Contract Five~The First Monthsary

198 5 2
                                    

~(Chapter 5:The First Monthsary)~

(Breeana's Point of View:)

"Hoy Bree, magkwento ka naman oh! Ano bang plano niyo ni Chace sa "First Monthsary" niyo?" -Tanong ni Ella sa akin, spell "K-U-L-I-T" kasi naman kanina pa yan tanong ng tanong sa akin kung anong mangyayari sa "Monthsary" kuno namin ni Chace. Alangan namang sabihin ko na may special event na mangyayari. Sa katunayan nga hindi pa nagpaparamdam ang magaling na Chace na yun, ewan ko ba dun, paminsan bigla na lang susulpot na parang "kabote" at ngayon naman biglang mawawala na parang "pimple" meron atang "Split Personality" ang loko. 

"Ano ba Ella, naririndi na talaga ako sayo! Kanina ka pa tanong ng tanong bakit ba interesadong-interesado ka kay Chace hah? Crush mo ba siya SAGOT!" -Tanong ko sa kanya, pikon na pikon na talaga ako sa babaeng to eh! Isa nalang talaga masasapak ko na to.

"U-uy hindi ah! Ano ba yang pinagsasabi mo, at isa pa mahal na mahal na mahal ko si Mark! How dare you!"

"Hahahaha! Ayieeee, ikaw ha blushing!" -tukso ko sa kanya, sarap kasing asarin ng babaeng to ang dali mapikon. No doubts mahal din siya ni Mark, mataas kasi ang pasensya ni Mark eh.

"Sige na nga crush ko, syota mo" -Namumulang pag-amin ni Ella sa akin

"What the hel--" -Hindi ko naituloy ang sasabihin ko sahil may biglang humalik sa pisngi ko

(Chace's Point of View:)

"What the hel--" -Hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil hinalikan ko siya sa pisngi. Nakakatuwa kasing isipin na nagseselos siya. Kung nakita niyo lang ang mukha niya nung sabihin ni Ella na crush niya ako ang "EPIC" sobra hahaha.

"..h-hoy Chace narinig mo ba ang sinabi ko k-k-kanina" -Nakatungong tanong ni Ella. Hahaha nahiya ata ang walang-hiya kong bestfriend. W-wait may naisip akong "Bright Idea" hahaha. Hiting two birds with one stone. *Evil Grin*

"Na crush mo ako, oo naman dinig na dinig. Alam ko naman yun noon pa?" -kampante kong sagot sa kanya. Tingnan natin kung di magselos tong si girlfriend ko hahaha.

"ANO?! ALAM MONG GUSTO KA NIYA?!" -gulat na sigaw sa akin ni Bree. Hahaha "Success" nagseselos nga hahaha.

"Oo naman, crush ko nga din siya eh" -sagot ko sa kanya. Namumula na talaga siya sa inis. Potek delikado na to baka bigla nalang to sumabog.

"Tengene, wow ha dito pa talaga kayo nagliligawan sa harap ko. Mahiya naman kayo sa akin kahit konti. Sige goodluck sa inyo, aalis muna ako para hindi masira ang moment." -Hala, patay nangingilid na ang luha niya. Hindi naman kasali sa plano ko na paiyakin siya. Ay tae, pinagselos ko pala malamang masasaktan siya kaya umiiyak siya ngayon, pagkatapos niya umiyak maglalasing siya tapos maghahanap siya ng lubid at ayon nga magbibigti na siya. Kinabukasan patay na siya. P*ta ano ba naman tong iniisip ko.

"Uyyy, Bree sorry na. Joke lang naman yun eh! Peace na tayo!" -bago pa man siya maka-alis niyakap ko na siya, yung parang "Back-hug" ba yun? Ay, ewan basta yung mukha ko nasa likod niya, yun na yun.

"Walang-hiya kang hayop ka! Mangangaliwa ka nalang sa harap ko pa! Heto dapat sayo" -Pagkatapos ng sinabi niya bigla nalang niya kinagat ang kamay ko, "Back-hug" nga kami diba so ang kamay ko nasa harapan ayun tuloy nakagat. Peste sadista pala tong nobya kong to kaya tip lang sa susunod hindinh-hindi ko na to pagseselosin ang brutal eh.

"Fuck let go of my damn hands!" -I started cursing her kasi ang sakit na talaga ng kagat niya eh. Mga 5 minutes na ata niya kinakagat ang kamay ko at ayun pasakit na pasakit ang kagat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Gangster Contract BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon