"Woohoo!!! Ang sarap ng tubig! It's sooo refreshing!" Sigaw ng kaibigan kong berat.
"Yeahhh, mamaya sa beach naman tayo ah!" Sigaw naman ng isa ko pang kaibigan na berat.
"Ano ka Camille? Hilo? Excuse me po at baka masira na ang mga balat natin sa kalalangoy!" Bulyaw pa ng isang pang berat...
"Ano ba? Kanina pa kayo nag-aaway diyan. Mag pasalamat nga kayo na andito tayo ngayun eh" paliwanag ko naman sa kanila.
Andito kami ng mga kaibigan ko sa Coron, Palawan. Bakasyon sa school eh. May 1 week na kami dito at may balak pa kami pumunta sa Bohol at Cebu. Oo, mayaman kami. Sa sobrang busy nga ng pamilya namin, di na namin nakakasama magbakasyon, kaya kami-kami nalang. Ang mga pamilya namin ay mga may-ari ng big time business. At nag-iisa kaming mga tagapagmana ng mga business na yon.
"Hoooy, Gab ano na ba? Di pa ba tayo magbo-boat ride?" Tanong ni Anne na sabay umupo sa tabi ko.
"Bangka agad? Di ba pwedeng kumain muna?" Sabi ko kay Anne.
Nagpout si Anne tas tumango nalang.
Si Anne ung pinaka ka-close ko saming lima. Si Camille naman, masasabi mong medyo maarte siya pero ubod ng bait yan. At yung kambal naman... Si Kit at si Kat (chocolate na KitKat lang ampeg?) sila ung comedian samin. Identical twins sila, magkamukang magkamuka sila. Ung pag-kakaiba lang nila ung ugali nila, si Kit, simpleng kikay at si Kat mataray.
"Gab, gutom na ako." Reklamo ni Cami.
"Oo nga, kami rin Gab" Sabay na wika ng kambal.
Nagkatinginan nalang kami ni Anne ang nagkangitian pa.
"Halika na nga kayo, baka pumayat pa kayo." Sabi ko tas sabay na ako nagligpit ng gamit.
"Yaaay!" Masayang sigaw ni Kit.
"Huuu, masaya ka lang dahil makakalamon ka na naman e." Ang naglolokong pang-aasar ni Anne.
"Yun lang oh, parang siya hinde." Ang pagtatanggol ni ko kay Kit.
"Lahat naman siguro tayo noh? Alam niyo naman mga dragon tayo kung kumain eh." Wika ni Cami
Totoo yan, mga timawa kami pag dating sa pagkain. Pero di naman kami tumataba kaya di kami natatakot. Di niyo kami masisi, masarap kasi kumain!
Umalis na kami sa pool area at pumunta na muna kami sa breakfast buffet. Naka bathing suit pa sila pero ako nakarobe na, conservative po ako! Halata naman nung dumating kami, lahat ng mga tao run na tulala, karamihan lalaki. Nakalimutan ko nang sabihin na mga sexy kami at magaganda pa, hindi naman sa nagmamayabang, nanalo kami ni Anne sa pageant at pumasok pa sa 'Best Bodies' category.
"Uy Gab, may nakatingin sakin na pogi oh!" Bulong sakin ni Anne at sabay pang tinuro ung lalaki.
Nung nakita ko ung lalaki, medyo na-shock ako. In fairness ah, gwapo siya. Takte! May ABS!!! Kumpleto ung sakanya! Six-pack abs at muscular biceps! And a very handsome face! San ka pa? Pero ang tanong---mabait kaya siya?
"Siyete, Anne ang gwapo niya!!" I almost squealed.
"Oo nga Gab. Gusto ko siyang lapitan! Kaso nga lang, baka may kasama siyang gf." Nagpout si Anne.
"Oo nga... Baka taken na siya." I said quietly and sad at the same time.
Naalala ko tuloy ung pangako ko sa sarili ko, WALANG HAPPY ENDING.
"Hay nako, Anne if you want, you can stare at that guy all day long, ako kasi kakain na." Sabi ko kay Anne. Na-aawa nalang ako sa kaibigan ko. She's just desperate looking for love.
Pumunta ako sa buffet at kumuha na ng makakain. Pagkatapos nun tumabi ako kay Kat sa table namin. At juice colored! Paubos na ung pagkain nila, habang ako, tinititigan ko silang kumain. Sarap na sarap sila, napansin ako ni Cami n nakatulala lang. "Hoy Gab, kung ayaw mo ubusin ung pagkain mo, kami ang uubos nyan."
Dahil sa sinabi ni Cami, napakain na ako.
Pero pano kung alang kasama ung lalaki na yon? Pano kung... Mapaniwala ako sa happy ending? Ano ba yang mga pinagsasabi ko na yan!? HINDI AKO MANINIWALA SA HAPPY ENDING! Final na yan. Wait lang, final na nga ba yan?
-------------------------------------
A/N: yehey! Ito ang una kong update! Sana nagustuhan niyo :)
I-tr-try kong magupdate mamaya.. Try lang ah! Haha
Maniniwala na kaya si Gab?
BINABASA MO ANG
An Unknown Love (slowly editing)
Teen FictionAko si Gabrielle Santos, ang iisang tagapagmana ng mga Santos. Ako yung tipong hindi naniniwala sa happy endings, pero naniniwala sa "love". Minsan, naiisip ko kung paano mainlove... Pero kahit minsan, hindi ko naiisip yang happy ending na yan... Pe...