"Bakit? May problema ka?" Tiningnan ko si Anne ng taas kilay. Magtarayan na kung magtatarayan.
Nginitian niya ako sabay huminga ng malalim. "SorrynaGabdinakitamatiise." Mabilis at mahina siya nagsalita. Kakainis naman tong si Anne.
"What?"
"I mean, sorry na rin Gab. Mataas kasi pride ko at nahihirapan ako na di tayo magpansinan."
"Alam ko naman na mataas ung pride mo, pero kung kailangan ko magtaas rin ng pride, magtataas ako. Kaya siguro akala mo na di kita matitiis noh?" Napansin kong napahawak sa damit si Anne.
"Pero Anne, kaibigan kita, pagdating sa inyo, hinding hindi matgtatagal ang galit ko sa inyo mas lalo na sayo dahil parang kapatid kita." Nginitian ko si Anne sabay yakap.
"Okay na ba tayo?" Nakangiting tanong ni Anne.
"Oo na nga!" Sabay kaming nagyakapan at tumungo sa bar para uminom.
"Hey gals!" Bati ni Cami. Halatang nakainom na siya at pi-pikit pikit na.
Umupo na kami sa bar at nag order na ng tigisang vodka ni Anne. Tinaas niya yung wine glass niya at nagsalita, "Cheers to us!" Nagsimula na kami uminom hanngang sa malasing na kami. Nakipagsayawan na rin kami nila Anne sa dance floor, dala na rin siguro ng kalasingan. "Gab, babalik na kami sa hotel" Kit.
"Oo nga.. Nag-pass out na kasi si Cami, at mukang susunod na rin si Anne" Kat.Tumango-tango lang ako at iniwanan na nila ako. Nice, iniwan ba naman ako rito?! Parang ma-cocollapse na ata ako ah. Dahil di ko alam kung anong gagawin ko, dumiretso na lang ako papunta sa lounge para umupo ng biglang-boogsh!
Takte, nabunggo pa ako.
"Ay miss, sorry." Sabi nung lalaking bumangga sakin. Di ko maaninag ung mukha niya dahil dim lights dito. Pero sigurado ako pogi to.
"Hala naman *hik* lalakad ka na lang, *hik* binunggo mo pa ako *hik*" Ano ba yan, lasing na talaga ako.
"Miss, lasing ka na yata. Gusto mo ihatid na kita?" Bigla niya ako hinawakan sa braso. May naramdaman akong kuryente.
"Hayop ka, bitiwan mo ako. RAPIST!!" Sigaw ko, di ko alam kung bakit ako ganito.
At yun, bigla na lang niya ako binuhat-bridal style- at sinakay sa sasakyan. Sa isip isip ko, sasakyan pa gagamitin pero walking distance naman ang bar na ito sa hotel. Psh.
Nang buksan niya ang sasakyan, naaninag ko na ang mukha niya, si James.
Wait, what?!"James..." Eto lang ang nasabi ko at kinuha ko ang collar ng damit niya, at hinalikan ko na lang siya. Pagkatapos nun, hinimatay na ako.
-----------/////
A/N: Ang pagbabalik! Haha.. sorry kasi matagal ako di nakapag update..
Dedicated to: Noreen P. kasi pinilit mo ako magupdate, at para sayo tong chapter na to. ❤️
BINABASA MO ANG
An Unknown Love (slowly editing)
Fiksi RemajaAko si Gabrielle Santos, ang iisang tagapagmana ng mga Santos. Ako yung tipong hindi naniniwala sa happy endings, pero naniniwala sa "love". Minsan, naiisip ko kung paano mainlove... Pero kahit minsan, hindi ko naiisip yang happy ending na yan... Pe...