/12/Sumigaw at Magalit

1 0 0
                                    

"Kanino mo nalaman yan?"

"Sa Tita ko, yung nurse na binantayan ka ng siyam na buwan, gusto kitang Samahan dahil ginusto ko, ayaw ko ng makita kang mag isa"

"Okay, Sabihin mo nga marami kabang kamag anak, source pa diyan?"

Napatawa siya

Kinuha ko ulit ang gamit at nag lakad kami papunta sa gitna

"Dito na lang tayo pumwesto"

Sabi ko at kinuha ko sa bag ko ang kumot ko at inilatag sa baba

Napansin ko na may dala siyang mga beer
Napangisi ako

"Anong nginingisi-ngisi mo diyan?"
Sabi niya sabay smirk

"Assumer, yang beer ang nginingisian ko"

"So anong balak mong gawin ngayon"

"Rape-in ka"

Nang laki ang mata niya hahah


Kumuha ako ng isang beer sa dala niya, at parang uhaw na ininom ito.

"Choss Joke lang, balak kong gawin?, gusto kong ilabas lahat ng sakit dito"

Gabi na pala wow ngayon ko lang napansin
May ilaw akong dala, kaso hindi literal na ilaw, fairy light kinuha ko sa bag at pinalibot ko sa amin.

Di ko ma iwasang hindi ngumiti dahil parang ang romantic

Napapangisi na lang siya sa ginagawa ko

Tumayo siya

"David tumayo ka rin"

"Bakit?"

"Isigaw mo lahat ng sakit, ngayon"

Tumayo ako
Huminga ng malamin

Pumikit ako dahil nararamdaman ko na ang pag init ng mata ko

Mga luhang matagal ng nag babadyang pumatak, lagi ko na lang pinipigilan dahil ayokong mag mukhang mahina sa harap nila

Pag kadilat ko ng mata sunod sunod na akong pag patak pinipigilan ko ang sarili ko na humikbi

"AAAAAAAAAAAH, BAKIT ANG HIRAP TANGGAPIN, PAGOD NA PAGOD NA AKOO, PAGOD NA AKO MAG SINUNGALING, SABIHIN NA TANGGAP
KO ANG LAHAT, HINDI KO MATANGGAP, BAKIT AKO, AYOKO PANG MAMATAY"

Napahagulhol ako ang sikip sikip na ng dib dib ko

"AAAAAAH AYOKO NA, ANG S-SAKIT SAKIT NG M-MAKITA NA SILA AY N-HAHIHIRAPAN DAHIL SA AKIN, AAAAAAAAH, PWEDE BANG MAGALIT SAYO KAHIT SAGLIT LANG, BAKIT MO PINAPARANAS SAKIN TO ANONG GINAWA KO BAKIT MO AKO PINAPAHIRAPAN,                  P-patawad s-sa lahat, a-ang sakit lang tanggapin lahat"

Napa luhod ako, Kala nila tanggap ko na, simula pa nung sinabi mismo sa akin ng doktor, hindi ko na matanggap, dahil naisigaw ko na, matatanggap ko na rin
Tutal makikita ko na rin naman ang kuya ko.

Naramdaman ko na lang na dahan dahan akong inupo ni ron, pinunasa niya ang mga luha ko at kinulong niya ako sa kanyang bisig

"Tahan na, nailabas mo na, magiging okay kana"










Pag ka lipas ng isang oras, nahimasmasan na ako, nakahiga kami at pinag mamasdan ang langit

"Matulog kana, babantayan kita, anong gusto mong kanta"

Tumagilid ako para makaharap sa kanya

"Lost stars"

Ngumiti ako at ipinikit ko ang aking mata
Nag simula na siyang kumanta

Habang kinakanta niya yun

Na alala ko ang kuya ko, kinanta ko sa kanya rin yan bago siya matulog at kina umagahan, hindi na siya nagising

Yun na pala ang huling gabing magkausap, magkasama at magakatabi kami

At sa rooftop din, ng hospital

Pero bago siya makatulog nun ang huli niyang sinabi

"Sa wakas na tanggap ko na rin"


'P A R A'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon