Chapter 01

647 12 12
                                    

01: Hello, Death!

"You need to go there, Freya. Everything's already settled there. You just need to show up. You know...you know...we're not safe here anymore. And that's the only place that no one can find you..."

"Pero kuya...why should I go there alone? Bakit hindi mo ako sasamahan doon kung hindi na pala safe ang lugar na ito sa atin? At saka, ano ba ang nangyayari? Nasaan na ba si Daddy? Why do we need to hide? Did our family commit a heinous crime that we need to escape?"

"Just follow my instructions, Frey. We're running out of time. I will follow you there soon. And as for dad, he will show up...when the time is right..."

"Kuya..."

"Leave, Freya, please!"

"Pero kuya..."

"Just listen to me, Freya! You need to survive and so do I!"

"Kuya..."

A loud screech woke Freya from her deep sleep. Naimulat niya bigla ang kanyang mga mata nang tumama ang kanyang noo sa sandalan ng upuan sa kanyang unahan.

She winced in pain and cursed the driver multiple times in her head. Gusto niyang batuhin ito ng coke in can na nasa bag niya ngunit pinigilan niya ang sarili. What a way to wake her up from a bad dream!

Well not bad to distract me from thinking, aniya sa isip at malungkot na napangiti.
Napailing siya at kinapa ang nasaktang noo. Mabuti na lang at hindi naman siya nabukulan. Kung nagkataon na nangyari talaga iyon ay lintik lang talaga ang walang ganti!

Sumilip siya sa bintana ng sinasakyang bus. Padapit hapon na kaya naman nag-aagaw sa kahel at lila ang kulay ng langit.

She sighed heavily.

She doesn't know what she'll do when she reaches her destination. Until now, her mind is numb from all the things happened to her few days ago. If only it's just a bad dream, then she'll be forever thankful to the driver who woke her up by stepping the gas hard without thinking about his passengers.

"Nandito na tayo, boy."

Napaangat ang tingin niya nang marinig ang boses ng kundoktor. 

Oh. Kinausap niya nga pala ito kanina pagsakay niya ng bus na sabihan siya kapag nakarating na siya sa destinasyon niya.

Tumango lang siya rito at hindi man lang nag-abalang magpasalamat. Tumayo na siya at isinukbit ang kanyang backpack at hinila ang maleta niya.

Pagbaba niya ng bus ay nakita niya ang isang malaki at engrandeng gate sa kanyang kaliwa.

Is this really the place? Kunot noong tanong niya sa sarili.

Lumapit siya roon at pilit sinilip ang nasa likod ng malaking gate na iyon. Pero mas lalo lang napakunot ang noo niya nang mapansing kalsada lang ang abot tanaw ng kanyang mga mata at wala man lang siyang makita na kahit anong building.

Parang gusto niya ng umatras. Hindi kaya naloko lang siya ng kundoktor at hindi pala ito ang dapat niyang bababaan?

Oh, shit!

There's a waze or a google map. Why didn't she even bother to look at it earlier to check if it's really the place she needs to go?

Nagmamadaling kinapa niya ang kanyang cellphone sa suot niyang itim na hoodie upang tingnan kung nasa tamang lugar nga ba siya nang mapansin sa gawing kanan niya ang isang guard house. Patakbo siyang lumapit doon.

"Is this the Luthier Academy?" Tanong niya sa pinatigas na boses sa lalaking nakita niya na sa hinuha niya ay guard base na rin sa suot nito.

Tiningnan siya nito ng maigi. Tila ba kinikilala siya nito.

Luthier AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon