/10/ humingi ng tawad,mag patawad at bumawi

6 0 0
                                    

"David it's not funny"

"Yes it is, its not a joke, here I have a proof"

Inilabas ko Ang phone ko at nagulat na lang ako dahil iba ang kumuha

Cess

"DAVID anong ibig sabihin nito, BAKIT NGAYON MO LANG TO SINABI"

Hinila ako patayo ni cess ng biglaan, masakit pero hindi ko ininda dahil nararapat naman talaga.

Inaawat ni Rick si cess , nanatili lamang akong naka tungo, ng narinig ko ang pag haguhol  niya

"DAVID TUMINGIN KA SA AKIN, KAYA KABA NAG PUNTA DITO PARA MAG PA ALAM DAVID, PLEASE PRANK LANG TO DIBA DAVID AYOKO NG GANITONG BIRO"
Pasigaw niyang sabi sa akin na halos mapapaos na siya

Hinawakan niya ng mahigpit ang balikat ko

"Alam mong ayaw ko ng ganitong biro madali akong mauto, David bakit?, Anong nangyari?"

Hanggang sa napaluhod na siya at malakas na humagulhol bakit hindi parin ako umiiyak?

Pero ang sikip sikip na ng dib dib ko ang sakit sakit na makita ang mga mahal ko sa buhay na ganito ang dinadanas

Lumuhod ako at niyakap siya

"Please cess tama na , tahan na, lumaban ka para sa akin ayokong makikita kang ganyan pag alis ko bukas please cess maging matatag ka, ayoko ng ganyan gusto ko bago ako umalis sa mundong ito tanggap niyo na lahat"

Humagulhol siya lalo ng malakas

Niyakap ko siya ng mahigpit at si rick ay niyakap kami

Makalipas ang 2 oras

"David ano plano mo bukas?"
Tanong ni rick

"May mga lista naman ako ng mga dapat gawin sa buong linggo"

"Bakit ang lupit ni tadhana"

"Well ganyan talaga ang buhay, lahat naman tayo hahantong ng ganito sa huli, may oras na nakalaan para sa ating lahat, kaya dapat walang inaaksaya"

"Ang huling hiling mo'y pag bibigayan, tatanggapin kahit masakit, ngi ngiti kahit sobra ng hapdi"

"Salamat rick"

Nag pa alam siya sa akin at umalis na

Si cess kanina pang tahimik, nakasandal sa aking balikat

"David uuwi ka na mamaya diba"

Time check it is almost 2:05 im the morning

"Oo mga tanghali na lang siguro, cess kailangan mag promise ka din sa akin pag nandun na ako sa araw na yun, ayoko ng hagulhol sa araw ko ha!" sabi ko sa kanya

"Promise, ayoko pang umalis ka, kung kaya ko lang ibalik ang nakaraan susulitin ko ang bawat oras na kasama ka, kaso huli na pala ang lahat"

"Gaga, ang OA mo sulit na kaya, magkasama tayo ngayon ng buong araw, nag foodtrip, nag uli, nag kwentuhan, nag tawanan, sulit na lahat, tara na umuwi na tayo patayin na natin itong bonfire"

Sabay naming binuhusan ng tubig ang bonfire

Nag pa alam sa isa't isa at umalis


10:30 am

Nag iimapake na ulit ako at lalarga na, buti na lang mahangin at malilom ang daan, sarap ng biyahe

"David si cess to pedeng pumasok"

"Oh cess sige pasok ka"

Pag pasok niya kasama niya si Tita Flo

Niyakap ako ni tita
At kumalas din

Ay nako bakit mugto ang mata ng mga ito

"Pinagluto ka ni Mommy ng baon para sa mahabang biyahe, bisitahin ka na lang namin sa monday okay"

"Thank you bess"

"Iha ingat kayo ng pusa mo sa biyahe"

"Thanks Tita, I have to go"

Lumabas na kami ng bahay at ni lock
Konti lang namang gamit ang dala ko most ay pagkain ko and treats ni Freyah ang dala ko

I start the engine and, bid see yah to my family

Mag kikita pa naman kami eh

Katulad ng biyahe papunta dito sa probinsiya, ang aliwalas ng paligid at sobrang presko

Ang sakit lang dahil huling punta ko na lang ngayon

3 days na pala ang nakalipas

Its 1:25 pm yup sobrang bilis ng oras

Dahil wala namang masyadong nadaang sasakyan pinaharurot ko ang kotse

"WHOOOOOOOOOOOOOOOW"

'P A R A'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon