Kabanata 3

5.2K 34 1
                                    

KABANATA III:
Mga Alamat

Tagpuan

 Sa Ibabaw ng Kubyerta

 Tauhan

Padre Florentino - Ang amain ni Isagani.

Padre Sybila - Paring Dominiko.

Padre Irene - Ang ka-anib ng mga kabataan sa pag-ta-tatag ng Akademya ng Wikang Kastila.

Padre Camorra - Ang mukhang artilyerong pari.

Padre Salvi - Ang Paring Franciscano.

Simoun - Ang mayamang mag-aalahas.

Buod

Naabutan ni Padre Florentino na nag-ta-tawanan ang mga nasa Kubyerta kasabay nito ay dumating si Simoun. May naka-pag-sabi sa kaniya na, sayang at hindi nakita ni Simoun ang mga dinaanan ng kanilang sinasakayan.

Ani ni Simoun; kung walang alamat ang mga iyon ay walang kwenta ang kahit na ano na nadaanan.

Inilahad ng Kapitan Heneral ang tungkol sa Alamat na Malapad na Bato.

At pangalawa, nag-kwento naman si Padre Florentino tungkol sa Alamat ni Donya Geronima, na-gandahan naman si Ben Zayb sa alamat na ito at nainggit naman si Donya Victorina na nang-yari sa Alamat.

Para mag-bago ang usapan nag-kwento naman tungkol sa Alamat ni San Nicolas.

Nang madaanan ng bapor ang lawa, nag-tanong si Ben Zayb sa Kapitan Heneral kung saang parte ng lawa napatay ang isang Guevarra, Navarra o Ibarra ba. Dahil sino man sa kanila ay hindi pa naka-kalimot at naa-alala pa ang ang pang-yayaring iyon kahit labintatlong (13) taon na ang nakakalipas.

Nag-hihintay ang lahat sa isasagot ng Kapitan Heneral maliban kay Simoun na waring pinag-mamasdan ang lawa.
Nasabi ni Padre Sibyla narito sa ilog na ito si Ibarra kasama ang kaniyang ama.

Si Simoun ay namumutla na at walang kibo. Mag-uusap usap pa sana sila ngunit sumama ang pakiramdam ni Simoun. Isinabi nalang ng Kapitan Heneral na ito'y nahilo sa pag-la-lakbay.

El Filibusterismo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon