Contract Four~The Dark Puma

222 4 4
                                    

| Authors Note: |

Ongoing  pa po ito at hindi Completed kaya naman po natatagalan ako sa mga Update kasi nagsusulat pa po ako whenever I have some free time. Estudyante pa din kasi ako kaya naman Busy din. Pasensya na po talaga kung super matagal ang UD. Sana naman po maintindihan niyo. Thank you din sa inyo dahil 100+ reads na ang "MGCB" Thanks sa support guys.

HOPE YOU ENJOY THIS UPDATE! ^_^

~(Chapter 4:The Dark Puma)~

(Breeana's Point of View)

Ilang linggo na rin pala simula noong nagsimula ang "Contract". Actually malapit na nga ang "monthsary"  namin ni PantyBaby aka Chace Evan Monteforte. At first akala ko talaga hindi kami magkakasundo pero hindi pala "Medyo" mabait naman din pala ang gago caring din and bitter, ewan ko dun nahihiya ipakita ang sweetness kahit halata na nga na sweet siya tinatakpan niya lang lagi ng pagkabiter niya. Aaminin ko na kinikilig din ako minsan sa simple gestures niya nakakatuwa kasi, alam mo yang napakahalata na pero nagde-deny ka pa. Nyemas ang cute lang niya.

(Flashback:)

Pauwi na sana kami ni Chace (Yes, sabay kami umuuwi. Hindi pa rin kasi alam ng lahat except kay Ella na "Pekeng Lovers" lang kami ni Chace. Pati na rin ang gang niya wala ring alam na hindi totoo ang relasyon namin ng leader nila)

Okay Heto na talaga, naglalakad kami papunta ng gate nang iwan ako ni Chace dahil kukunin niya pa ang sasakyan niya sa parking lot. Nakasalubong ko sina Ella at Mark ang sweet nga nila share kasi sila sa isang coke

"Oh, Yana asan si Chace" -tanong ni Mark sa akin. "Yana" kasi ang tawag nila ni kuya sa akin. Si Mark Kennedy Perez ay  "Childhood Friend" ko na kasalukuyang "Boyfriend" ng "Bestfriend" ko na si Maria Michaela Park. Ewan ko ba sa dalawang yun at first "world war" talaga sila, umabot pa nga sa puntong nagbubugbugan na sila pero ngayon "rest in peace" na sila at napakasweet pa. Ang PDA nga ng dalawang yan eh pero they're my ideal couple.

"Uhm, nasa parking lot pa siya eh" -sagot ko kay Mark habang nakangiti.

"Ah Bree gusto mo?" tanong sa akin ni Ella habang inaabot ang drink nila. Actually kanina pa nga ako natatakam sa iniinom nila pero Nyeta share na nga sila hihingi pa ako, may konting hiya pa naman na natitira sa akin kahit papaano at isa pa hindi naman ako ganon kahirap para hindi makabili ng sarili kong drink.

"NO! Hindi siya tumatanggap ng aboloy" -may pamilyar na boses mula sa likod ko na sumingit. Leche hindi pa ako patay para manghingi ng "aboloy".

"Heto oh! Sa susunod huwag ka na manghingi sa iba, kaya naman kitang bilhan kahit ilan pa sabihin mo lang." Pakshet bakit ba ang sweet ng mokong na to ngayon. Once in a blue moon lang ang pagkakataong ito kaya sasagarin ko na.

"Thanks babe" -pagpapasalamat ko kay Chace sabay halik sa pisngi niya. At woah ang pula pula na ng boypren ko hahahaha. Ang kyut naman niya kung kinikilig daig pa ang batang nakita ang crush.

"Hoy hindi niyo ba alam na bawal ang PDA dito?" -sabat ni Mark sa amin nakagetover na tuloy si Chace. Lecheng Mark to, panira ng moment kung makapagsalita para namang hindi sila PDA ni Ella.

"Like I care?"- Inis na sagot ni Chace. Sino ba namang hindi maainis sa ginawa ng Lecheng Mark na yan. Paminsan nalang nga maging sweet si Chace, naudlot pa. -________-

"..Hoy kayo! Huwag niyo bigyan ang aso ko ng kahit ano! Hindi siya kumakain ng mga street food dahil gusto niya dog food" -pahabol ni Chace sabay lakad paalis, gagong yun akala ko pa naman magiging sweet siya ngayon pero mas nananaig pa rin pala ang pagkabitter niya. Lecheng yun pinaglihi ata sa ampalaya eh! Tinawag pa talaga akong aso, sa ganda kong to magiging beauty lang ng aso, utot niya bwiset.

My Gangster Contract BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon