CINDY'S POV
Ready na akong interviewhin ni Jimmy. Pero....
"Oh eto yung mga tanong ko, sagutin mo na lang." Pagmamadali nyang inabot sa akin yung papel.
"Ok" matipid kong sagot.
So ganun ba ang pag i-interview? Tss. Tinatamad lang ata syang magsalita. O baka dahil sa nahihiya sya? EWAN! Basta sasagutan ko na lang tong mga tanong nya. Kung ayaw nyang makipag usap sa akin, E DI HWAG!
After a few minutes...
Tapos ko nang sagutan yung interview nya sa akin. Ibibigay ko na sana sa kanya pero mamaya na lang daw nya kukunin pag nagtawag na si ma'am.
Nakita kong nag sou-soundtrip sya habang nakapikit.
Tinitigan ko sya.
.
.
.
(O\\\\\\O)
"Hoy Cindy! Makatitig ah! Baka maging Ice cream yan!" sabi ni Glady *sabay tawa*
SH*T! Nahuli ako ni Glady! Kailangang magpalusot! \
Think....Think Think! Mag-isip ka!
"Hey, Glady EXCUSE ME? Hindi ko sya tinititigan ah? Kanina ko pa nga sya ginigising eh! Pero ayaw nyang magising!"
"Sus, palusot ka pa! Buking ka na girl" *evil laugh*
Tinaray ko na lang para wala na syang masabi. Kinabahan ako dahil sa nahuli ako ni Glady. Letse kasi. Argh! Naiinis ako sa sarili ko! Makapag drawing na nga lang.
*Dinadrawing nya si Sunako Nakahara*
Bigla na naman akong nagulat dahil sa tinanong ako ni Jimmy. Gising na pala sya?! Luuuh! Baka nalaman nya na sya ung tinititigan ko!
ACT NORMAL Cindz! Kaya mo yan.
Tinanong nya kung anong dinadrawing ko. Mahilig din pala sya sa anime. Pero nagtaka ako nung sinabi nya na hindi nya kilala yung ginuguhit ko. Yun pala hindi sya nanunuod ng mga pang babaeng anime. Ganon? E bakit yung kuya ko? Nanunuod naman sya nun eh! At nalaman ko na rin na mahilig din syang mag drawing.
Mahilig sya sa anime CHECK!
Marunong din sya mag drawing CHECK!
Unti-unti ko na syang nakikilala. Pero yung ugali nya. Hindi pa masyado.
Nung sinabi nya na marunong din sya mag drawing napasigaw ako ng.....
"SAMPLE! SAMPLE!"
Napatingin lahat sila sa akin.
AAAAAAAWWWWWKKKKKWWWWAAAARRRDDD Moment~
SHUNGA MO TALAGA KAHIT KELAN KA CINDY! Nakakahiya yung ginawa mo. Aish. Napagalitan ako ni ma'am at pinagtatawanan naman ako ni Jimmy.
"Ang daldal mo kasi!" *sabay tawa ulit*
Mapang asar din pala tong mokong na to.
Di na ako umimik dahil sa napahiya ako. Kaya ko naman sya pinapasample, para makita ko yung drawing nya. At kung gaano sya kagaling sa pag drawing.
"Ok class times up na. Magsisimula na tayo. Sunod-sunod ah. Oh start tayo kayla Ms. Mendoza and Mr. Genova."
Napa POKER FACE meme ako dun. Wala na kaming magagawa e kami yung nasa unahan eh!
~(-__-)~
Tumayo na kami at pumunta na agad kami sa unahan. Ako yung unang nagbasa na nainterview ko sa kanya. Pagkatapos ko naman basahin yung sa akin e binasa nya agad yung kanya. Ang bilis nyang magbasa, parang may hinahabol lang?
Nung tapos na naming basahin yun, pinasa na namin kay ma'am. Papaupo na kami nang bigla kaming tinawag ulit.
"Ms. Mendoza and Mr. Genova"
"Yes ma'am?"
"Ano yung pinapasample mo kay Mr. Genova kanina?"
"Pinapasample ko po syang mag drawing." Diretso na sabi ko.
"Well, papasampulin ko kayo na kumanta." *TROLL FACE*
"ANO POOOOOOOOO????!" *Le gulat kami ni Jimmy*
Sumang ayon naman yung mga kaklase namin. May kinikilig na ewan. Pero bakit?! Anong trip ni ma'am sa amin?! BAKIT? WHY? Hindi naman ako marunong kumanta! Patapon yung boses ko. Tss.
"Kasalanan mo to." Bulong sa akin ni Jimmy. Seryoso ang mukha nya. Patay.
-----
asdasdasd. Wala pang maisip na kilig moments e. Pero ON THE WAY na daw sya. XD lol.