Chapter 2: Corruption 100

37 3 10
                                    

Cherry's POV
Laman ng bawat tsismisan ng mga kaklase ko ang nangyari sa tatlo naming kaklaseng lalaki. "Hoy Cherry, nabalitaan mo ba yung nangyari sa tatlo? Grabe nagdala talaga sila?", tanong sa akin ni Harley, ang aming class treasurer at BFF ko. Umiling na lang ako sa kanya. Wala naman akong maisagot at tulad ng iba ay wala rin akong kaalam-alam sa mga nangyari kahapon. Tinanong namin si Glenda kung alam niya ang nangyari kahapon kasi siya at ang tatlo ang huling naiwan sa room noong nangyari yung issue. Ngunit hindi na namin kinibo si Glenda dahil mukhang malalim ang kanyang iniisip at tila ba may bumabagabag sa kanya. "Grabe, san tayo magtatanong? Ano ba talaga ang nangyari at pati si Manang Cara eh napaakyat daw dito?", tanong muli ni Harley. Dahil sobrang clueless kami at malapit na ring mag-umpisa ang first period ay naupo na lang kami at hinintay na dumating ang aming adviser na si Ma'am Jelaine Eslavio.

Hindi alam ng mga kaklase ni Glenda ang tunay na nangyari. Ang alam lang nila ay isang pangkaraniwang issue lang ng pagdadala ng baraha ang naganap. Sariwang-sariwa pa ang mga kaganapan sa isip ni Glenda. Halatang malalim ang iniisip nito. At halatang-halata rin na sina Cherry at ang kanyang mga kaklase ay mga dakilang chismosa ng taon. Manong antayin na lang yung adviser kung ano'ng balita! Speaking of, hoy mga gago kayo andyan na si Ma'am Jelaine umayos kayo, dali!

Glenda's POV
"Hoy mga bobo andyan na daw si ma'am!", sigaw ng aming coordinator. Nagmadali kaming ayusin ang mga upuang nakapabilog dala ng wagas na pagchichismisan. Oo, alam kong yung nangyari kahapon ang topic nila. Ako man din ay hindi ko maipaliwanag yung mga nangyari kahapon eh. Basta! Tutulong na lang akong mag-ayos ng upuan. "Malungkot ka ata Glenda ah. May iniisip ka ba? Tingin mo ba bumagsak ka sa exams last week? Hahaha!", sabi ng daldalera kong seatmate. Tanging ngiti lamang ang naisagot ko sa kanya. Hindi na rin siya kumibo pa dahil saktong dumating si ma'am Jelaine sa room kasama ang tatlo kong kaklaseng demonyo este lalaki pala. Hindi na kami nakabati ng good morning dahil halatang bad mood si ma'am. "I want to talk to your parents as soon as possible! Now take your seats!", sigaw ni ma'am Jelaine. Nakayukong sumunod ang tatlo. "Okay class, I have now your test papers in English. And again, Glenda B. Anghel got the highest score." Ayyyiieee! Hahaha! Highest again! "And I am proud to say that all of you got 90 and above in the test. Congratulations, class!", dagdag ni ma'am.

Mga gagong toh! Eh nakikopya lang naman kayo kay Glenda nung exam. Pasalamat kayo at mabait yung nagbantay na teacher.

Manang Cara's POV
Malapit nang mag-9:30. Recess na naman ng mga estudyante. Tulad ng nakagawian ko ay winawalis ko ang bawat sulok ng canteen na ito. At habang ginagawa ko ito ay pumupwesto na ang mga kasamahan ko. May nakatoka sa pagsusungit este pagtitinda, pagluluto, at siyempre sa paglilinis. Maya-maya pa'y nagsidatingan na ang mga estudyante. Kaagad silang pumila sa mga tinderang nakabusangot na mukhang mga supladang ewan. At sa hindi sinasadyang pagkakataon ay muli kong nakita ang babaeng tinulungan ko kahapon laban sa mga demonyo. Napako ang tingin ko sa kanya. Gumawa ako ng paraan para makalapit sa babaeng iyon at dalawa niyang kasama. Nang makaupo na sila ay pasimple akong nagwalis sa tapat nila. Ako namang tsismosa ay nakinig sa mga pinagkukwentuhan nila. Glenda pala ang pangalan niya. Mukha namang mabait at magalang. Ngunit nagduda ako doon sa isang babae. Niyayaya niya kasi sila Glenda na mag-milk tea dahil marami daw siyang nasingil sa classfund ngayon. Um-oo naman ang isa samantalang itong si Glenda ay halatang may pagtutol. "Hindi ba kailanga ng klase ng pera para sa variety show?", wika nito. Kinabahan ako at senyales ito na baka mademonyo nang tuluyan ang babaeng nagyayayang mag-milk tea. Ngunit ipinagsawalang-bahala ko na lang ito at baka biruan lang naman nila ito. Gusto kong makausap si Glenda upang maipaliwanag ko sa kanya ang nangyari kahapon. Sakto namang nagpaiwan siya upang mamulot ng mga kalat sa canteen. Nilapitan ko siya at binati niya naman ako. Napakagalang na bata. "Anak, kapag kailangan mo ng tulong, lapit ka lang sa akin ha.", ang sabi ko sa kanya. Natigilan siya at nginitian na lang ako tapos ay umalis na ng canteen.

Glenda's POV
Patapos na ang last period ng klase sa hapong ito. Hindi pa rin ako maka-get over sa sinabi sa akin ni Manang Cara. Bakit niya sinabi sa akin iyon? Samantala, natanaw ko si Harley na binibilang ang classfund namin. Matapos bilangin ay pasimple niyang ibinulsa ang wallet na naglalaman ng halos isanlibong pisong halaga ng classfund. Tumunog na ang bell at hudyat na ng uwian. "Cherry, tara na milk tea!", pagyayaya ni Harley sa BFF niya. Tumanggi si Cherry dahil kailangan niyang umuwi nang maaga. Inobserbahan ko silang dalawa. Tila ba nagtatalo sila. Ilang sandali ang lumipas at padabog na naglakad palayo si Harley kay Cherry. Napansin kong nangingilid ang luha sa mga mata ni Cherry. Ikinagulat ko rin ang mga nakita ko kay Harley. Mapupula ang mga mata nito at may tila ba itim na usok na nakapalibot sa kanya. Bigla akong natigilan at nag-flashback sa isip ko ang mga nangyari kahapon. Hala! Ano toh? Hindi kaya nagiging demonyo na si Harley? Sa pagnanais kong matulungan si Harley ay kinausap ko ang humahagulgol na si Cherry. "Hindi ko akalaing sa milk tea matatapos ang friendship namin.", sabi niya na may kahalong paghikbi. "Kailangan ng tulong ng kaibigan mo.", sabi ko sa kanya. Inaya ko siyang sundan si Harley sa may Eternitea, ang pinakamalapit na milk tea house sa school. Naglakad kami nang naglakad hanggang sa narealize ko na hindi ko naman pala alam ang gagawin ko kapag nakaharap na namin si Harley sa Eternitea. Tinanong ko si Cherry kung may dala siyang cellphone. Tumango naman siya. Binilinan ko siyang sundan lang si Harley at babalik ako sa eskwelahan. Pupuntahan ko ang taong tutulong sa amin.

Manang Cara's POV
Nagliligpit na ako sa canteen nang biglang lumapit sa akin ang isang pamilyar na babae - si Glenda. Humahangos ito at pagkalapit sa akin ay humingi ito ng tulong. Nang tanungin ko kung ano'ng problema ay sinabi niyang sinasapian ng demonyo ang kaklase niya. Biglang nag-flashback sa isip ko ang naging pag-uusap nilang magkakaibigan kaninang umaga. Sabi ko na nga ba't may mali eh. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa boomkarakaraka at iniwan ko ang aking ginagawa upang tulungan si Glenda.

Cherry's POV
Halos maubusan na ako ng hininga kakatakbo. At sa wakas ay narating ko na ang kanto kung saan matatagpuan ang Eternitea. Natanaw ko si Harley. Mukhang ilang hakbang na lang siya sa Eternitea. Hindi ko alam kung susundan ko ba siya o hindi. Nagpasya akong tawagan si Glenda.

Habang tinatawagan niya si Glenda ay biglang may sumagot na kakaibang boses. "Hindi sapat ang iyong load balance para magpatuloy sa tawag na ito." Wala pala siyang pantawag kaya tinext niya na lang si Glenda. Bobo din eh, ano?

Glenda's POV
Tumatakbo kami ni Manang Cara nang makatanggap ako ng text mula kay Cherry. Ayon dito, hindi daw niya alam ang kanyang gagawin. Asaan na daw ba kami? Nireply-an ko siya at sinabing hintayin kami ni Manang Cara. Muli siyang nagtext at sabi dito ay bakit ko pa raw dinamay si Manang Cara. Nireplyan ko siya at sinabing hintayin kami diyan at huwag nang magtanong. Kaso hindi na-send. Tae wala na pala akong load.

Cherry's POV
Napagpasiyahan kong lumapit pa sa pwesto ng Eternitea. At habang papalapit ako ay may nasipa akong wallet. Pinulot ko ito, binuksan, at ibinulsa. Mukhang maraming lamang pera ang wallet na ito. Sakto namang nakarating na sila Glenda at Manang Cara. Kaagad nila akong tinanong kung nasaan na si Harley. Pero hindi ko muna sinagot iyon at ibinida ko ang napulot kong wallet na sa tingin ko ay halos one thousand ang laman. Inagaw ito sa akin ni Glenda at pinagmasdan. "Wallet ito ni Harley! Ito yung classfund!", bulalas nito. Bigla itong kinuha ni Manang Cara. Naupo ito sa bangketa at saka nagsimulang mag-orasyon. Ang creepy! Humahangin nang malakas. Biglang bumukas ang pinto ng Eternitea at lumabas ang isang galit na galit na babae. Si Harley iyon. "Ibigay niyo sa akin ang classfund!", sigaw nito. Bigla itong tumakbo papunta sa kinaroroonan namin.

Glenda's POV
Habang pinapanood ko si Manang Cara ay natanaw ko ang isang babaeng demonyong papalapit sa amin. Sakto namang natapos nang orasyunan ni Manang ang wallet. At bigla na lang bumagsak si Harley sa kinalalagyan niya.

Glenda Anghel: Kapatid, Mali 'YanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon