Kabanata 13

2.9K 20 0
                                    

Kabanata XIII:
Ang Klase sa Pisika

Tagpuan

Sa Loob Ng Klase

Tauhan

Padre Millon - Guro ni Placido sa Pisika.

Placido - Isang mag-aaral.

Juanito - Isang mag-aaral.

Buod

Isang mahaba at rektangular na bulwagan ang silid ng klase sa pisika (physics), maluluwag ang bintana nito na narerehasan ng bakal. Sa mag-kabilang tabi ng silid ay may tatlong baitang na batong natatapakan ng kahoy. Doon nakaupo ang mga estudyanteng nakaayos, ayon sa pagkakasunod-sunod na letra ng kanilang mga apelyido.

Walang ayos ang ang dingding ng silid, may mga kasangkapan nga sa pisika ngunit ito ay nakasusi sa isang aparador na may salamin at kung gamitin man ay ipinakikita lamang sa klase mula sa malayo tulad ng Santisimo ng Pari.

Samantala ang Batang Dominikanong Pari na si Padre Million ang guro sa klase ng Pisika. Siya'y napa-bantog sa Pilisopiya sa Kolehiyo ng San Juan De Letran. Katapat ng pintuan, sa ilalim ng larawan ni Santo Tomas De Aquino ay doon nakaupo ang propesor.

Tinawag ng Propesor ang antuking estudyante ng may buhok na parang eskoba. Parang ponograpo itong tumugon sa isang isinaulong lesyon ukol sa salamin, bahagi nito, kauriang bubog o kalaing. Pinatigil ng guro ang estudyante at sunod na tinawag si Juanito Pelaez.

Sumenyas ito kay Placido na tila sinasabi na; makinig ka at diktahan mo ako. Sa kakatapak sa paa ni Placido ay napasigaw ito sa sakit, sa kaniya tuloy nabaling ang galit ng propesor.

Siya ay namura at nasabihang paki-alamero at dahil dito pina-upo na si Juanito at si Placido na ang tinanong.

Nagkanda-utal si Placido sa pag-sagot sa mga tanong ng propesor. Wala siyang nabigkas sa mga leksyon kaya nag-lagay ang propesor ng mababang marka kay Placido ngunit tutol dito di Placido at siya'y nag-paliwanag.

Inihagis ni Placido ang hawak niyang aklat, hinarap ang propesor at walang galang na umalis sa klase.

Natigilan ang klase. Hindi nila akalain na magagawa iyon ni Placido. Nag-sermon at nag-mura si Padre Million hanggang sa tumunog ang kampanilya, senyas na tapos na ang klase.

El Filibusterismo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon