JIMMY'S POV
Napakamalas naman at nakatabi ko pa tong babae na to! Pati ako nadamay e!
SH*T TALAGA!!!!!!
Bahala na.
"Bibigyan ko kayo ng 10 mins. para makapag isip ng ikakanta nyo. Kung hindi kayo mag pe-perform, hwag na kayo umattend sa klase ko!" sabi ni ma'am.
FFFFFFFUUUUUU....
Nakakainis. DAMN THIS DAY!
Sa sobrang inis ko, binulungan ko si Cindy.
"Kasalan mo to."
Seryoso ko yung sinabi.
Napayuko na lang sya at dahil sa nahihiya na rin sya.
KASALAN MO NAMAN TALAGA E! Kung hindi ka mabunganga dyan e sana hindi to mangyayari!
Bumalik na kami sa pwesto namin. Para makapag isip ng ikakanta namin.
"Uy sorry na oh." nagmamakaawa si Cindy sa akin.
Hindi ko sya tinitignan at pinapansin.
"Uy Jimmy, sorry na oh! Pansinin mo na ako. Ga...gagawin ko ang lahat para mapatawad mo na ako! Puh-pleaseeee!!!"
Magandang ideya Cindy. MUWAHAHAHAHAHAHA!
Humarap ako sa kanya.
"Sabi mo yan ah! 5 weeks na magiging alalay kita. At tatawagin mo kong Master."
"Pero masyadong ---"
"Basta! Yun na yun. Magiging alalay kita in 5 weeks! Kung ayaw mo---"
"Sige na nga!! Ang tagal naman nun, Jimmy"
"Master!"
"Master nga! Sabi ko nga e!"
"Deal?"
"Deal."
Pumayag sya! Wahaha. Meron na akong slave. Hindi na ako mahihirapan. May taga gawa na ako ng homework, may taga bitbit na rin ako gamit pag pupunta ako sa locker ko. Wahaha.
Ako na ang nag isip ng ikakanta namin, dahil sa expert ako sa mga music. At staka mahilig din kasi ako kumanta at nag gigitara ako. Gusto ko ngang sumali sa talent contest eh, pero nahihiya ako.
Ang napili kong kanta ay 2 is better than 1.
"Di ko kabisado yung lyrics nun Jim-- este Master!"
"Don't worry, may kopya ako ng lyrics na yun. Eto oh." *inabot ko sa kanya yung lyrics na nakalagay sa short folder ko.*
"Wow, hindi ko alam na mahilig ka pala kumanta?" *habang binubuklat nya pa ung ibang lyrics na nakalagay dun*
"Oo."
"E bakit hindi ka ata sumasali sa talent contest dito sa school natin?" pagtataka nya.
"Hwag ka nang masyadong matanong! Mag practice na tayo!"
Di ko na sinagot ung tanong nya, baka pagtawanan nya pa ako. Kapag sinabi kong nahihiya ako.
Pagkatapos ng activity namin. Biglang nag.....
*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNGGGGG!!!*
Oh yeah!! Save by the bell beybe!
Bago pa man lumabas si ma'am sa classroom.
"Nakaligtas yung dalawa oh! Bukas di na kayo makakaligtas sa akin. Bago tayo mag start ng lesson bukas, magpe-perform muna kayo." Nakangiting sabi nya sa amin ni Cindy.
Patay. Hindi na kami makakaligtas nito.
E kung mag cutting kaya ako?
TSS. HINDI PWEDE! Pag ginawa ko yun, hindi na ako makakapasok sa klase nya. Wew.
"RECESS NA!! Tara na Glady! Jessy!" aya nya sa mga kaklase nya.
Hinawakan ko yung long sleeve nya.
"Ano ba?!"
"Hoy, baka nakakalimutan mo may kasunduan tayo. May ipapagawa ako sayo."
"Pwedeng bukas na lang natin simulan yun?"
"Hindi pwede, gusto ko ngayon na!"
"Tss. Sige na! Ano yung ipapautos mo Monster?"
"ANO?!"
"Master pala."
"Ayus-ayusin mo yung pagtawag sa akin kundi madadagdagan ang 5 weeks na pagiging alalay mo!"
"Oo na po! Ano na ipapagawa mo para maka recess na kami! Nagugutom na ako oh!" Pagmamadali nya.
Mukhang magiging masaya to. BWAHAHAHAHA!
------
Abangan..
Boring ng kwento ko. Hahaha wala pa kasing kilig moments eh. XD Hintay-hintay lang.