Chapter 6

167 5 1
                                    

Chapter 6

Alexandra's POV

"uyy Alexa! punta tayong cafeteria kain tayo bilis my treatt!"

'hyper ata s'ya?'

"sge, saglit lang"

Nang matapos ko nang maayos ang gamit ko ay lumabas kami nang library upang magtungo sa cafeteria

Nag aaral kasi kami dahil tomorrow we have exams

"oo nga pala nasagutan mo na ba 'yong paper na dahilan kung bakit hindi ka umuwi nung sabado?"

"yap, kaso hindi ko pa nasusubmit" sabi ko rito

"Halika daanan muna naten yung akin nasa locker ko eh" sabi n'ya

Kailangan namin gumawa nang essay kung bakit hindi kami umuwi nung sabado

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang magtaka nang halos lahat ng babae ay sa'kin nakatingin

'problema nang mga 'to? '

Hindi ko nalang sila pinansin hanggang sa makarating kami sa locker room

Agad kong binuksan ang aking locker upang mailagay na ang ibang gamit ko

Kaso nagulat nalang ako nang may nahulog na isang papel at may

'rosas?'

"hoy ano 'yan?" chismis ni Christina habang nakasilip sa loob ng aking locker

"hala! ikaw haaaa? 'di mo sa'kin sinasabi na may secret admirer ka na pala" sabi pa n'ya tsaka sinundot sundot ang aking tagiliran

"ano ba 'yan!" natatawang sabi ko rito

"teka lang kanino ba 'yan galing?" huminto naman s'ya sa pangangaliti

"hindi ko alam" napatingin naman s'ya sa'kin

"baka naman may papel d'yan o 'di kaya may love letter" sabi n'ya habang hinahalungkat ang locker ko

' wala namang nakalagay kung sino eh'

Napayuko na lamang ako sa kakulitan ni Christina

Kaso may nakita akong isang piraso nang papel na naaapakan ko

'teka? ito yung nahulog kanina galing sa locker ko ah?'

Pinulot ko agad 'yon at tinignan ang nilalaman ng papel

"i love you, always"

'yan ang nakalagay sa papel ngunit sino ang nagpadala nito sa'kin?'

Isang sulat kamay na mga salita?

"hoy dalii ano raw sabi?" kinikilig na sabi n'ya

"i love you, always daw" sabi ko rito

"hala enebe kinikilig akooo!" sigaw pa n'ya kaya napapatingin sa kan'ya ang ilang mga tao na nasa loob ng locker room

' ang ingay! '

"tumigil ka nga" sabi ko rito at binalik ang sulat sa loob ng aking locker kasama ang pulang rosas

'kanino kaya iyon galing?'

---

Nang masubmit na namin ang paper ay agad kaming nagtungo sa cafeteria

"sobrang nagugutom na ako!" nakangusong sabi n'ya

Wala nang klase ngayon dahil review time lang ng lahat para sa exams bukas

"nakakadugo nang utak 'yong mga reviewers" pagmamaktol n'ya habang lumalakad kami patungo sa isang bakanteng table

The Bad Girl Meets The GangstersWhere stories live. Discover now