Kasama ko si Anne naglalakad dito sa buhangin habang nilulusong ang mga paa namin. Bigla nalang lumuhod si Anne at nagtingin ng mga shells. Umupo naman ako sa harap niya ng pa-indian sit.
"Ang ganda talaga ng mga shells. They are so pretty." Sabay pumulot si Anne ng isa.
"Oo nga e. I always adore these little creations with big meaning. They keep the world as beautiful as ever." Nginitian ko si Anne.
"Haha... Oh Gab, you and your quotes." sabay nag-chuckle si Annie.
Sabay na kaming tumayo at pumunta sa kubo namin. Nang makarating kami don nakita namin si Kit na may kausap na lalake na mukang foreigner.
"Hoy Kit, ano ba yan ha?" Salubong ni Anne
"Ay! Hey girls, this is Louie he's half Filipino and half German and he's single!" sigaw ni Kit. Haay, malalande!
"Oh, hi. We are so sorry to ruin your moment but we need a little privacy. Oh and Kit, next time when you bring a man here, make sure your V-card is protected." Sarkastikong pagkasabi ni Anne sabay pekeng ngumiti. Habang ako nakatahimik lang na parang walang naririnig. Pano naman kasi, si Anne handa ipahiya ang kanyang sarili. Si Mr foreigner naman, hindi rin makakilos.
Lumabas na si Louie at tiningnan ni Kit si Anne ng masama.
"Oh baket? Kit, alam mo naman sana na delikado yan. Hindi porket nag-iisa siya pwede mo na siyang imbitahin dito sa kubo natin. Pinoprotektahan lang kita, inaalala ko lang kung ano pwedeng gawin sayo ung lalaking yon. Saka-" patuloy na sermon ni Anne.
"Ay, nga pala, nasan sila Camille?" tanong ko kay Kit, hindi ko na pinatapos si Anne kasi baka abutin pa kami ng isang taon.
"Ay, nandun siya kasama niya si Kat. Naka-kalahating oras na sila ron. Ewan ko lang kung bakit. Sabi kasi nila di-display muna sila sa mga dumadaan." paliwanag ni Kit sabay inayos ang sarili.
"Ah.. okie" Kinidatan ko si Kit. Hindi masyadong maaraw dito kaya kahit ilang oras kami dito, di kami iitim. Maraming nagbabakasyon ngayon. Gusto ko na pumunta sa Monte Carlo. Naka-book na kami sa isang hotel dun. Medyo nasasawa na ako rito. Pero pupunta pa kami sa Bohol, nagyaya ung kambal e, alang magagawa pag ung kambal nagyaya. Libre naman nila e.
"Gab sakay na tayo sa bangkaan." Aya ni Anne.
"Ge, ge, ge. Punta na tayo." Sabay ako tumayo. Sa isip-isip ko, aba bata lang si Anne?
Tinawagan namin sila Kat at magkita na kami sa dock kung nasaan naka-parada ang mga bangka.
Pagkatapos ng ilang sandali, nagkita-kita na kami sa dock.
"Kuya, 30 minutes ah." kinausap ko si manong nagbabangka. Gusto namin matagal, masarap naman kasi.
Yung bangkang sasakyan namin ay pang mga 9 or 10 seater. Kaya expect namin na may ibang makikisakay samin.
Nakasakay na kami dun habang may isang babaeng nagbayad at umupo sa likod ng kambal.
"Umm mister, can we wait for a bit? my boyfriend is gonna come too." Ang malanding tono nito. Si manong naman, tinanguan lang.
Hanep sa suot si miss, bat pa siya nagsuot ng damit kung ganun lang sinuot niya!? Di kaya na-manyak yan? In fairness may itsura siya, sexy rin naman, kaso lang ang aura niya. Hindi siya parang ung typical na babae, pag tinitigan mo mas lalo pa sumasama ang itsura niya. Laging may regla ba?
Maya-maya, dumating na ang so-called boyfriend ni lande. At nagulat kami ni Anne sa nakita namin... Siya na naman, si mr. Pogi. Hindi ko agad na mukaan ang gf niya dahil wala akong focus kanina sa kanya.
Umandar na ang bangka at sa buong 10 minutes nakatulala lang ako sa asul na asul na dagat. Hanggang sa maramdaman ko na tinabihan ako ni Anne.
"Oh, problema?" tanong niya. Ano nga ba ang problema ko? Hindi ko nga maintindihan kung ano ang nararamdaman ko ngaun e.
"Malay ko... Baka nasasawa na ako sa Palawan." Pasimple kong sagot.
"Asus! Alam ko nararamdaman mo ngaun dahil nararamdaman ko rin yun."
"So nasasawa ka na rin sa Palawan?" Sarkastiko kong sagot. Sabi kasi ni Anne na nararamdaman din niya ang nararamdamn ko e. Edi nasasawa rin siya.
"Gaga, hindi," Bahagya niya ako binatukan. " Ang ibig sabihin ko, nararamdaman ko na parang nagseselos ka. At may kadamay ka." Nginitian ako ni Anne. Pero ang pagka ngiti niya, parang fake. Parang plastic. Haaay, buhay.
------------------------------------
A/N: hi...medyo late update. ay, hindi pala medyo. Sobrang late na pala. Patawad naaaaaaaa
Vote, Share, Comment :)
BINABASA MO ANG
An Unknown Love (slowly editing)
Teen FictionAko si Gabrielle Santos, ang iisang tagapagmana ng mga Santos. Ako yung tipong hindi naniniwala sa happy endings, pero naniniwala sa "love". Minsan, naiisip ko kung paano mainlove... Pero kahit minsan, hindi ko naiisip yang happy ending na yan... Pe...