Kabanata 25

2.5K 19 0
                                    

Kabanata XXV:
Tawanan at Iyakan

Tagpuan

 Sa Panciteris Macanista de Buen Gusto

Tauhan

Sandoval - Siya'y isang tunay na espanyol na nakiki-isa sa adikhain ng mga estudyanteng Pilipino na magkaroon ng paaralan na nagtuturo ng Kastila.

Tadeo - Isang tamad na mag-aaral.

Isagani - Isang mag-aaral at pamangkin ni Padre Florentino.

Makaraig - Isang mag-aaral ng abogasya at nangunguna sa hangarin ng pag-bubukas ng paaralan na nag-tuturo ng wikang Kastila.

Pecson - Isang matalino at mapanuring mag-aaral.

Buod

May Labing-apat (14) na estudyante na nag-titipon sa "Pansiteria Macanista de Beun Gusto". 

Sila'y nag-bibiruan at nag-tatawanan ngunit halatang pilit ito dahil sila ay kinakabahan sa maaaring maging sagot ni Don Custodio tungkol sa gusto nilang isatupad na Paaralan.

 Sa kaganapang ito ay wala si Basilio. Ang mga naka-handang pagkain sa kanila ay ikinumpara nila dito ang mga Prayle, si Don Custodio, sa Pamahalaan, si Quiroga, at si Simoun. Sa ganitong paraan nailalabas nila ang sama ng loob nila.

 Naatasan ni Macaraig si Tadeo na mag-talumpati kahit ito ay hindi handa, nag-salita ito sa kaniyang talumpati tungkol sa pinuno ng Liceo at tumutol doon si Sandoval ngunit nag-patuloy pa din si Tadeo.

 Sa huli, nag-kagulo sila dahil nalaman nilang mayroong na-kikinig at nag-mamasid sa kanila na nasabing utusan ni Padre Sibyla.

El Filibusterismo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon