CHAPTER 8: REVEAL THE TRUTH

1 1 0
                                    

KRISTELL'S POV:

Hating gabi na nang makarinig ako ng ingay mula sa ibaba, mga kaluskos na nanggaling sa veranda. Binalot ng kaba ang buong sistema ng katawan ko, hindi dahil takot ako sa multo kundi sa mga tao na daig pa nila ang demonyo at mas lalong ako lang mag-isa dito sa bahay. Nung una, ni-lock ko yung pinto, sinara ang mga bintana at nagtalukbong ng kumot
Pero Hindi ko natiis, umaalingawngaw ang ingay mula sa baba, nabingi ako sa sobrang ingay. Nalilito ako, kailangan ko bang umiyak? Dahil napakahina at duwag ko? O gusto kong matawa dahil katapusan na ng buhay ko?

Bumangon ako, hindi ko alam kung bakit.... Kusa lang gumalaw ang mga paa ko, humarap ako sa salamin habang pinagmasdan ang mukha ko.. Hindi ko alam kung anong nangyari sakin, ang tanging nararamdaman ko lang ay para akong sinapian ng masamang espirito na gustong pumatay ng tao.

Binuksan ko ang cabinet at kinuha ang kutsilyo na binigay ni mom sakin dati at tinungo ang pintuan, dahan dahan ko itong binuksan... Wala akong nakita, nanghahapdi yung dalawang mata ko dahil sa sobrang dilim... Hindi pa naman ako sanay sa dilim. Pinilit kong lumakad ng maayos at dahan dahang bumaba sa hagdan, gumaan naman ang pakiramdam ko ng makakita ako ng liwanag mula sa main door.

Napasigaw ako dahil sa sakit na kung anong bagay na tumutusok sa paa ko. Isa lang ang nasa isip ko....

'DEAD END'

"holyshit! May bata pala dito" Boses yun ng lalaki

"Ako na ang bahala sa kanya" isang boses ng Babae, pamilyar ang boses nya sakin pero wala na akong panahong isipin sya kung sya ba talaga. Unti unti naring pumipikit ang mga talukap ko dahilan ng panghahapdi sa kanang paa ko. Pinilit kong buksan ang mga mata ko para hindi makatulog.

Inilapit nya ang mukha nya sakin, nakatakip ang bibig at ilong nito... Tanging dalawang mata nya lang ang nakita ko

"Kung gusto mo pang mabuhay, saktan mo ang damdamin ni kibby at hiwalayan sya" bulong nya na syang nagpapakirot ng dibdib ko
Ginalaw ko yung kamay ko para sakalin sya at nagwagi naman ako, mabilis naman syang natumba at hindi nya nagawang lumaban sakin siguro Hindi sya nasasaktan sa ginagawa ko dahil sa nanghihina na ako.

"S-sino k-ka p-para p-pagdiktahan a-ako?" Nangangatal na wika ko
Tumawa naman sya ng mapakla at tumayo

Pinagmasdan ko ang tattoo na nasa hita nya, isang dragon na kulay pula.

"Well, makilala mo rin ako.... Not now but soon" ang huling katagang binitawan nya at umalis

"Kris! Kris! Kris! Kris! Kris! Kris! Kris!" Napamulat ako ng wala sa oras

Shit! Ano yun? Isang panaginip? O mga alaala na pilit kong ibaon sa lupa?

"Ano bang nangyari?" Tanong ko sa kanilang tatlo
Ngayon ko lang napagtanto na nandito pala kami sa gubat, mukhang ito nanga ang LA paraseo

"Nahimatay ka" sambit ni Gayle

"What? Ako nahimatay?" Anak ng----- bat ngayon lang to nangyari sakin?

"Siguro pagod ka lang" wika naman ni kibby habang nasa tabi ko

"Wag nyo na kong alalahanin, okay na ako" pagkatapos nito, hahanapin ko ang babaeng yun!

"May problema ba? Ang lalim ata ng iniisip mo" mahinang sambit ni kibby

"I'm fine"

"Mukhang mahihirapan tayo nito, dahil pinaligiran tayo ng CCTV" wika naman ni kharis habang nakatutok sa laptop nya

"Kailangan nating gumawa ng plano" wika ko

Pagkatapos ng mahabang usapan nagkanya kanya naman kaming kumilos. Si Gayle ang magiging decoy para malaya kaming makapasok sa loob

Tumakbo lang kami ng tumakbo hanggang sa napadpad kami sa madilim na lugar

Isang kweba

Nauna akong pumasok at nanatiling nakasunod sina kharis at kibby .

Gusto kong mahimatay sa mga nakita ko 

nanuyo ang lalamunan ko, hindi ako makapagsalita ng dahil sa nakita ko. Isa lang ang tanging naisip ko

PURPLE FIELD

hindi ko alam kung anong klaseng mga bulaklak to, basta't ang alam ko lang ay kulay purple ang mga to

"Ngayon lang ako nakakita ng ganito" sambit ni kibby
Aaminin ko, maganda nga sya lalo na't gawin mong dekorasyon sa bahay

"Kumuha kayo" wika ko saka ko kinuha ang supot at isa-isa ko itong kinuha

"Bilisan nyo bago pa tayo mahuli" saad ko at patuloy lang sa ginagawa ko

"Tingnan mo nga naman! Wala talagang kinatatakutan. Ang lakas ng loob nyo para pasukin nyo ang lugar nato" pamilyar na boses
Sabay kaming napalingon sa babaeng nagsasalita pero laking gulat namin sa nakita namin

"G-gayle?" Bulong ko
Nasa kanila si gayle, habang nakatali ang kamay nito

"I-im s-sorry" namamaos na wika nya habang patuloy sa pag-agos ang mga luha nya

"Hayop kayo! Pakawalan nyo sya!" Singhal ni kharis
Hinahawakan namin ang magkabilang braso nya para hindi sya makalapit sa mga demonyong yun

"Bat ko naman sya papakawalan? Isa sya sa mga alagad ko, kaya remember that" natulala ako sa ere, tama ba yung narinig ko? O sadyang bingi lang ako?

"For your fucking information thyla adrastela! Dati lang ako nabibilang sa grupo nyo. Baka nakalimutan mo kung sino ang nagpaalis sakin!" At ngayon, nakatuon ang atensyon namin kay gayle na ngayon lang nagsasalita

"Ginawa ko yun dahil pumalpak ka sa trabaho mo-------

"Sa tingin mo ba, kaya kong patayin si kristell? Sa tingin mo ba, hahayaan kitang magtagumpay sa mga plano mo!? Your wrong thyla! Si kibby lang naman ang hinahabol mo diba? Kailanman, hindi mapupunta si kibby sa mga kamay mo gamit lang ang mga tauhan mo at ang purple pills na ginagawa nyo!" Muntik na akong mapaupo sa kinatatayuan ko, mabuti naman at mabilis akong naagap ni kibby kaya dahan dahan nya akong pinatayo

Hindi ako makapaniwala. Ang hirap paniwalaan
Napasigaw na lang ako ng bigla nyang sinampal si gayle

"Ng dahil sayo naging miserable ang buhay ko! Iniwan ko ang pinaka-espesyal na tao sa buong buhay ko, umalis ako ng walang paalam. Nagpakatatag ako sa europe, nag-ipon ng lakas para kalabanin ka. Alam mo bang gusto na kitang patayin sa loob mismo ng DRU? Matagal na akong nanggigigil sayo thyla! Kating kati na ang mga kamay ko para patayin ka!" Ramdam ko ang namumuo nyang galit pero tinitingnan ko lang sila, alam kong marami pa silang dapat pag-usapan.
Nakaramdam ako ng kiliti na kung anong bagay na gumagapang sa binti ko, dahan dahan akong yumuko para tingnan. Nang mapagtanto ko kung ano ang gumagapang sa binti ko, ay agad naman akong bumulong kay kibby

"Nandito sila. Nandito ang ahas ni jagee, kunin mo... Nasa binti ko" kainis talaga tong si jagee tsk! Alam naman nya na takot ako sa ahas pero ang tanong! Pano nila nalaman na nandito kami?

"Ikaw pala ang dahilan!!!" Sigaw ni kharis mabilis nyang kinuha ang baril at ipinutok sa kanila, sinusuwerte nga naman dahil natamaan ang demonyong haliparot
Bigla namang dumating ang tigre ni jagee kaya malaya kaming nakalabas, tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa napadpad kami sa isang lumang bahay, medyo malaki rin. Pumasok kami sa loob

Nabigla na lang ako ng makakita ako ng mga tao, ipuputok ko na sana ang baril pero isa sa kanila ang nagsasalita

"Wag kang magpaputok, maawa ka. Tulungan nyo kaming makalabas dito" pagmamakaawa ng isang matandang babae

Now I Know, tama yung sinabi sa matanda na kung sino man ang makakapasok sa islang to ay hindi na sila maaaring makalabas dahil ginawa silang bihag

"Ikaw na ang bahala dito kibby. Kailangan kong bumalik don" wika ko sa kanya

"Pero-----------
Bago pa man nya matapos ang sasabihin nya ay binigyan ko sya ng halik

" trust me" bulong ko at tumakbo pabalik
Rinig ko pa ang mga putokan na nanggaling sa loob ng kweba
Bumalik ako don para iligtas sila, lalong lalo na si gayle. Marami pa akong kailangang malaman

Bigla namang dumating sina matrix at jahren habang dala nila ang dalawang container.
I knew it!

"Sa susunod, sabihin nyo naman samin kung saan ang rocket nyo" nakasimangot na wika ni matrix pero nginitian ko lang sya
Kinuha ko ang container na dala nya at ibinuhos lahat sa purple field, tumulong naman si jahren

"Give me that damn lighter" at inabot sakin ni jahren
Kinuha ko muna ang sigarilyong dala ko at sinindihan ito

"Teka.. What the hell are you doing?" Takang tanong ni jahren

"Manood kana lang" saka ako ngumisi ng nakakaloka
Nang masindihan ang sigarilyo ay agad ko naman itong inihagis sa purple field kaya lumaki ang apoy nito.

"Walanghiya kayo!" Sigaw ng haliparot na babae
Bago paman nya maputok ang baril na dinadala nya ay agad ko naman syang naunahan, may tama sya sa magkabilang braso

"Dalhin sya" utos ko sa dalawa

"Mauna kana kris. May naghihintay na pulang bangka don" saad ni jahren

"Kailangan ko pang balikan si kibby" wika ko

"Kami na ang bahala sa kanya. Umalis kana, Baka may makakaalam pa sa identity mo" tama naman sya

"Pakiusap.. Iligtas mo ang kuya kibby mo" wika ko sa kanya
Tumango lang sya bilang pagsagot

Nagmamadali akong lumabas sa kwebang yun, tumakbo ako upang makarating sa pulang bangka na naghihintay sakin

Nang matanaw ko ito, isang lalaking nakaupo habang nakatalikod.

Who's the fuck is this?

Dahan dahan akong lumapit at sumakay, nakahanda narin ang moves ko kung sakaling saktan nya ako

"Tara na" aya ko sa lalaking nasa harap ko pero hindi nya nagawang lumingon sakin

"Who the hell are you!?" Sigaw ko

"Its been a long time.... Kristell lyka avilla" ang lakas ng kabog ng dibdib ko, konti na lang at sasabog yata ang puso ko

Nangangatog

Natatakot

Nanginginig

Ang boses na yun. Paanong?????

"Hindi ka man lang ba magsasalita?"
Ohghad! Bat ngayon lang?
Hindi ko to napaghandaan

"K-kuya j-jaden?" 

GANGSTERS 2 (ROAD TO FOREVER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon