG
Kiss Of Revenge: Yna Suarez
General FictionIsang simpleng chef lang si Yna sa isang restaurant. Nag iisa sa buhay. At walang ibang kamag anak. Nagbago lang ang buhay nya ng makilala si Xander Imperial. Ang lalaking una at huli nyang mamahalin. Nagpakasal sila kahit madaming nagsasabi na pera...