Medyo sinipag ako... XD
~dedicated to Muning, dahil na-inspire ako sa kagagahan mo :3
----------------------------------------
Tapos na ang boat ride at umalis na ung babae.
"Gab, alone na si siya. Kausapin na natin." sabay hatak sakin ni Anne.
Nilapitan namin ung lalaki at "Hi sir, I'm Anne and this is my friend Gab. We kind of noticed you in the boat and we were pretty much curious so we decided to talk to you" simple pang nganitian ni Anne ung lalake. Ung bang ngiti na parang sine-seduce mo.
"Oh. Hi, I'm James. James Rivera." Tapos kinamayan niya kami. So siya pala si James Rive-- wait lang. James Rivera, as in!? RIVERA?!?! Di ako makapaniwala... Tanungin ko nga tong si James kung totoo nga.
"So James. Your last name is Rivera, right?" Diretsuhan kong tanong.
"Yeah" pasimple niyang sagot.
"So your parents are Louisa and Daniel Rivera? The co-owners of RiverSan Corporation?" Napansin ko rin na nakatahimik lang si Anne at parang confused siya sa nangyayari ngaun.
"Yeah" wow lang ah... Ang haba niyang sumagot. So siya nga! Magka-corporation kami! Syete, RiverSan means Rivera and Santos Corporation. Bakit hindi ko kilala ang itsura niya? Dapat kilala ko siya dahil madalas magkaroon ng party ang korporasyon namin. Sabi sakin dati ni dad nung isang party na ipapakilala niya ako sa anak ng ka-korporasyon namin pero di natuloy dahil wala ung lalaki na yon. At isipin mo, dito pa kami nagkakilala, sa isang resort sa Palawan. Haaay...
"Why did you ask?" tanong ni James. ang ganda ng boses niya. Napaka-deep. Smoky-deep.
"I was just curious. You know, because my parents co-own that company too. And FYI, I'm Gabrielle Santos." Nag-smirk lang ako.
"What? So that means you're the heiress of RiverSan. The princess of the Santos's. I can't believe it." biglang napahawak sa noo si James. Para bang nagulat pa siya.
"Yes, I am the heiress of the corporation. How 'bout you? Aren't you going take over your parent's places when they retire?" tanong ko.
"Oh I still don't know, I'm not so sure about it coz I'm not into business." Nagkibit-balikat siya at tumango lang ako.
"GAB!!! NASAN KAAAAAAA!" bigla kong narinig ang boses ni Kit. Nagulat ako at na-palundag ako sa kinatatayuan ko ng bahagya. Lumingon ako sa direksiyon kung nasan ang boses ni Kit. At iyon silang tatlo, tumatakbo na parang mga baliw. At talagang naguunahan sila.
"Ooh, hi Gab and Anne. Now who's the hottie?" Sabay kinindatan ni Camille si James. Halata naman na nagbibiro si Cami so I lightly punched her on the shoulder.
"Oh, ano ginagawa mo rito?" Tanong ni Anne. Parang biglang nabuhayan si Anne. Pero kanina nung naguusap kami ni James, halos yelo na siya dun.
"Ala. Lunch na e." Kaya naman pala bigla ako naalala nilang tatlo. Dahil gutom na sila. Ngayon na gusto ko pang makipag daldalan kay James, tas aalis na ako. Hmp! Nubayan... Pero nagugutom na rin ako kaya magpapaalam na ako.
"Oh sorry James, I have to go na." Paalam ko kay James. Tahimihik na sumunod si Anne.
Kumain na kami tas naglibot-libot kami sa labas ng resort. The entire time, hindi ako kini-kibo ni Anne kaya feeling ko nagtatampo tong babae na toh, kaya mas mabuti na bigyan ko siya ng space. Dun, natagpuan namin na may disco na hindi ganong kalayuan sa resort namin. Pagkatapos ng ilang arguments, napagpasyahan namin na mamayang gabi, magpa-party-party kami dun. Kaya kami nag-argue dahil wala kaming damit na isu-suot, pero consistent ako kaya sabi ko magshopping nalang kami ng party dress. Pumunta kami sa pinaka-nearest na mall at sinimulan na namin ang pagsho-shopping. Pumunta kami sa Forever 21, CLN, Uniqlo, at iba pa. Nagtagal naman kami sa Claire's dahil kay Kit. Paano naman kasi, kung anu-ano ang pinagbibili. May hikaw, bracelet, kwintas, at mga chuba ek-ek sa buhok, alang magagawa e kikay kasi si Kit.
"Okay na ba toh?" Ang pang sampung-libong tanong ni Camille. hanggang ngayon ba naman, nagsusukat ng heels na babagay sa damit niya. Tumango nalang kaming apat at umupo dahil nangangawit na kami, ang dami kaya naming bit bit! Di biro na magdala ka ng tatlong paper bag.
Pagkaraan ng ilang years nakatapos na rin kami sa pagsho-shopping. Nag merienda kami sa McDo tas bumalik na sa hotel para makapagpahinga.
Habang naglalakad kami papunta sa kwarto namin, bigla akong hinawakan ni Anne sa braso at hinila ako sa isang sulok at, "Gab, we need to talk."
---------------------------------------------------
A/N: hiii... sarreh sa late update. Naging busy sa exam e...
Vote, Share, Comment
BINABASA MO ANG
An Unknown Love (slowly editing)
Teen FictionAko si Gabrielle Santos, ang iisang tagapagmana ng mga Santos. Ako yung tipong hindi naniniwala sa happy endings, pero naniniwala sa "love". Minsan, naiisip ko kung paano mainlove... Pero kahit minsan, hindi ko naiisip yang happy ending na yan... Pe...