CHAPTER 6

34 0 1
                                    

CINDY'S POV

Ayun napilitin akong maging slave ni Jimmy para hindi na sya magalit sa akin.

Ayaw ko naman kasi na may kagalit akong kaklase. 1st day na 1st day e. 

Letse ko naman kasi e.

E kung hindi ako sumigaw ng ganun. E di normal na estudyante pa sana ako ngayon!

WEW. BALIW KA KASE! 

Hindi natuloy yung perfomance namin kasi nga nag bell. 

Ang saya! Recess na~

Gutom na gutom na talaga ako. 

Gutumin kasi ako e. Kada subject ang lumilipas.

Nagugutom ako. 

Nung tinawag ko na sila Glady at si Jessy. May humawak sa long sleeves ko...

Si monster.

"Ano ba?!"

"Hoy, baka nakakalimutan mo may kasunduan tayo. May ipapagawa ako sayo."

AGAD-AGAD?! Tss. Imba naman tong lalaking to, hindi muna pinalipas tong araw na to!?

Pumayag na ako para matapos na at makalamon este makakain na ako.

Gutom na gutom na ako e!

"Bili mo ako ng Piattos, roast beef  ang flavor at C2."

"Anak ng....WALA KA BANG PAA?!" Napasigaw ako.

Tumingin sya ng seryoso sa akin. 

Nakakatakot...pero ang po----

Hoy Cindy, diba hwag mong sabihin na nagwa-gwapuhan ka sa kanya?! E mukha nga syang MONSTER!!

"Kung hindi mo ko susundin.......

*Kinuha nya yung pitaka ko na nakalapag sa upuan ko.*

Hindi ko sayo ibibigay yung pitaka mo! Pare-parehas tayong hindi makakapagrecess! Gusto mo ba yun?" *troll face*

O_____O

"Sige na! Akin na yung pera mo! Monster!! Tss."

"Ano?! Pakiulit nga?"

"Master."

Habang sila Jessy at Glady ay nakatingin lang sa aming dalawa.

"Alam nyo, bagay kayo." Nakangiting asar ni Jessy.

"Tama sis! Bagay nga sila. Pwede silang maging perfect couple." Sabay Hi-5 kay Jessy. 

"ANO?!" sabay naming nasabi ni Jimmy.

"Sabay na sabay pa sila oh Glady." 

"Meant to be ang peg."

"Tumigil kayo!! Hindi kami bagay no." 

Nagsitawanan lang sila. 

Binigay nya na sa akin yung pera nya. At bumaba na kaming tatlo.

Grabe lang, 5th floor yung room namin ah! Tapos aakyat pa ako para ibigay ko pa sa kanya yung pinabili nya sa akin at para makuha ko na rin yung wallet ko. Tapos bababa ako para bumili tapos aakyat nanaman ako????????????? 

AH ALAM KO NA >:)

"Uy Glady, pautang naman oh?"

"Sakto lang ung dala kong pera eh!"

"Jessy pau---"

"Sakto lang din yung dala kong pera."

"Takte ayaw nyo lang ata akong pautangin eh! Babayaran ko naman agad! Wala kasi sa akin yung pitaka ko diba? Na kay monster kasi! Dali na pautang na pls?" Pagmamakaawa ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon