/5/ Umamin at ngumiti

1 0 0
                                    

Pag katapos naming kumain ni Freyah

May tatagpuin ako, at biglaan ito

Nag park ako sa may resto bar, Paninisian Bar, this place is quite good they offer a lot of different foods and may pa entertainment pa yung may kumakanta pa sa unahan sa mini stage which is really kinda sweet

I always come here before, when i want to be alone, and everyday that i come here i start to fall in love in this place and to someone.

Pumasok na ako sa loob ng bar, the atmosphere didn't change same as always, pumunta na ako sa bar section at umorder ng cocktail

At hinanap ko si guy the singer in the restobar

Name it Ron

Kinuha ko dati ang phone number niya, palusot ko, sabi ko sa kanya iinvite ko siya sa isang party siya ang vocalist dun, the moves ko lang yun haha

He's approaching

He never change, he always make me fall
That killer smile, I really want to die right now, I dont deserve this

"Hey" Ron

"Hi"

"Its been nine months seens i last saw you here, getting your self drunk till mid night" Ron

Wow really pansin niya yun, Napangisi na lang ako

"Went on a Vacation" Isaid

"Nag pahinga karin sa pag iinom ah"
Ron

"let's go for a walk"

Pumayag ka please

Tumango siya as a response at pinauna niya ako, nag lakad lakad kami

Halos 15 minutes na kaming hindi nag uusap, gusto ko siya una mag approach

"So, what do you wanna to talk about" Ron

"Hmm, how i fall on you"
Sabi ko at napansin ko na parang wala na akong katabi, tumigil pala siya

Tumigil ako at humarap sa kanya
We have 20 steps away

"A-anong s-sabi mo?"
Ron

"Di mo nakuha?, Ron gusto kita" i confidently say

Gulat na gulat siya

At yung expression niya alam ko na ang kahahantungan nito

"Its Fine Ron, I know you don't like me, i just want to confess before my time stop"
I said with genuine smile

Simula pa nung nakilala kita alam kong may iba nang nag papasaya sayo, masakit, kaya idinaan ko na lang sa inom, pero ayos lang basta masaya ka

"I'm sorry, anong ibig mong sabihin sa time stop?" Ron

Tumalikod ako, dahil ayokong makita ang expression niya pag sinabi ko ang dahilan ayokong umiyak ngayon

"May taning na ang buhay ko, mamamatay na ako sa linggo, punta ka sa libing ko ah hahaha tsaka ayoko ng naka simangot ah kantahin mo yung mga paborito kong kanta" sabi ko sa kanya at nag lakad uli

"Haha ikaw ha kelan ka pa natutong mag joke"

"Hindi ako nag bibiro"

"David Hindi nakakatuwa"

"Aron Tunay ang sinasabi ko"

Hanggang sa naramdaman kong may nakakapit na sa kamay ko at iniharap ako

Ron? Bakit ka umiiyak?

"Alam kong wala akong karapatan para pag sabihan ka, pero wag mong sabihin ang mga bagay na ganyan hindi nakakatuwa!?" Ron

Na gulat ako sa lahat ng inasta niya

Kinuha ko ang phone ko at pinakita ang isang letter, kung saan dun nakatalaga kung ilang araw na lang ako mabubuhay sa mundong ito, binasa niya ito at ang isang kinagulat ko bigla niya akong niyakap

At umiyak siya, napangiti ako ng mapait dahil matagal ko naitong gustong makamtam ang yakap niya, dati ini imagine ko lang to

"huy ron ayos ka lang"

"I'm really sorry, hey tell me what i can do for you, tell me" ron

"Wag ka mag sorry wala kang kasalan, huli na pero do me a favor yung sinabi ko kanina yun lang sobrang saya ko na"
Sabi ko at kumalas sa yakap

"Na alala ko sayo ang mom ko parang ganito rin yung situation namin nung sinabi niya na may taning na rin siya, that's why i act like this, i didn't even get a chance to hug her, dahil nung araw na yun, yun na pala ang huli naming pag kikita, tapos ikaw rin, gusto kitang maka close man lang tapos huli na naman ako" ron

Pinunasan ko ang mga luha niya

"Hey, were close enough, and your mom, i think she's so proud of you like i do"

He smiled and that gives me Lot of energy

"thanks for being the reason why i still smile"

I said lastly and left

'P A R A'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon