Kabanata 34

2.1K 16 1
                                    

KABANATA XXXIV:
Ang Kasal

Tagpuan

Sa bahay ni Kapitan Tiyago

Tauhan

Simoun - Ang may dala ng lampara upang mag-higanti.

Juanito - Ang ikakasal kay Paulita.

Paulita - Ang ikakasal kay Juanito.

Don Timoteo - Ama ni Juanito.

Basilio - Ang kasama ni Simoun sa pag-hihiganti.

Buod

Ikapito ng gabi at walang magawa si Basilio kung hindi mag-hintay kay Simoun para sa kanilang balak.

Pumunta nalang si Basilio sa bahay ni Isagani ngunit hindi naman ito matagpuan.

Naalala ni Basilio na pinag-sabihan siya ni Simoun na kapag mag-sisimula na ang mang-yayari, lumayo na ito sa daang Anloague na kung saan papunta ito sa bahay ni Kapitan Tiyago.

Sa bahay ni Kapitan Tiyago gaganapin ang kasal.

Naisip niya kung ano kaya mang-yayari sa buhay nila ni Huli kung siya'y hindi nakulong.

Nakita na niyang sumakay na si Simoun sa karwahe ni Sinong.

Dala ni Simoun ang lampara na ihahandog niya bilang regalo kahit ito'y kasama sa masamang plano.

Pumunta na si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiyago at ito'y napapaligiran ng Guwardiyang Sibil.

Tuwang-tuwa naman si Don Timoteo dahil ikakasal na ang kaniyang anak na si Juanito at sila'y daw napaka-swerte.

El Filibusterismo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon