CHAPTER 5: SECRETS

2 1 0
                                    

KRISTELL'S POV:

Pauwi na ako ng may natanaw akong isang lalaki na nakatayo sa gate

"Sino kaya tong kumag nato?" I mumbled habang nasa loob ako ng kotse
Bumaba ako para lapitan sya.

"Excuse me? Can i help you?" Lumingon naman sya sakin na ikinatigil ng mundo ko familiar sya sakin pero di ko alam kung saan kami nagkita

"Ah... Eto ba yung bahay ni tita jinz?" What? Tita? Teka! Who's this guy?

"Yeah... She's my mom-----------
Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko, bigla nya lang akong niyakap

"Ikaw na ba yan.... Baby?" WAAAAAAAA!!!! BABYYYYYY?? ghad! Im fucking miss him

"KUYA AEON!?" napasigaw ako ng wala sa oras ng dahil sa tuwa

"Mabuti naman at nakilala mo pa ako" shit! Bat ang gwapo nya?

"Pasok tayo sa loob kuya, alam kong nangangawit kana dyan" biro ko

"Kanina lang kasi ako dito" wika naman nya ng makapasok na kami sa loob

"Naku pasensya kana kuya, minsan kasi walang tao dito... Daig mo pa ang haunted house" tumawa naman sya ng mahina saka umupo sa couch

"Si kuya jaden? " miss ko narin si kuya jaden, kung si kuya jaden ay isang fuckboy si kuya aeon naman ay isang badboy, ang astig!

"Tatlong taon na kaming hindi nagkikita ni jaden, wala narin akong balita tungkol sa kanya" ramdam ko ang kalungkotan nya base sa kanyang pananalita, mukhang may mahirap na pinagdadaanan si kuya aeon

"Baka naman may pamilya na sya kuya" inabot ko naman sa kanya ang baso na may lamang juice at inilapag ko narin ang mga cookies sa mesa, kumuha naman sya ng isa at kinain

"Siguro nga" saad nya habang nagkibit balikat

"Eh ikaw kuya? Kumusta na kayo ni ate xyrelle?" Nakakainggit kasi ang love story nila ayyiiieee
Ilang segundo pa kaming natahimik, di kalaunay ay ngumiti sya ng pilit, hinihintay ko kung ano ang sasabihin nya

"Okay naman kami....... Kasal na sya sa ibang lalaki" nabitawan ko ang cookies na kanina ko palang hinahawakan

"A-ano? K-kasal na sya?" Ghad! Bat ganun? Akala ko pa naman na sila talaga ang itinadhana tsk! Ang daya!

"Akalain mo yun kris... Pag-uwi ko dito galing new zealand, kasal na pala sya! Matagal na pala nya akong nilinlang!" Hindi ako makapaniwala, nagawa yun ni ate xyrelle?

"Nakikiusap ako sa kanya, nagmamakaawa pero wala na talagang silbi! She tried to slap me sa harap mismo ng maraming tao!" Nagsimula ng umagos ang kanyang mga luha kaya niyakap ko sya ng wala sa oras, shit! Nababakla na si kuya

"Ilabas mo lang lahat kuya, tao lang rin tayo... Alam natin ang salitang masaktan" pagpakalma ko sa kanya

"Pero okay na yun atleast naging parte sya ng buhay ko" nakuha pa nyang ngumiti kahit pilit lang

Di kalaunay ay dumating narin silang lahat, nanlaki naman ang mga mata nila lalong lalo na si mom

"A-aeon? Is that you?" Nagtatakang wika ni mom

"T-tita?" Lumapit naman si mom saka nya eto niyakap, masyado na ata akong emotional dito! Eh hindi naman talaga akong marunong umiyak -__-
Iniwan ko muna sila para naman makapag usap sila ng maayos, tinungo ko ang kusina para naman makapagluto na ako ng hapunan, inihanda ko muna ang mga lulutoin ko.

"Tulungan na kita" ang pesteng boses na yun! Di ko sya pinansin, patuloy lang ako sa paghihiwa ng mga sibuyas

"AAAAAHHHHHH" napasigaw ako ng dahil sa sobrang sakit, tae naman oh! Bat ngayon pa?

"Hindi ka kasi nag-iingat" hinila naman nya ang kamay ko at sinipsip nya ang daliri ko

"Di na kailangan" wika ko, mabilis ko naman itong winaksi kaya napabitaw sya

"Galit ka parin ba sakin?" Yang mga tingin na yan! Nakakainis ang mga ganyang tingin!

"Bat naman ako magagalit? Eh wala ka namang kasalanan" cold kong wika habang pinagpatuloy ang ginagawa ko

"Im sorry, si thyla naman talaga ang may kasalanan non. Pinilit nya ako, sinubukan kong makaalis pero hinarangan nya ang daan ko, sinubukan kitang tawagan pero hindi ka makontak hanggang sa wala na akong nagawa" nakikinig lang ako sa mga sinasabi nya tsk! Wala naman talaga akong panahon sa mga paliwanag nya kasi nakakairita! Bwesit!

"Sorry na... Kris sorry..." Patuloy parin syang nangungulit pero hindi ko sya pinansin, kung nakikinig lang sana sya sakin malamang hindi yun magagawa ni thyla sa kanya. Ilang ulit ko ng sinabi sa kanya na mga traydor yung mga kaibigan nya pero isang tao lang ang pinagkakatiwalaan ko kundi si jahren.

"Ayaw mo ba talaga akong patawarin?" Kainis talaga!

"Tumahimik ka kung gusto mo pang mabuhay" cold kong wika

"Gusto mo bang sabihin ko kay mom ang lahat? .... Lahat lahat" bahagya akong napatingin pero binalik ko ang atensyon ko sa paghihiwa

"Go on.... Sabihin mo kay mom... Lahat lahat" kilala kita kibby! Hanggang salita ka lang

"Talaga? Fine! " padabog na wika nya at nagsimula ng humakbang

"Di ko kaya... Natatakot ako" see? Hanggang salita lang talaga pero wala sa gawa tsk!

"Kung wala ka naman palang gagawin dito maaari ka ng lumabas!" Singhal ko

"Hindi ah! Gusto kitang tulungan" hayst! Hinayaan ko na lang sya

Nang matapos na ang lahat, sabay sabay narin kaming kumain

"Hon? Okay na ba si senator Rodriquez?" Tanong ni dad kay mom
Hanggang ngayon, iniisip ko parin ang boses na yun.

"Okay na sya" sambit ni mom
Mabuti naman at ligtas sya, nang dahil sa babaeng yun hindi namin nakuha ang pera powta!

"Pero hinahanap na namin kung sino talaga ang bumaril kay senator" kinabahan ako sa sinabi ni mom, pano kung madamay ako? The hell!
Napatingin naman sakin si kibby kaya napaiwas ako

Ako ang unang natapos, dumiretso ako sa veranda para magpahangin.

"Iniisip mo na naman ako" ang kapal!

"Masyado ka naman atang assuming!" Singhal ko, nakatingin ako sa mga bituin habang sya naman ay nakatingin sakin

"Hindi ka ba nagsasawa sa mukha ko?" Sarcastic kong sabi

"Hindi.... Dahil mahal kita" tsk! Ganito na lang ba talaga palagi?

"Pero hindi kita mahal" wika ko
Ngumisi lang sya ng nakakaloka

"Okay lang atleast mahal kita" hayst! Sawang sawa na ako sa mga katagang yan

"Tapatin mo nga ako... Ikaw ba ang bumaril kay senator?" Bahagya akong napatingin sa mga mata nya

"Hindi... Ibang tao ang bumaril sa kanya at nakita ko ang taong yun" bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat

"Sino ang taong yun?"

"Kilala ko ang boses nya pero hindi pa ako sigurado" saad ko

Naestatwa naman ako sa kinatatayuan ko ng bigla nya akong niyakap

"Ingatan mo ang sarili mo.... Pakiusap" pabulong na wika nya

Napasigaw ako dahil sa sobrang higpit ng yakap nya kaya napabitaw sya

"Okay ka lang?" Tumango lang ako bilang pagsang ayon pero hindi ako nakalusot putek!

"Teka! Bat may dugo ang damit mo?" Lumayo ako ng konti para hindi nya mabuksan ang damit ko

Minalas nga naman oh!!!!!!

Hinahawakan nya ang braso ko, pilit kong makawala pero nawalan ako ng lakas, nanghihina ako at inaantok.

"Shit!" He cursed

"Wag mong sabihin kay mom... Pakiusap" pagmamakaawa ko

"Oo. Gagamotin muna natin to" hinubad nya ang t-shirt nya at pinasuot sakin
Bigla naman nya akong binuhat

"Ibaba mo ko.. Kaya ko pa namang maglakad"

"Wag ng mag matigas kris! "

"Baka makita nila tayo"

"Ako ang bahala... Just trust me" may tiwala naman talaga ako sayo

"Inaantok ako" sambit ko

"Okay.. Matulog ka muna"
Sinunod ko naman ang sinabi nya at unti unti kong pinikit ang aking mata

"Nandito lang ako babe" ang huling salitang narinig ko

GANGSTERS 2 (ROAD TO FOREVER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon