Chapter 12.

6.8K 150 1
                                        

THE ENCHANTED VILLAGE was not what Azumi had envisioned. Pagdating nila kasi dito ay bumungad sa kanila ang nagkakagulong mga fairies. Ang lugar na dapat puno ng tawanan ay nabalot ng pagsabog at patayan dahil sa mga magic users na kapwa nagtataglay ng itim na mahika.

"Ate Ganda."

Napatingin siya sa batang babae na kasama niya. Si Tiffany, ang nakababatang kapatid ni Supremo.

Inaya siya nito kanina na mamasyal rito at sumama naman siya. The Queen was supposed to join them, but she was summoned by the Elders for an important matter. Kaya naman silang dalawa at dalawa sa mga kawal ng palasyo ang kasama nila rito.

"It's okay," sabi niya rito.

Limang taon lang si Tiffany kaya hindi na nakapagtatakang takot na takot ito sa kasalukuyan na nangyayari.

"Nandito lang si Ate. I promise to protect you."

Bigla naman siyang naalerto ng maramdaman niya na may tila matalim ma bagay na patungo sa kanilang direksyon. It was an arrow aimed at her head, but the two knights with her were more than capable of handling it.

Mas naalerto naman siya ng mapansin niyang napapaligiran na sila ng mga kaaway. Given their present situations, Azumi hastily summons one of her armors.

"I summon thee, Holy Armor!"

Binalot ng napakaliwanag na ilaw ang kanilang kinatatayuan. At mula sa kawalan ay lumitaw ang isang ginintuan na kalasag.

She has the ability to summon sets of armor and weapons in addition to formidable beasts and animals. But rather of wearing it, she opted to give it to Tiffany.

Hindi naman problema ang size nito dahil nagbabago naman ito depende sa kung sino ang magsusuot. Through this, she can ensure that this child will be safe no matter what happen.

"Tiffany, repeat what I said okay?" pagkausap niya rito na agad naman na ikinatango ng bata. Yakap-yakap pa din nito ang hawak nitong teddy bear.

"Holy Field," aniya na sinunod naman ng bata dahilan para ma-activate nito ang defensive feature ng naturang pananggalang. Nababalot na ito ngayon ng pabilog na barrier.

"Trent, Brent," tawag niya sa dalawang knight na kasama nila.

Dagli naman ang mga itong lumapit sa kaniya.

"I want the two of you to get her out of this place."

"How about you, my lady?" tanong sa kaniya ni Brent.

"Don't worry about me. I can handle myself," she replied.

"Our main priority here is to make sure this child will be safe."

"But-"

"No buts, Trent," she immediately cut him off.

Sandaling natigilan si Trent dahil kasamang inihabilin ito sa kaniya ng Reyna.

He was torn between what the Queen had ordered and her milady's request.

"Trent, I'll be fine." Azumi convinced him. "Dapat mas inaalala niyo ang batang ito. Princess Tiffany is too young to experience this. I don't want her to be traumatize after this."

"I understand."

Kinuha ni Brent sa kaniya si Tiffany. Si Trent naman ay nakaalalay lang rito.

"I summon thee, Satan Armor."

A black armor slowly covered her entire body, and while she was doing so, she summoned the Demonic Scythe, the same weapon Satana used. After a few minutes, she had fully integrated herself with her demonic armor.

Goddess In Disguise Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon