Chapter 8.

7.5K 147 1
                                        

"SAAN NA ba iyong classroom ko? Bakit ba kasi iniwan ako nina Fumi at Yumi?" naiinis na wika ni Azumi habang tila nagpa-panic na siya sa paghahanap ng room niya.

First day of school kasi tapos late pa siya. Pinaghandaan niya ito ng ilang araw at heto late pa din.

Kasalanan talaga to nina Fumi at Yumi.

Hindi ng mga ito siya ginising ng maaga kahit sila naman ang dahilan kung bakit siya napuyat. Wala ding kwenta iyong alarm clock niya kaya ayun sinira niya. Naibato niya sa dingding sa sobrang inis.

"Miss."

Gulat na gulat siyang napatalon at napasigaw dahil doon.

Wait. That voice is familiar.

"Mathew!!"

She exclaimed as soon as she face the person behind that familiar baritone voice.

"It's nice to see you again Miss or should I say Azumi," he said.

Napangiti siya dahil hindi siya nagkamali ng sabihin niya na magkikita pa rin silang dalawa. And looks like, Mathew is also a student here because he's currently wearing his school uniform.

"It's nice see you too, Mathew," she replied.

"Just call me Math," anito sa kaniya. Mukhang mas bet nito na tawagin ito sa nickname nito.

"Math, pwede favor? Pwede samahan mo ako sa classroom ko?" tanong niya kay Mathew.

"You don't know where was it right?"

Nahihiya siyang tumango.

"You have two dormmates, right? Where are they?" tanong nito muli sa kaniya.

Bigla siyang nainis ng maalala muli ang pang-iiwan sa kaniya nina Fumi at Yumi.

"Iniwan nila ako. Pero may kasalanan din naman kasi ako. Late din kasi akong nagising dahil obviously late na rin kami nakatulog kagabi. Nag-girl bonding pa kasi kami hanggang hating-gabi."

Nakita niya na napailing si Mathew. "Next time don't sleep late. That's not good for you," pangaral nito sa kaniya.

"I take note of that," tugon niya rito.

"Anyway, what class are you?"

"Silver Knight Class," dagling sagot niya rito.

Kunot-noo niya naman itong tiningnan ng inilahad nito ang kamay nito sa kaniya.

"Your hand," anito.

Naguguluhan man ay ginawa niya ang gusto nitong mangyari. But something unexpected happened next.

Mathew intertwined their hands much to her surprise.

"Your hand fits perfectly to mine," rinig niyang sabi nito sa kaniya.

"B-Bakit may pa ganito?"

Nginitian lang siya nito at pagkuwan ay nagsimula na silang maglakad.

Nagpatianod lang siya rito at makalipas ng ilang minuto ay natagpuan nalang niya ang kaniyang sarili na nasa harapan ng classroom niya. Sigurado siyang ito yun dahil may nakatatak na "Silver Knight Class" sa taas ng pintuan nito.

"Sana hindi ako late," aniya.

Nag-aalinlangan pa siyang buksan ang pinto dahil sa hiya at kaba.

"You're not."

Napatingin siya sa kay Mathew.

"As a matter of fact, you're just on time."

Nang marinig niya iyon kay Mathew ay tila nabawasan ang kaba niya. Mukhang mapagkakatiwalaan naman ang sinabi nito kaya tila nakahinga siya ng maluwag.

Goddess In Disguise Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon