/6/ Umamin at ngumiti

1 0 0
                                    


Bumalik na ako sa bar at sumakay sa kotse

"Freyah nainip kaba?"

Nag meow siya as response

Next trip ay sa Dock

Portable ang kotse ko kaya napaka presko ng biyahe hindi masyado madami ang sasakyan papunta sa dock kaya di mausok ang kalsada

Pasampong beses na akong bumuntong hininga

Ang sakit sakit lang kasi ng lahat

Sakto 5:00 pm na

Masasaksihan korin kasama si freyah ang sunset

Ipinark ko na ang kotse ko

Kinuha ko ang kamera ko at tinanggal ang sapatos ko, nakabuntot naman sa akin si freyah

Umupo kami sa dock at nilawit ko ang paa ko sa may tubig

Ang ganda dito sa daungan ang linis

Yung tipong pag pagod kana sa lahat, pag punta mo dito parang Mawawala ang lahat
Ng panandalian

"Freyah ayoko pang umalis, pero ito ang itinadhana sa akin, tatanggapin ko na lang kahit masakit, may plano ang panginoon kaya maaga niya akong kukunin, baka inaantay na ako dun ni lolo at ni -"

Napa buntong hininga Uli ako

Ang ganda ng sunset

Ni litatratuhan ko sa maraming angulo ang sunset at si freyah syempre meron din ako

Ayoko muna matapos ang araw na to

Kung pede lang

Bumalik sa nakaraan

Kaso wala na nga pala akong babalikan

Kailangan kong harapin ang kasalukuyan

Kaya hangga't may oras pa akong nalalabi sa mundong ito

Hindi ko na sasayangin pa kahit alam kong hindi sapat, pipilitin kong wag na muli mag kulang pa

Ng sa pag pikit ng mata ko at sa huling hininga ko wala na akong pagsisisihan pa

Tumingin ako sa taas at ngumiti
Kayganda ng mundo

sayang lang dahil hindi ko makikita lahat

'P A R A'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon