CHAPTER 2: DARK ANGEL

2 1 0
                                    

KIBBY's POV:

Damn kristell! Where the hell are you!? Inikot ko na ang buong paligid ng DRU pero the fuck! Nasan ba sya? Wala naman syang ibang pupuntahan kundi ang tumambay sa court or sa office.
Umupo muna ako, isa sa mga bleachers.

"Kibby!" Napalingon naman ako sa taong tumatawag sakin
Sina samael lang pala, kumaway ako sa kanila at tumakbo naman sila palapit sakin.

"Nag iisa ka yata president" nakangusong wika ni troy
Tsk! Hindi naman talaga ako sanay na tawaging president pero wala akong magagawa dahil kagustuhan ko rin ang magiging ssg President. Naalala ko na naman si kristell, sya ang dahilan kung bakit interesado ako sa lahat ng bagay. Dati, ang supportive nya sakin pero lahat ng yun ay naglaho. Malaki narin ang pinagbago nya, iba na ang kristell na nakilala ko, ang hirap na nyang pakisamahan
Hindi ko nga alam kung may tinatago ba sya at nararamdaman ko yun, hindi nya lang magawang sabihin sakin. Well, para saan pa? Eh hindi nanga kami gaanong ka-close.

"Myghad kibby! Nababaliw kana!" Nabalik naman ako sa katinuan ng biglang sumigaw si thyla

"Huh??" Tumingin naman ako sa kanila

"May problema ba?" Tanong ni troy
Mabilis naman akong umiiling, bigla ko namang naisip ang isang mahalagang bagay.

"Teka! Kumusta na ang pinapagawa ko sayo?" Tanong ko kay samael

"Wala akong nakuhang impormasyon tungkol kay black queen at may bago na naman akong nalalaman" nanlaki na naman ang mga mata ko

"A-anong nalalaman mo?" Nangangatal kong wika

"Si dark angel" dark angel???????

"At sino na naman sya?" Tsk! Bat ba ang dami nila?

"Wala ring nakakilala sa kanya, mukhang si dark angel at black queen ay iisa lang" wika ni samael

"Pano ka naman nakakasigurado?" Tanong ni troy

"Well, hula ko lang" sambit pa nya

"Wag kayong masyadong kampante baka nasa paligid lang natin sila " saad ko
Masama ang kutob ko, ang mga serial killer ay may koneksyon sa ALPHA GANG at sila rin ang numero uno naming kalaban. Syempre natatakot rin kami baka nga bukas o makalawa, kami na naman ang isusunod na ipapatay.
Lalo na ngayon, may breaking news na naman at may bago na namang pinatay.

"Ano kaya ang dapat nating gawin para tayo talaga ang makatuklas-----------
Putol ko

"Hindi rin maaari, dahil wala naman tayong kaalam alam kung sino ang pinupuntirya nila kaya mahirap ring alamin at wala naman tayong pinagdududahan" saad ko at tumango lang silang lahat

"Darating rin ang araw na makilala ko rin yang serial killer na yan, nanganganib narin ang buhay ko" hinampas naman ako ni kingston sa likod kaya napaubo ako putaa!

"Hindi lang ikaw! Kundi tayong lahat" bulyaw pa nya
Kailangan pa ba talagang humampas? Kainis!

"Teka! Si kristell ba yan? " napalingon naman ako sa gate na kakapasok lang nya

"Saan ba sya galing sa mga oras nato? " nagtatakang tanong ni jahren
Sino ka ba talaga kristell?

"Sandali lang" iniwan ko muna sila saglit at tumakbo palapit kay kristell.

"Saan ka ba galing? Baka gusto mong bigyan kita ng suspension" ang tigas na talaga ng ulo nya!

"Gawin mo ang gusto mong gawin!" Sya pa talaga ang may ganang magalit sakin?

"Alam mo? Hindi ka nararapat maging vice president dito sa university nato! Ang sama sama ng ugali mo! Minsan nga naisip ko, bat ka ba dito pinag-aral ni mom? Eh wala namang laman yang utak mo!" Hindi ko sinasadya damn! Nadadala na naman ako sa init ng ulo ko

"Nagsisisi ka kung bakit dito ako nag-aaral? Ganun? Wag kang mag-alala dahil lahat ng yun ay matutupad!!!" Sigaw nya sakin na syang dahilan kung bakit kumirot ang puso ko

Tinalikuran nya ako at nagsimula syang humakbang, bago pa man sya makatatlong hakbang agad rin akong nagsasalita..

"Kapag umalis ka dito sa university nato! Kalimutan na natin ang isat isa!" Yung totoo, takot akong mawala sya.
Nilingon naman nya ako pero nginisihan nya lang ako.

"Matagal ko nang kinalimutan jhan kib elijah" mas lalong kumirot ang dibdib ko
Ano pa ba ang aasahan ko? Nagbago na nga sya.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya hanggang sa nawala na sya sa paningin ko.

KRISTELL's POV:

Ngayon ko lang naranasan ang umiyak, ano ba to! Kailan pa ako natutong maging emotional? Tsk!

Damn you kibby! Mas lalo mo lang akong binigyan ng problema.

Bumalik na naman ako sa mansyon hayst! Kung alam ko lang na ganito pala ang mangyari, edi sana hindi na ako bumalik don.

"Ang bilis mo namang nakabalik, miss mo ko agad?" Tsk! Ang kapal

"Ang taas ng expectation mo! Masyado ka namang assuming" wika ko at padabog na umupo sa couch

"Owww... Ang sakit!" Baliw!

"Ano na naman ba ang problema mo? "

"Bukas na bukas, itatransfer mo lahat ng documents ko sa starlet university" bahagya naman syang nagulat

"Teka-------------

"Wag ka ng magtanong! Sundin mo lang ang utos ko, yun lang at wala ng iba!"

"Kailan pa ako nagiging asong ulol na tagasunod ng mga utos mo?" Tsk! Kung nakakamatay lang sana ang mga masasakit na salita, siguro matagal natong patay -_-

"Quit babbling! Wala akong panahong makipagtalo sayo kharis" wika ko saka tumayo

"So..... Sumusuko kana?" Hinarap ko muna sya at ngumisi ng nakakaloka

"Nakakapagod makipagtalo sa mga taong walang pinag-aralan" at iniwan syang nakatulala

Umalis na naman ako dahil may natanggap akong mensahe galing kay gayle, pinuntahan ko naman ang lugar kung saan kami magkikita.

Nang marating ko na, naabutan ko naman sya. Nakatayo lang ito habang isinandal ang likod sa puno.

"Kumusta na ang pinapagawa ko sayo?" Pangunguna ko ng usapan

"Nahanap na namin ang pumaslang kay arslaan" tumingin ako ng diretso sa kanya pero nanatili lang syang nakapikit habang minamasdan ang ihip ng hangin

"Nasan sya?" Tanong ko

"Sumunod ka sakin at alam kong hinding hindi mo to magugustuhan " anong ibig nyang sabihin?????

Nauna syang lumakad at sumunod narin ako
Napaisip naman ako sa sinabi nya pero takte! Bat si kibby ang naisip ko???? Damn kibby!!!!! Binigyan mo lang talaga ako ng problema

GANGSTERS 2 (ROAD TO FOREVER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon