Chapter 02

147 6 6
                                    

02: Demoness Lair

Isang malakas na paghinga ang ginawa ni Freya ng pakawalan siya ng lalaking nag-ngangalang Yoonji base sa pagkakarinig niya kanina. Hawak-hawak niya ang nasaktang leeg habang binabato ng nakamamatay na tingin ang lalaki.

"Devil," may diing wika niya kahit halos wala ng boses na lumabas sa bibig niya.

Para sa katulad niyang black belter ng martial arts ay hindi niya mapigilang mainis sa kanyang sarili. She could have defended herself better if her wits were intact that time. Hindi niya akalain na sa unang araw niya sa pagpasok sa Luthier Academy ay isang masayang pagsalubong ang matatanggap niya.

She's been to schools where bullying is always present. But it is her first time to be the prey of the bully. She's always been the alpha before. And because of that, she's always been transferred to different schools. Parang hobby na nga niya ang mag-hop sa iba't ibang eskwelahan.

No, not that she's a bitch. She's just simply...a trouble maker. Okay, hindi naman sa gusto niya iyon pero anong gagawin niya? She's a short-tempered person and she just do everything on impulse lalo na kapag mainit ang kanyang ulo.

She can tell that she's the black sheep of the family. And her father has always have a headache because of her. Mukha nga ring pinagsisihan nito na pinag-aral siya nito ng martial arts n'ong bata pa siya dahil ginagamit niya iyon sa hindi magandang paraan. Kung pwede nga lang siyang itakwil nito ay baka matagal na nitong ginawa.

Sounds rebellious? Sort of. And her reasons might sound petty to others but it's a big deal to her.

"What's with the commotion?"

Lahat ng atensyon ng mga estudyante ay natuon sa boses na nangibabaw sa lugar na iyon.

Inikot niya ang paningin at nakita niya ang isang lalaki na nakasalamin na papalapit sa kanila. He looks nerdy on his blue polo and black pants but it doesn't hide his pretty face.

Well, kung may isa siyang kakaibang natuklasan sa eskwelahan ay iyon ay halos lahat 'ata ng makasalamuha niya ngayon na estudyante ay may ipaglalaban ang mga itsura. They are good looking people. Well, maybe because they are rich so they have access to all beauty products that can help to improve their looks. Or maybe, they're just born that way.

May lumapit ditong isang babaeng estudyante at bumulong. Napaikot tuloy ang mata niya dahil sa ginawa n'on.

Does she really need to whisper when she can just say it directly as if what happened is a secret to the whole universe?

Lumapit sa kanya ang nakasalaming lalaki. "Are you France Weiss?"

Imbes na sumagot ay tumango lang siya. Nananakit pa rin ang kanyang leeg dahil sa pagkakasakal sa kanya at dahil doon ay tila nakulong ang boses niya sa kanyang lalamunan.

Bahagya siyang tumango at matapos ay ibinaling ang mga tingin kay Yoonji at ang nakakairitang lalaking tumawag sa kanya na "worthless human" kanina.

Kung hindi lang siya nanghihina dahil sa pagkakasakal sa kanya ay malamang nasugod na rin niya ang lalaki at nabangasan niya ang guwapo nitong mukha.

That man has bluish eyes and his hair has the same color with his eyes. Kung hindi lang ito binagayan ng kulay ng buhok nito ay baka tinawanan niya na ito. Para kasi itong kpop idol na nakikita niya sa social media.

But hell! Tila ba ang kulay na iyon ay patented na ng lalaking iyon at sa kanya lamang nababagay ang gan'ong kulay ng buhok. Feeling niya tuloy ay mahihiya tumabi rito ang kung sino man na gumamit ng gan'ong kulay sa buhok dahil magmumukha lamang itong cheap at trying hard.

Luthier AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon