03: The Welcome Party!
"Stay alive no matter what, Freya..."
Humahagulgol na napailing si Freya nang marinig niya ang sinabing iyon ng ama.
Just seeing the sadness in her father's eyes makes Freya's heart broke into pieces.
"Daddy..."
Humakbang siya papalapit dito ngunit sa bawat hakbang niya ay tila isang hakbang din ang inilalayo nito sa kanya.
"Freya---"
Natigagal siya. Kitang-kita niya ang pagbagsak ng kanyang ama habang duguan ang dibdib.
Someone shot him!
"Dad!" Sigaw niya at mabilis na tumakbo papalapit dito.
Napatigil siya sa paglapit sa kanyang ama nang tumambad sa kanyang harapan ang pigura ng isang lalaki. May hawak itong baril.
Nahintatakutan siya. The man instantly point the gun he's holding at her. Napalunok siya at napaatras. Umiling-iling siya. Kitang-kita niya ang paglapat ng hintuturo nitong daliri sa gatilyo ng baril.
"No!" Malakas niyang sigaw at mariing naipikit ang mga mata...
Napabalikwas ng bangon si Freya. Mabilis ang kanyang paghinga at ramdam niyang namamasa ang kanyang pisngi.
Luha. She was crying while asleep. Napailing siya ng maalala ang panaginip. Ramdam niya pa rin ang takot dahil sa napanaginipan. It's as if it really happened that her body is still trembling because of it. Naihilamos niya ang dalawang kamay sa mukha, She needs to talk to her father soonest. Pero papaano? He cut off his line and only his brother knows his whereabouts.
Better to call kuya later to ask how's dad, aniya sa sarili at napailing muli.
Dumako ang tingin ng mga mata niya sa orasang nakapatong sa side table. Alas sais na ng umaga. Kailangan niya ng bilisang mag-ayos dahil mag-uumpisa ang una niyang klase ng alas syete.
Dumiretso siya sa banyo upang maligo. She saw her reflection on the mirror. Wala ang wig niya. Her long black hair is freely following her movements. Sinuklay niya iyon gamit ang mga daliri. Bago siya pumunta sa Luthier ay pinag-isipan niyang mabuti kung gugupitin niya iyon o hindi. Pero naaalala niya ang kanyang ina. Her mother loved to pat her long hair when she was a little kaya naman napagdesisyunan niya na lang na magsuot ng wig upang itago ang mahabang buhok.
Mabilis siyang naligo at nagbihis. She decided to wear a black hoodie again and a maong pants. Pinaresan niya iyon ng itim na rubber shoes.
According to Directress Park last night, walang uniform ang mga estudyante ng Luthier. Doon niya rin napagtanto na wala talagang rules ang eskwelahan pagdating sa appearance ng mga estudyante. The school isn't the same with other schools that require students to wear uniforms, no hair coloring or whatever rules on how the student should present themselves. As per Directress Park, they are letting the students to choose what they want to wear as it is their way of giving students' freedom to express themselves.
Lumabas na siya sa kwarto para pumasok. Ang kanyang kwarto ay nasa dulo ng ikatatlong palapag. It was a room for two pero katulad nga ng nabanggit sa kanya ng directress kagabi ay siya lamang ang gagamit n'on. The directress decided to put her at the end of the hallway to give her enough space to breathe. Nag-iisang kwarto lang kasi iyon sa dulo at bibihira ang mga estudyang nagdo-dorm sa palapag na iyon na mapunta roon.
BINABASA MO ANG
Luthier Academy
Teen Fiction"He's death personified. Yet, he's my one and only safe haven." --- This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, l...