Chapter 3: 'Wag na Mag-review!

22 3 1
                                    

Charlie's POV
"Welcome to Mobile Legends! Five seconds till the enemy reaches the battlefield..." Teka malakas ata yung volume. "Hinaan mo nga 'yan Charlie! Huwag ka nang dumagdag sa galit ko ha!", sigaw tuloy ng aking nanay. Bad mood na naman si mama. Bakit kaya? Nagpasya akong lumabas ng kwarto ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at dumungaw na lang ako sa kinaroroonan nila. Nakaupo sila mama at ang ate ko sa may sala. Hahahaha. May kasalanan itong si ate! "Anak, hindi kita tinuruang magnakaw! Kaya ka nga piniling treasurer ng mga kaklase mo kasi may tiwala sila sa iyo. Tapos ganyan naman ang gagawin mo! Ayusin mo ito Harley ah!", wika ng galit kong nanay atsaka nagtungo sa kusina upang ituloy ang ginagawa niyang lesson plan. Napansin kong nangingilid ang luha sa mga mata ni ate Harley habang mabilis na naglalakad papunta sa kwarto niya. Nalungkot ako sa mga nakita ko. Gusto kong pagaanin ang loob niya kaya sinundan ko siya sa kwarto niya. Naabutan ko siyang nakaupo sa kama niya at humihikbi. Tinabihan ko siya at inakap. "Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip ko at nagawa ko iyon! At bukod pa roon, nawalan ako ng isang kaibigan!" Ang bigat sa pakiramdam kapag nakikita mong tumatangis ang kapatid mo. "Ate, 'wag ka nang umiyak. Heto ate tissue suminga ka.", alok ko sa kanya. Kinuha niya ito atsaka suminga. Inabot niya sa akin ang tisyung puro sipon. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak kaya ipinunas ko uli yung tisyu sa mukha niya. "Huwag ka nang umiyak ate, kita mo, yung sipon mo nasa mata mo na! Tandaan mo ate, lahat tayo nagkakamali. At lahat tayo... basta ganun na 'yun. Andito lang ako para sa'yo ate.", winika ko sa kanya. "Salamat bunso ah. Sige, hindi na ako iiyak. Teka, wala ka bang ibang ginagawa?", tanong sa akin ni ate. "Wala naman ate, naglalaro lang ako ng Mobile... Legends?" Oh shit! Naglalaro nga pala ako ng ML! Rank pa naman yun! "Ate, actually may ginagawa pala ako. Sige alis na ako ate ah."

Naging maayos din ang lahat noong gabing iyon, ngunit para kay Charlie, IYAQ! Malapit-lapit na rin ang monthly exams at malapit-lapit na ring mag-end season ang ML. Ano'ng magandang itanong? Maihabol niya kaya ang rank niya o makapasa siya sa exam? Basta ganun na 'yun!

Glenda's POV
"Exam na nga bukas! Ba't pa siya magpapaquiz!", sigaw ng isa sa mga kaklase ko. "Huwag ka na magreklamo. Magmemorize ka na, dali!", sabi naman ng isa pa. "Tama, magmemorize ka na, heto oh yung answer key! Ikaw na lang ang hindi nakakaalam! Dalian mo!", sabi sa kanya ng kaklase naming gago. Kuhanin ba naman sa table ni Sir Bon-Bon yung answer key! Malupet! "Ikaw, Glenda. Eto na yung answer key oh! Ba't ka pa nagrereview!", sigaw sa akin ng kaklase kong nakaupo sa likuran ko. Nginitian ko na lang siya sabay iling. "Bahala ka.", wika niya. Anghel yata toh! No need 'yang answer key. Kaya ko namang pagsumikapang magreview.
Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na si Sir Bon-Bon. Hindi tulad dati na kapag nabalitaan naming may quiz sa Science ay kinakabahan at natataranta kami, ngayon ay mga nakangiti at nagtatawanang mga tao ang makikita mo. Nakangiti rin that time si Sir kaya tingin ko yakang-yaka ito ng Maharlika. "Ok 10-Maharlika, I prepared a 30-item quiz for you to answer in 30 minutes. By the way, pasensya sa delay mga balong ha. Nawawala kase yung answer key nung unang quiz na ginawa ko eh. Hindi ko rin kabisado yung mga sagot kaya I have to make a new one." Nagulantang ang buong Maharlika sa mga narinig nila. At ang lahat ay nakatingin sa kaklase naming nanguha ng answer key. May isang sumigaw ng "Uy bagsak!" Hahahahha. Nag-ala Bad Genius pa kayo kung ganun lang din yung mangyayari. Buti na lang talaga at nagreview ako at hindi ako nagpademonyo sa mga 'yan. "Ok settle down everybody and let's start. Question number 1..."

Charlie's POV
Last period na ng klase sa hapon at saktong walang pumasok na teacher. Magrereview na sana ako noong mga panahon na iyon dahil exams na bukas ngunit napukaw ang atensyon ko sa nagaganap na away sa labas. "Hindi porket nasa 9-Plastic ka eh magyayabang ka na! First section ka lang tandaan mo iyan! Suntukan na lang kasi oh!", sigaw ng isang lalaking tiga - 9-Rubber, regular section. "Hindi kami pumapatol sa hindi namin ka-level!", singit ng kaklase kong Fil-Am na si Joshua Borneack. "Gusto mo daanin na lang natin sa basketball? 5v5? Plastic vs. Rubber?", paghahamon ni Joshua. "OMG! WAAAAAAHHHHH! Guys! Punta po lahat sa gym ngayon na! Suportahan natin sila Joshua!", sigaw ng coordinator namin. At nagtungo na nga sa gym ang magkabilang panig. Aakalain mo talagang parang Intersection ang nagaganap ngayon.

Basketball Commentator:
Dalawang panig po ang magbabanggaan ngayon sa court na ito. Ang isa'y mula sa first section at ang isa nama'y mula sa regular section. Mga kaibigan tip-off na po tayo and unang possession mapupunta sa Team Plastic. Hiyawan ang mga fans na mga plastic este mula sa Plastic. Bola na kay Joshua Borneack. Sumalaksak at nag-lay up pero board lang ang tinamaan. Heto na po ang Team Rubber. Santiago with the ball. Pinasa sa kakampi at nag-tres... pasok! Pasok na pasok sa kamay ni Borneack ang bola. Itinakbo agad ng Plastic ang bola. Nasa mga kamay ni Borneack ang bola, libreng-libre mula sa tres... ringless shot! Literal na ringless po mga kaibigan dahil hindi man lang tumama sa ring! At ayan na po natapos na ang first quarter, ang score po natin ay tabla 0-0. Gusto niyo pa ba ng second quarter?

What a game! Grabe! At akalain mong umabot ng Fourth quarter at wala pa ring nakakaiskor. Shocks! I'm so excited! Saya 'di ba?

And we're back mga kaibigan. Tumimeout po ang magkabilang panig. Three seconds na lamang ang nalalabi sa ating laban at intense po ang labanan dahil dikit na dikit pa rin po (0-0). Bola po ng Team Plastic. Bola nasa mga kamay muli ni Joshua Borneack. Biglang binato ang bola mula sa three point line! At sa wakas! Tumama ang bola sa ring ngunit umikot-ikot pa ito sa bibig ng ring. Papasok kaya? Owwwwww! Niluwa ng ring ang bola and we are heading into overtime.

Harley's POV
Potek! Walang kwenta yung laro. Sayang lang yung time ko at ng nagbabasa nito ngayon 'pag ganyan. Hayys! Uuwi na lang ako. Sakto ayun yung kapatid ko. Aayain ko na nga umuwi.

Nang mga panahon na iyon ay abala sa pagrereview ang mga Grade 10 at Grade 9 dahil morning ang schedule nila ng exam bukas. Ngunit tanging ang 9-Plastic lang ang hindi nagreview dahil si Charlie ang inaasahan nila. Ngunit kilala bilang isang mabait na bata si Charlie at alam kong hindi 'yan magpapakopya.
Hoy Charlie! Magreview ka!

Charlie's POV
'Wag ka nga maingay! Nanonood ako ng anime. 'Di bale isang season lang naman eh. Tsaka matagal pa naman ang exam.

Gago! Bukas na yung exam. At nakalagay sa script na dapat magreview ka kase baka bumagsak kayong lahat!

Gago ka din! Eto yung script oh! Nakalagay dito yung exam namin sa part two na nito.

May part two? MAY PART TWO?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Glenda Anghel: Kapatid, Mali 'YanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon