CHAPTER 3

47 1 0
                                    

JIMMY'S POV

Habang iniinterview nya ako kanina e sinusulat ko na sa papel yung mga tanong ko sa kanya. Eto yung mga tanong ko sa kanya:

sang school ka nag aaral dati?

kelan yung birthday mo?

anong course ang kukunin mo?

anong favorite food mo?

hobbies mo?

favorite color?

favorie band?

(etc..)

Hindi ko na sinama yung tinanong nya sa akin nung bandang huli. Baka sabihin nya e gaya-gaya ako ng tanong. Kaya mabuting hindi ko na lang yun sinama.

"Jimmy, tapos na oh!" sabay abot nya sa akin ng papel.

"Sayo muna. Ibigay mo na lang sa akin kapag magtatawag na si ma'am."

"Ok." matipid nyang sabi.

Habang hindi pa tapos yung iba sa pag i-interview sa kapartner nila, mag sou-soundtrip muna ako. At napikit ako sandali medyo inaantok kasi ako.

Nang may narinig akong....

 "Hoy Cindy! Makatitig ah! Baka maging Ice cream yan!" 

Napadilat ako sa lakas ng boses nya, kasi nasa likod ko lang sya. Anak ng...

Sino kaya ang tinititigan ni Cindy? Ako ba kaya? HAHAHAHA. Siguro nga. Bakit kasi ang gwapo ko pag tulog? 

Napalingon ako sa katabi ko. Parang hindi sya mapakali at parang kinakabahan na ewa. Nag dra-drawing sya sa likod ng notebook nya. Parang gawain ko lang ah. Tapos kinausap ko sya.

"Anong dina-drawing mo?" 

"Ahm, si Sunako Nakahara. Anime sya. Kilala mo ba yun?"

"Ah mahilig ako sa anime pero hindi ko sya kilala, pang lalaki lang ung mga pinapanuod kong anime eh."

"Ganon ba, mahilig ka rin bang mag drawing?"

"Oo."

"Sample nga? SAMPLE! SAMPLE!" 

Napatingin naman ang lahat sa amin dahil sa napalakas ang boses nya.

"Kung tapos na, manahimik muna ah? Mamaya na magpa sample dyan." mataray na sinabi ni ma'am. 

"Sorry ma'am." sabi ni Cindy.

Tinawanan ko sya.

"Hahaha daldal mo kasi!" asar ko sa kanya.

Di na sya nagsalita. Na awkward eh.

After few minutes later....

"Ok class times up na. Magsisimula na tayo. Sunod-sunod ah. Oh start tayo kayla Ms. Mendoza and Mr. Genova." 

Eh? agad-agad? Di ba pwedeng sa likod muna mag start? Bakit pa kasi ako dito naupo sa unahan!? Bad trip. 

Tumayo na kami ni Cindy. Sya ung unang nagbasa. Habang ako naman ay nakayuko at kunwaring binabasa ko yung papel na hawak-hawak ko. Nung tapos nya nang basahin yung kanya, binasa ko na agad yung akin. Para makabalik na agad ako sa pwesto ko! 

----

Wala pang kilig moments ano? XD Wala ako maisip eh. ~_~ Kakain nga ako ng chocolate para makapag isip ako ng mga kilig moments sa kwento ko. Haha. 

My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon