At last! Hindi pa tapos yung school works ko pero nabawasan naman po. Gonna post two chapters. Thank you! :*
"May niluluto ka ba, Yna?" tanong ng manager nila nang pumasok ito sa kitchen. Nadatnan siya nitong nagliligpit sa kitchen counter.
"Wala na po, Ma'am." sagot niya at humarap sa manager nila.
Nilapitan naman sya ng manager nila. "Yna, ikaw muna mag assist sa dalawang customer sa labas. Nasa reservation area sila, table 5. Wala pa kasi si Joey. Then after that, pwede ka ng mag out." sabi ng manager nila sa kanya na malugod naman nyang tinanggap.
"Okay po, Ma'am. Pero maya-maya pa po ako mag-a-out." aniya.
"Okay, sige. Bahala ka." mabait na sabi ng Manager.
Inayos nya muna ang sarili bago kumuha ng notepad at lumapit sa magkasintahan na syang tumawag sa kanya. Nang makalapit, hindi nya maiwasang hindi mapatitig sa lalaking nakaupo sa harapan nya. Bumalik ang ulirat nya nang tumikhim ang babaeng kasama nito.
Wala sa sariling napailing sya at ngumiti sa babae. "Good evening, Ma'am, Sir? What would you like to order?" tanong nya at iniabot ang menu dito.
Ngumiti naman ang babae saka tumingin sa menu. "We would like to have this, this and this."
Isinulat nya sa notepad ang order ng mga ito at tumingin sa lalaking kanina pa sya pinagmamasdan. "Anything to add, Sir?" tanong nya dito.
"No. Nothing." tila nagising na sagot ng lalaki sa kanya.
Nagpaalam naman sya agad sa mga ito at nagmadaling pumasok sa kitchen at idinikit sa isang clipboard ang order. "New order!"
Pumunta naman sya sa Employee's Lounge at hinubad ang apron at hair net na suot. Balak nya pa sanang mag overtime pero nagbago na ang isip niya dahil sa nangyari sa labas. Hindi niya makalimutan ang nakakahiyang pangyayari na iyon.
Magbibihis na dapat sya nang pumasok ang manager nila.
"Oh, Yna. Akala ko ba mag oovertime ka pa?" tanong nito.
"Hindi na po, Ma'am." aniya at binuksan ang locker.
"O sige. Mag ingat ka sa pag uwi mo. Gabing-gabi pa naman na." sabi nito.
Nginitian nya lang ito at saka hinintay na makalabas bago sya nagpalit ng damit saka lumabas mula sa back door ng restaurant at doon na lang naghintay ng tricycle papunta sa apartment niya. Paminsan-minsan ay pumupunta pa sya sa terminal pero tinatamad syang maglakad ngayon kaya dito na lang sya maghihintay.
Nakatyempo sya ng tricycle na walang sakay kaya naman pinara niya ito kaagad.
Malapit lang ang restaurant sa apartment nya na ilang taon nya na ding tinitirahan simula nang umalis sya sa bahay-ampunan kung saan sya lumaki at nagkaisip.
Wala syang magulang. Ang kwento sa kanya ng mga madre na nagpalaki sa kanya, inabandona sya sa labas ng orphanage noong ilang buwan pa lang sya. Hinintay nilang balikan sya nang nag iwan pero walang dumating hanggang sa mag disi otso sya at umalis sa ampunan.
"Kuya, dito na po." aniya sa tricycle driver.
Binayaran nya ito at saka nagdire-direcho papasok sa apartment at umakyat sa ikalawang palapag. Hindi sya dumirecho sa kwarto niya at kumatok sa katabing apartment.
"Alaine..." tawag nya sa kaibigan na nakatira sa katabing apartment.
Hindi nagtagal ay lumabas si Alaine na may dalang puting pusa. "Maaga ka ata ngayon?" natatawang tanong ng kaibigan niya.
"Tapos na yung shift ko kaya umuwi na lang ako." sagot niya at kinuha ang alagang pusa. "Hi, Colt."
"Gumala na naman iyang pusa mo. Mabuti na lang at marunong bumalik." sabi ni Alaine sa kanya.
BINABASA MO ANG
Kiss Of Revenge: Yna Suarez
General FictionIsang simpleng chef lang si Yna sa isang restaurant. Nag iisa sa buhay. At walang ibang kamag anak. Nagbago lang ang buhay nya ng makilala si Xander Imperial. Ang lalaking una at huli nyang mamahalin. Nagpakasal sila kahit madaming nagsasabi na pera...